Chapter 13

131 8 1
                                    

Chapter 13
Zyco











Leonora Astrid Kuresia





KASALUKUYAN akong naghahanap ngayon ng inn na pwedeng tulugan. Sean kindly offered me but no thanks. Hindi sa dahil nag-inarte ako nung sabihin niya na maliit lang ang bahay nila pero there’s a reason that I can’t tell.

Kanina pa ako palakadlakad hanggang sa napadpad ako sa isang guild. It looks lively sa loob dahil rinig na rinig ko ang mga sigawan nila mula dito sa labas. Humakbang papasok at hindi nga ako nagkakamali. There’s a party going on here. Because nakikita ko sa harap ang isang mahabang lamesa na may mga pagkain. Parang Christmas Party lang sa isang school. May MC sa harap at nakalutang ang isang crysball na parang microphone lang malapit sa bibig niya. Because when he talks, his voice will echo around the place or even in the outside.

"ISANG MASAYANG GOOD AFTERNOON SA INYO!" masayang sigaw ng MC. Isa itong lalaki na may bigote sa mukha at nakasuot ng salamin. Naghiyawan naman ang mga tao sa loob. "HETO NA! ANG PINAKAHIHINTAY NATING LAHAT ANG BATTLE OF LEGENDS!" nagsigawan naman ulit ang mga tao sa loob. It looks interesting kaya umupo ako sa isang vacant chair katabi ng upuan na inuupuan ng isang babae na abala sa iniinom niyang alak.

"Battle of Legends, my ass! They’re all weak!" inis na sabi ng babae at nilagok ang alak sa baso niya. "At isa pa, staring is rud—" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng tumingin siya sa akin at tulala ito ng dahil sa gulat.

"Now, I can say the same thing, Miss. Staring is rude." walang ganang saad ko sa kaniya. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at nilagyan ng alak ang basong ininoman niya. She offered me to drink but I refused. Nilagok niya ito at tumingin ulit sa akin ng ibaba ang baso.

"Zyco is my name." pakilala niya sabay abot ng kamay niya. Kinuha ko naman ito at nakipagkamay sa kaniya.

"Astrid. Nice to finally meet you, Zyco. I was looking for you and I believe you know what I mean." nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Of course, I know! Nice to meet you too, Astrid or should I say Liza?"

"Feel free to call me whatever you comfortable with."










NANDITO kami sa isang kubo at nilalagyan niya ng tsaa ang tasang nasa harap ko. Sabi niya this house is her temporary house for the meantime. Isa pala siyang guild adventurer at kumikita siya ng pera kung na a-accomplish niya ang mission niya. It depends on the mission kung magkano ang fee kapag success ito.

"Pwede tayong magsimula mamaya, Astrid. Hintayin lang muna natin sina Ivory at Ebony." sabi niya at umupo sa upuan. Magkaharap kami ngayon. Malapit sa bintana ang kusina niya dito sa bahay na tinitirhan niya at ganoon na lang kasarap ang hanging pumapasok sa loob.

"Ivory at Ebony?" takang tanong ko.

Tumango naman siya at uminom ng tsaa. "Kasamahan ko. Apat kami, si Sachie ang isa pero nasa kabilang bayan siya dahil doon nakatira ang lolo niya. Madadaanan natin ang bayan nila mamaya dahil malapit lang iyon sa Cresent Forest ang daan papasok sa Talon ng mga diyamante at ginto." saad naman ni Zyco sa akin. Grabeng talon iyon a. Diyamante at ginto. ‘Yun yata ang umaagos galing itaas papunta sa ibaba. "Masaya akong nakita kitang muli Liza. Si Kruxia? Nasaan siya?" tanong niya.

"I don’t know. Ang sabi sabi ng iba ay pinatay ko raw ito pero narinig ko ang usapan ng Emperor at ng Empress ay pinalayas daw ito. Ewan ko. Saan ako maniniwala." walang ganang sagot ko sa tanong niya.

Reincarnated As The Curse Child Of The EmperorTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang