Chapter 15

111 5 0
                                    

Chapter 15
Tally’s Guilt



FLORENCE TALLY REMHART





INIISIP ko pa rin ang mga sinabi ni Ivory bago siya mag-walk out kanina.  Naba-bothered ako dahil parang may nararamdaman akong connection mula sa mga sinabi niya. And I know ramdam rin iyon ng iba. I want to know dahil alam kong may sekreto silang ayaw nilang sabihin sa amin.

"Tally, you okay?" tanong ni Astrid sa akin. Nakahawak kasi ako sa braso niya habang naglalakad. At nasa kabila naman nakahawak si Viola. Nakasunod lang kami kay Zyco and the girl named Sachie na may dalang malaking kahoy. Pero ang narinig ko kanina ay gold daw iyon. Ewan kong totoo ba. While, Ebony was walking like she is thinking hard and paiba iba ang ekspresyon ng mukha niya. Minsan naka kunot ang noo, nakasimangot at biglang mapapalitan ulit ito ng kung anong ekspresyon. Hirap nilang basahin.

"Iniisip ko lang ang mga salitang binitawan ni Ivory kanina. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibigkas niya. Parang may ibig itong iparating sa amin. And the way she talks ay parang kinikimkim talaga niya ito sa puso niya." mahinang sagot ko kay Astrid. Kinalas naman niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso niya at hinagod ang likod ko.

"Hayaan mo na." ani ni Astrid sa akin. Napabuntong hininga naman ako dahil hindi kaya ng konsensya ko. Huminto ng paglalakad si Astrid kaya napahinto rin ako lalo na si Viola. Pinaharap niya ako sa kaniya at humawak sa magkabilang balikat ko. "Bakit kaya hindi mo na lang tanungin si Ivory mamaya? For sure nasa Fairy Land na siya ngayon. Tanungin mo siya kung bakit galit na galit siya sa inyo at sa pagiging royalty niyo. Kahit alam ko ang rason, it’s better na si Ivory ang mag-kwento at sa bibig niya mismo lumabas ang sagot sa katanungan mo." suhestiyon ni Astrid sa akin habang nakangiti. Napa-isip naman ako. May sense naman ang suggestion ni Astrid sa akin. Pero may risk parin ito dahil malaki ang galit ni Ivory sa amin.

"I’ll try. Wala namang masama kung susubukan." nakangiting ani ko. Bumalik na kami sa paglalakad at binalik ko na rin ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso niya.


NAKARATING na kami sa Fairy Land at kasalukuyang nasa kwarto ako at naka-upo sa kama. Iniisip ko parin hanggang ngayon kung paano kakausapin si Ivory. Hindi ko rin maramdaman ang presensya niya ng makarating kami dito kanina. Hinanap rin siya ni Ebony pero ang sabi ng Reyna na hayaan na lang muna namin siya. Galit talaga siya sa amin. How can I ease her anger? Naiisip ko kasing magkakasama pa kami ng matagal sa ginagawa naming paglalakbay so, it’s better na magkaayos kami para comfortable naman kami sa isa’t isa.

At sa totoo lang, it felt so  unreal na pumasok kami sa isang malaking puno and charan! Fairy Land! I never knew that Fairy Land still exist. Ayon kasi sa history prof namin ay matagal nang nasira ang fairy land and all of the fairies are gone without a trace. But I am happy to hear and see that, they are safe and living happily.

Bumukas ang pinto ng C.R na nasa kwartong ito at bumungad sa akin ang bagong ligo na si Viola. Apat kaming magkakasama dito sa kwarto. Si Keene, Viola, Athena at ako. Wala si Athena at Keene dahil namamasyal ito ngayon sa labas. At hindi ko alam kung anong oras sila makakabalik. Mamayang mga alas nuebe pa naman kami kakain ng dinner. The Queen has a important meeting to attend so sinabi niya sa amin kanina bago siya umalis ay gusto niyang makasama kami sa hapunan. Matagal na daw kasi simula nung may kasama siya sa hapag.

Reincarnated As The Curse Child Of The EmperorUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum