Prologue

6 4 0
                                    

Sabi nila pag-mahal mo lahat gagawin mo para sakaniya gaya nang kaya mong ipaglaban siya, ipaglaban 'yong pagmamahal mo para sakaniya... pero paano kong ikaw lang pala ang nagmamahal?

Sa ganitong sitwasyon ang tanging sagot lamang ay palayain siya. Kasi kahit anong laban mo kong hindi ka niya mahal anong saysay nang ipinaglalaban mo?

Masakit man pero kailangan tanggapin, kailangan nating sumuko, kailangan nating magparaya. Dahil kong ipipilit natin ito ikaw at ikaw lang ang masasaktan.

Siguro hindi siya ang para sa'yo,hindi siya 'yong lalaking nakatadhana sa'yo, hindi siya 'yong lalaking kaya kang ipaglaban... siguro may nakalaan para sa'yo kong saan siya ang para sa'yo, ang nakatadhana at at kaya kang ipaglaban kahit anong mangyari.

Kahit maraming dumating na pagsubok sa buhay, kahit pa bumagyo. Hindi naman 'yan ma-iiwasan sa isang relasyon talagang maraming darating sa buhay nating pagsubok para makita kong kaya ba nating ipaglaban ang mga mahal natin sa buhay.

Mapapatunayan natin na sila na talaga ang para sa'tin kong malalagpasan ang mga pagsubok na dumating lalo na't hindi na 'yan mawawala sa buhay natin kaya palagi nating tanong.. 'kailan pa ba ito matatapos? Pagod na'ko. Suko na'ko.'

Sa dami nang pagsubok nandiyan siya para sa'yo hindi ka iiwan,.. susuportahan ka,.. sasamahan ka sa hirap at ginhawa hindi 'yong sasabihin lang na 'kaya mo 'yan nandito lang ako para sa'yo' pero wala namang ginagawa para mas mapagaan 'yang nararamdaman mo. Gaya nang sabi nang iba action is the most powerful in love and of course communication.

Sa relasyon dapat handa ka.. handa ka sa pagmamahal,.. handa ka sa responsibilidad sa relasyon niyo,.. handa kang iharap siya sa mga mahal mo sa buhay tulad nang pamilya at kaibigan. 'Yong handa kang ipaglaban siya kong sakali mang hindi siya tanggap para sa'yo.. handa kang ipagtanggol siya ka pag may nanakit sakaniya,.. handa kang masaktan kahit pa kapalit ito nang buhay mo. Handa ka sa lahat nang bagay.

'Wag kang magpakatanga sa taong hindi naman nakikita ang halaga mo... 'Wag mong sabihing mahal mo siya, dahil tanga ka na sa part na 'yan. Buksan mo ang mga mata mo para makita mong marami pang nagmamahal sa'yo na hindi lang siya ang lalaki/babaeng para sa'yo. Malay mo nasa paligid mo lang pala 'yon nga lang hindi mo lang napapansin.

Maling tao man ang unang dum6ting sa buhay mo atleast natuto ka na kong paano mas kailangan pahagalaan ang puso at ang sarili mo, 'yong hindi ka ka'yang iwan, hindi ka'yang mag-loko deserve mo ang isang tao na tunay na magmamahal sa'yo'yong ka'yang ibigay ang lahat nang makakaya niya para lang sa'yo. Darating at darating din 'yong tamang tao na nararapat sa'yo.

Pero kahit anong sabihin ko alam kong hindi din kadali kaya sabihin mo sa 'yong isipan na tama na, tanggapin na lang ang katotohanan wala talaga ta'yong pag-asa sa taong minamahal natin. Turuan mo ang pusong baliw na baliw sa isang tao na makalimot. Turuan mo ang puso mong tama nang mahalin siya at sarili mo naman. 'Wag laging siya sarili mo naman.

'Wag mo masiyadong ibuhos ang pagmamahal mo sa isang tao, magtira ka rin sa sarili mo atleast pag nasaktan ka hindi ganon ka sakit kasi mas minahal mo ang sarili mo kaysa sa taong hindi ka ka'yang mahalin pabalik dahil baka isang araw ma realize niyang kaibigan o kapatid lang talaga ang tingin niya sa'yo pero isang araw magigising na lang siya na mali pala siyang pinakalawan ka pa niya.

"Pwede pa ba?" Tanong niya napangiti naman ako nang ngiti at lumihis nang tingin. "Hope." Nag-mamakaawa ang boses niya siyaka hinawakan ang dalawa kong kamay. "Ako pa rin ba?" Tanong niya pero hindi ko magawang sumagot hanggang sa maramdaman ko ang mga kamay niya sa pisngi ko para iharap sakaniya. "Hope."

"Ang hirap pa lang magpanggap no!" Natatawang saad ko siyaka napayuko. "Ang hirap mag-panggap na wala ka na.. Ang hirap mag-panggap na a'yos na'ko.. Ang hirap mag-panggap na nakalimutan na kita.. Ang hirap mag-panggap na hindi na kita mahal.." Ka saba'y nang pag-tulo nang luha ko. "Oo Aries ikaw pa rin." Saad ko nang paos. "Hindi naman na wala 'yon."

No'ng una hindi ako naniniwala sa second chance kasi ang hirap mag-patawad ang hirap ayosin ang lahat na nasira pero naisip ko,.. Diyos nga nagpapatawad ako pa ka'yang tao lang.

Mahal ko siya kaya ito nag-papakatanga nanaman ako.

Hi I'm Hope Hannah Miller ang babaeng tanga pagdating ka'y Aries Rivera ang lalaking mahal na mahal ko.

-author: hi RD'S sana'y magustuhan niyo ang kwento ko and please support my story thank you.🖤

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jun 07 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

I Love You But You Still Love HerOnde histórias criam vida. Descubra agora