"Papakasalan mo 'to? Abnormal 'to, jusko walang matinong gagawin 'to....." di pa natatapos yung sasabihin ni Chloe ng biglang bukas ni Roi ng pintuan na syang kinagulat ko. Sira ulong! Nanakit!

"Makikiraan pagbubuksan ko lang ng pintuan yung girlfriend ko." saad ni Roi ng makababa sya at wala syang pakialam na nasaktan sa binti si Chloe.

Pinagbuksan ako ni Roi ng pintuan at nakaalalay yung kamay nya sa ibabaw ng ulo ko para hindi ako mauntog.

"Roi napakasama ng budhi." mahinang pagalit ko pero ang lintik humalik lang sa pisngi ko.

"Bakit hindi padin ako pwedeng pumasok sa loob? Gusto ko sya ihatid sa Central Arc." saad ni Roi habang magkasiklop na yung mga kamay namin.

"Ayaw nila Ate Cyrll at Ate Gale kaya wag makulit at kapag nagpumilit ka, hindi mo sya mahahanap kung saang bahagi ng mundo sya itatago nila.... Pero may dalawang araw na pwede syang makalabas sa isang buwan para magkita kayo. Magtino ka Callen, wag mo munang kontrahin ang mga magulang mo dahil mas iba na silang dumisiplina kapag ganitong involve ang Garden."  seryosong saad ni Chloe

Napabuntong hininga si Roi bago napaharap sa akin.

"Saglit lang 'to...aantayin kita." nakangiting saad nya sa akin pero bakas sa mga mata nya yung lungkot at takot?

"Huwag kang mambabae gago ka. Roi huh..." paalala ko at ewan bakit ngayon ako ginapangan ng takot.

"Walang papatol sa kasamaan ng ugali nito Daphne wag ka mag alala. At saka mas okey na nandito ka para makapag isip isip......" lintaya ni Chloe na syang kinangiti ko at pagsimangot ng mukha ni Roi.

.....
Grabe ang kaba ko ng magsara yung pinakaentradang gate at nawalan ng tuluyan sa paningin ko si Roi. Sinabi sa akin ni Chloe lahat ng kondisyon at batas  sa loob ng lugar na ito.

Wala ng atrasan ito.

Lalo yata nagdoble yung kaba ko ng matanaw ko si Ma'am Cyrll na nakangiti sa akin.

Iniwan ako ni Chloe dito kay Ma'am Cyrll. Ito na daw yung maghahatid sa akin sa may Central Arc.
Nakakamangha yung buong lugar at naliligiran ito ng mayayabong na pulang rosas. Para kang nasa isang paraiso, parang kinuha ang design nito sa isang panaginip.

"Maganda ba itong lugar?" nakangiting tanong nya habang naglalakad kami. Papasok na kami sa isang lugar na may arko na West Wing

"Maganda po at parang nasa isang panaginip ka po." saad ko at narinig ko yung mahinang tawa nya.

"Tama ka sa part na yan dahil nabuo ito dahil sa isang panaginip... actually this place is based on my nightmares, Gale's fall down, Yvie's despair when her first love died. Carol's guilt when she witness what happened to Roian pero wala syang magawa and Lastly it made up in Shannon's undying love to us. Sya ang architect ng lugar na 'to." kwento nya.

Namangha ako dahil lahat ng bangungot nilang lahat ginawa nilang paraiso dito. Tinakpan ng lugar na 'to yung kahinaan nilang lahat.

"Ngayon, mabubuo ang lugar na ito dahil sa susunod na henerasyon ng may ari ng buong lugar na 'to.... At iyon ay sa panahon nina Callen." saad nya at napahinto kami sa mismong tapat ng arko ng West Wing.

"Nasabi naman na sayo ng Gate keeper yung kondisyon kapag nakapasok ka na dito ay mananatili itong sikreto sa buong buhay mo, wala kang ibang pagsasabihan ng lahat ng nasaksihan at masasaksihan mo sa lugar na 'to." panimula nya at napatango ako.

"Heto ang unang lugar ng Garden simula ng palitan namin ang lokasyon ng main gate, ang  West Wing ay pagmamay ari ng pamilya ni Kaia. Yung nasa unahang bahagi sa banda roon ay ang North Alley na pagmamay ari ng pamilya nina Riyon. Ang East Chain na pagmamay ari ng pamilya nina Ishan. Ang South Mage naman ay pagmamay ari ng pamilya nina Yuji at Yves. At ang sentro ng buhay ng Garden kung saan nakaipon lahat ng sikreto ng buong pamilya ng involve sa Garden ay naroon, Ang Central Arc. Kami ang may ari noon at yung lugar na iyon ang tutulong na bubuo sayo." saad nya. Binubuksan na nya lahat ng sikreto ng pamilya nila sa akin at hindi ko malaman kung bakit.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now