Chapter 2

224 17 0
                                    

Chapter 2
The Fourth Princess of Kuresia Kingdom and the Visitors



"So you're saying na ikaw ang ika-apat na anak at prinsesa ng emperyong ito?" the blue haired girl asked. Base sa tono niya maldita ang babaeng ito. Tumango ako at isinubo ang dessert sa bunganga ko.

Kasalukuyan akong naka-upo katabi ng ikatlong prinsesa ng emperyong ito. Sa expression na pinapakita niya ay hindi siya nasisiyahan na katabi niya ako. Well, ako rin naman. The feeling is mutual.

"No one knows?" takang tanong ko gamit ang curious na tono. Alam ko naman na walang nakakakilala sa ika-apat na prinsesa dahil nakakulong na ito sa tower na ‘yun simula pagkabata.

Umiling ang lalaking green haired guy at sumubo ng pagkain. "Wala. Hindi naman pinalabas ng Emperor na you exist. Ang sabi ay namatay daw ang bunsong anak niya dahil kulang ang buwan nito ng ipanganak." sagot niya.

"Really?" malungkot na saad ko. "How cruel. Pinatay na nila ako without me knowing. Kaya pala ikinulong nila ako sa tower na iyon," ang hirap pala umarte. Ngayon nagpapanggap akong umiiyak sa harap nila. Okay sana kung diretsohan ko na lang silang patayin at gawin kaagad ang mission pero hindi pwede. I need to be patience kahit naiinis na ako.

Nataranta naman ang mga bisita at inabotan ako ng isang panyo ng lalaking kulay blue ang buhok at ngumiti. Kinuha ko naman ito at pinunas sa fake tears ko.

"Thank You," ngiting sabi ko at tumingin sa Emperor at nag smirk.

How’s my acting? Are you threatened?

"How about tell us about yourself. Para naman makilala namin ang ika-apat na prinsesa ng emperyong ito. This is a big revelation to us, di ba?" nakangiting sabi ng red haired girl sa mga kasama niya.

"Right. Even your sisters and brothers didn't tell us about your existence. We feel betrayed," malungkot na sabi ng violet haired girl.

Napatingin ako sa mga kapatid ko kuno at nanlilisik nila akong tiningnan. Even the Empress, this body’s own mother is glaring at me with a death glare. Kung nakakamatay lang ang titig, nakabulagta na ako ngayon sa kinauupuan ko.

"There's nothing interesting to her, Viola. She's just a unwanted daughter of my Dad. Bakit hindi na lang natin pag-usapan ang nalalapit mong engagement?" saad ng ikatlong prinsesa sa babaeng kulay violet ang buhok at Viola ang pangalan. Base sa nalalaman ko ay kasal na ang dalawang prinsesa sa ibang kaharian. Duke ang asawa ng unang prinsesa at marquis naman ang na asawa ng ikalawang prinsesa.

"Why did you say that, Serine? Parang ayaw mo talaga sa kapatid mong ito. And besides, hindi pa-approve ang engagement ko with the Duke’s son. Kaya wala akong mai-ikwento sayo," Viola answered.

Ano ka ngayon? Gusto ko sanang sabihin iyon pero wag na lang.

"My sister is right. There's nothing interesting to me." nahihiyang saad ko. Pwede ko nang bigyan ng award ang sarili ko dahil sa galing ng akting ko.

"Wag mo siyang pansinin. Insecure lang yata siya dahil maganda ka. What is your name by the way?" tanong ng babaeng kulay pula ang buhok.

Sasagot na sana ako ng padabog na binaba ni Serine ang hawak niyang kutsara at tinidor sa lamesa.

"Me? Insecure? Para sabihin ko sa inyo, there's nothing interesting to her. She's just a unwanted child and no one wants her existence. She is a cursed that killed my brother Kruxia!" galit na sabi niya at umalis sa hapag.

Reincarnated As The Curse Child Of The EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon