"Ikaw ba may crush na?"

Sabi niya si Kuya Kurt daw yung crush niya.

"Ha?! Weh?! Ba't mo naman crush si Kuya? Pati ba naman ikaw?!"

Kasi naman daw ambait ni Kuya Kurt. Pag pumupunta kasi siya sa bahay si Kuya Kurt lang halos yung pumapansin sa kanya sa mga pinsan ko. Ewan ko nga kung bakit eh. Pero hindi naman siya inaano nina Kuya J, Kuya K at Kuya Justin. Parang hindi lang talaga nila trip pansinin. Okay naman si Keira eh.

Until today.

Nagkataon kasing wala kaming teacher ng araw na yun, balak kong pumunta ng Science Garden para magbasa. Dadaan dapat ako sa classroom nila Keira. Sisilip lang baka wala din silang class kasi ang alam ko may meeting lahat ng teachers nun eh, biglaan daw. Malapit na ako sa room nila, isang liko na lang kaso narinig ko ang boses ni Bea.

"Hoy Keira the user bitch! Akala mo hindi ko alam na ginagamit mo lang si Louie para sumikat? Kapal talaga ng mukha mong sakang ka!" nanggagalaiting sabi nito.

"Inggit ka lang kasi hindi ka niya feel and I was able to enter her room. Oh diba? Sobrang close na namin? Hahahaha. Look at you. Pathetic loser," sagot ni Keira na may nakakaloko pang tawa.

Nagulat ako. Sa sobrang gulat ko hindi ako makagalaw. Yung tipong nanginginig ka at hindi mo alam alin una mong mararamdaman? Inis? Tawa? Galit? Pero hinayaan ko na lang. Pinatapos ko yung salitan nila ng usapan baka joke lang eh. Malay mo role play lang pala diba? Hahaha.

"I like her. I admire her so much and I'm not denying it. Eh ikaw? Pretender. Hindi naman talaga si Kuya Kurt ang crush mo eh, si Louie! At least honest ako from the start, hindi katulad mong ang laking sinungaling! Tsaka nakikipagfriend lang ako. Susumbong kita kina Kuya Kurt," banta ni Bea.

"Kasalanan ko ba that your plans are as lousy as you? One of these days, you'll be surprise that Louie and I are the best of friends. And who knows? We might be future lovers too. And while you, die in jealousy. Hahahaha! As if naman maniniwala sila sayo, e si Louie nga, HINDI ka feel," sagot ni Keira.

So ayun. Hindi ko na matagalan. Bumalik na lang ako sa classroom. Doon ko na lang hihintayin si Tatay Tonyo. Evil witch din pala tong si Keira. User na user nga. Nakakalungkot lang. Ngayon ko lang narinig yung ganong tone ng voice niya. Bakit pag ako kaharap niya ang sweet? Sayang, kala ko pa naman okay siyang friend. May hidden agenda pa pala. Pero sige lang. Naglearn naman na ako eh. Mahirap talagang magtiwala. At least nalaman ko bago mahuli ang lahat di ba? Magpapasalamat ako one time kay Bea. Pero wag muna ngayon. Nakakatamad pa. Hahaha. Hindi ko iiyakan yun. Duh. Lovers daw? Yuck. Sabi niya dati wala siyang gusto sakin tapos lovers? Kadiri siya!

Pag-uwi ko ng bahay tinapon ko agad yung Baby Taz ni Keira. Baka may hidden camera pa yun. Hahaha. Iniwasan ko na din siya ng sumunod na mga araw sa school. Pag recess sa classroom na lang din ako. Hindi ko na lang sinabi yung nalaman ko. Bahala siyang maloko kakaisip bakit ako umiiwas. Minsan tumatawag pa din sa bahay. Pag pumupunta siya sinasabi ng helpers na wala ako. Hanggang sa napagod na din siya. Mabuti nga. Kaya ko namang maging masaya na wala siya eh. Anong kala neto sakin? Weak? Hahahahaha.

Malapit na naman ang graduation eh. Sa high school na ako maghahanap ng new friends. This time, ayoko na sa mga mahihinhing babae. Yung mukhang anghel. Maghahanap ako ng kaibigang mahilig din sa sports at astig din. Oo, astig kaya ako sabi ng mga kaklase ko. Hahaha. Tapos gusto ko yung makulit? Yung madaldal? Yung walang kiyeme-kiyeme? Yung.. Basta yun na yun. Hahaha.

"Oh, ba't sambakol ang mukha mo?" Kuya Kurt.

"Naiinis ako eh," sagot ko.

"Alam mo na?" tanong nito.

"Ha?"

"Na crush ka ni Keira?"

"Alam mo?!"

"Alam namin. Akala nga namin girlfriend mo na yun eh hahaha!"

"Kuya naman kinikilabutan ako sayo! Twelve pa lang ako!"

Eh sa totoo naman eh. Sabi ni Kuya narinig daw nila Kuya J na binibida ni Keira na girlfriend ko siya. Grabe ang daldal lang? Kaya naging palakaibigan na talaga ako after nun. Baka akalain nito nagluluksa ako sa pagkawala niya. Asa siya. Ambata-bata ko pa sa mga ganyan kaya. Di ba? Hehe.

Masaya ulit ang sumunod na mga araw. Excited na din ako sa graduation kasi madami daw akong awards sabi ni Ma'am. Ako yung Athlete of the Year sabi ni Coach. Champion yung team namin sa basketball eh at syempre, ako po ang most valuable player. Dapat lang. Hahaha. Ako din yung Math Wizard of the Year at Science Wizard of the Year. Running for valedictorian na din ako. Ewan ko pano naging ako. Hahahaha. Sinabihan ako ni Ma'am magprepare lang daw ako ng valedictory speech eh. Patay. Hindi pa naman ako sanay sa public speaking, kaya sana, salutatorian na lang para pledge of loyalty lang. Hahahaha.

Kakatapos ulit ng PE namin nun kaya nagmamadali akong nagbihis ng bagong shirt na kinuha ko sa locker. Kukuha na dapat ako ng bag sa seat ko ng mapansin ang green na sobre na nakapatong sa table ko.

Pano nito nalaman na green ang favorite color ko?

To IDOL

Binuksan ko ang sobre.

Kamusta ka na? Namiss kita ah.

Galing mo talagang magbasketball.

Athlete of the year? MVP? Wow!

Huwag magpatuyo ng pawis. Ingat lagi. :)

Hehe. Ba't ang thoughtful? At.. Hehehehe. Ano, uhm. Ano... Uhm.. Wag na nga. Hehehehe.

Teka, sino nga ulit tumawag sakin ng ganun?

Miss AstigWhere stories live. Discover now