Chapter 17: Lost child.

Start from the beginning
                                    

Nasa field na kami papuntang building nang special science nang may marinig kaming tilian at sigawan. Hindi iyon pinansin nang mga kasama ko. Pero dahil nasa pagkatao ko na ang mag matyag ay kusa akong napatingin sa nagiingay.

Ang mga babae kanina.

Kasama nila ang mga kasaba'y nilang kumain kanina na sa palagay ko ay boyfriend nang isa sa kanila. Napailing na lang ako't hindi sila pinansin.

Mahigit kinseng hakbang pa lang ang nagagawa ko nang maramdaman kong natigilan ang mga kasamahan. Nang sila'y nilingon ko, parepareho silang nakatingin sa babaeng nasa tabi ko na pala.

She's around 5'3, I guess. Meron siyang cute red ribbon headband on her, and a green cardigan paired with her simple white uniform that has a little bit blue color. Kumikinang rin ang kaniyang labi dahil sa lip gloss, she has a long eye lashes, and a botton like nose, and her brown eyes, with her white skin.

Nasa harap niya 'ko ngunit nasa baba siya nakatingin. O mas tamang sabihing sa kamay niyang may hawak na puting panyo.

"What?" Diretso kong tanong.

"U-umm... H-hi," Alinlangan niyang sabi, hindi parin makatingin sa 'kin.

Nilingon ko ang mga kasamahan. Lahat sila'y nanonood samin habang maynakakalokong ngiti. Si Mattew naman parang pinapahiwatig na handa ba siyang asarin ako mamaya. Inirapan ko lang sila't hinarap muli ang dalagita.

"Miss? Not to be rude but I have class."

Mukang na realize niya rin iyon kaya napakamot siya sa batok. Hindi siya nagsalita kaya naglakad na 'ko paalis.

Pero bago ko pa siya malagpasan, I tapped her shoulder. "Khai. My name's Khai."

Nasilayan ko ang pagkapula ng leeg at pisnge niya bago ko siya lagpasan.

Hindi ako manhid. Alam kong 'yon ang pakay niya. Her friends reactions, her avoiding my gaze, and her trembling just explains that she likes me.

Ngunit hindi ko siya gusto. Straight pa 'ko sa plastic na ruler. But i can't tell her that because that would confuse her. And if I ignore her, that would be rude. Better just tell her my name.

"Ikaw na talaga, Khai."

"Haba ng buhok, eh."

"Idol!"

"Paturo, master."

Pang-aasar nang mga robot habang naglalakad. Pipiktosan ko kayo tamo.

"Hey,"

Nilingon at nginitian ko si Mattew na nakatayo sa harap ko. Wala na siyang ibang naging kibo kundi ang umupo sa tabi ko.

Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Aano ka naman rito?"

Tumingin siya sakin habang sinasabit ang bag sa kaharap na upuan. "Umuupo."

"At bakit?" Tinignan ko ang dati niyang upuan na malapit sa binatana. Wala namang nakaupo roon.

Hindi sa pagiging madamot o maarte, pero isa talaga ako sa mga taong mapili sa mga nakakatabi niya.

Wala namang mali kay Mattew malinis naman siyang tignan, Hindi siya maiingay, at parang hindi naman siya yung tipong nang iistorbo.

Pero ayaw ko parin. Parang hindi ako comfortable. Or baka hindi lang ako sanay?

"Bakit bawal ba?" Tinignan niya 'ko nang maynakakalokong ngiti.

"Pagsinabi kong 'Oo' aalis kaba?" Panghahamon ko.

A Rose Hidden in The Thorns.Where stories live. Discover now