"I don't want too, pero mukhang kailanga mo." hindi nako nakipagdiskusyon pa. 

Magkasabay naming tinahak ang hallway ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nakasalubong pakami. F-ck.

Hindi ko sila kayang tignan kaya yumuko nalamang ako para hindi magtagpo ang mga mata namin.

Ngumiti ako ng tipid kay ruffa ng magkatinginan kami. Tumango nalamang siya at hindi na nagtanong pa.

Mabuti narin yon dahil wala ako sa mood para magkwento. Gusto ko nalang uminom baka sakaling maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Kaya imbis na sa mall kami magpunta ay minabuti nalang naming makipag-inuman sa mga tambay.
Yes sa mga tambay talaga. Wag kayong mag-alala dahil kilala namin sila este kilala sila ni ruffa.

Mga tropa namin noong grade 12 kami. Siya talaga ang totoong nakakakilala sakanila dahil isinama niya lang ako ng minsang magkasagutan kami ng mga magulang ko. Hindi pa kami pwde sa bar noon, siya lang pala dahil underage siya habang ako nasa tamang edad na.

Ayokong mag-inom mag-isa lalu na't first time ko yon at baka mapano pako, kaya dito niya ako dinala sa kanto at nakipag-inuman sa mga tropa niyang tambay.

Ang gaga parang kanto girl kung umasta. Napaka balahura ng bibig at tambay na tambay kung kumilos. Yun ang unang pagkakataon na makita ko siya sa ganong estado. Isang bagay na hindi ko inasahan na makikita ko.

"Shot puno muna yan pre." Inabutan ako ng lalakeng nakatopless ng shot glass na naglalaman ng alak. Malaki ang tyan niya marahil sa kakainom niya rin.

Ayokong makita ang sarili ko na ganito kalaki ang tyan kapag tumanda nako. Last inom ko nalang ito ng alak natakot ako eh. Baka magmukha akong buntis kahit hindi naman ako napasukan.

"Inumin muna nakatingin sila sayo." Bulong ni Ruffa. Ininom ko ito ng isahan narinig ko naman ang palakpakan nila. Ginawa pakong kalapate.

Ilang bote rin ang nainom ko pero hindi pa ko nalalasing habang sila nakayuko na sa lamesa. Mukhang mahina pala itong mojito hindi manlang ako napabagsak.

Nilingon ko si ruffa na ngayon ay bagsak narin sa tabi ko. Napapailing nalang ako dahil tanghaling tapat palang bagsak na agad siya.

Nagpaalam ako tropa na mauuna na kahit alam ko naman na mga tulog na ang mga ito. Binuhat ko si ruffa at ipinasok sa kotse niya.

Nagdrive ako patungo sa park na madalas namin no'ng nadadaanan kapag pauwi na kami ng bahay. Bago kami tuluyang umuwi ay kakain muna kami ng street foods at pagkatapos non ay didiretso kami rito para maglaro panandalian. Hindi naman literal na laro kumbaga nagpapalipas lang kami ng oras at nagpapababa narin ng kinain. Grade 12 nakami for gods sake tapos maglalaro pakami sa pambatang park. Ano nalang iisipin nila samin mga isip bata tss.

Nagpark nalamang muna ako sa tapat ng park habang tinatanaw ang mga masasayang batang naglalaro.

Ang cute nila pero masakit sa tenga lalu na kapag nagtantrums na. Wala naman akong issue sa mga bata dahil ang cucute kaya nila, ang sarap pisilin ng mga pisngi kaya lang kapag umiyak na, nah pass nako don.

"Ugh." Napalingon ako sa backseat kung saan ko inihiga si ruffa kanina.

Umupo ito at nagkusot ng kanyang mga mata. Nilibot niya ang paningin niya sa paligid bago tuluyang madako ang paningin nito sakin.

"Asan na tayo?" Tanong nito habang napapakamot ng ulo.

"Nasa park." Lumingon ito sa labas kung saan may mga batang nagtatakbuhan papunta sa slide.


POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang