Epilogo: Ang Kahilingan

Bắt đầu từ đầu
                                    

Unang nagkakilala ang dalawa sa pamilihan. Abala sa pagmamasid ng mga gamit sa pagpipinta ang sampung taong gulang na si Juanito nang mapansin niya ang isang batang babae na hindi alam ang gagawin at mukhang nawawala. Agad niyang hinawakan sa kamay ang bata upang hindi ito masagasaan ng paparating na kalesa nang akma itong tatawid.

Sa halip na magpasalamat ay tinaasan lang siya ng kilay ni Carmela. Nagulat naman si Juanito sa ginawa nito at kalauna'y natawa rin.

"Bakit ganiyan ka makatingin sa akin?" nagtatakang tanong ni Juanito.

"Isang kapangahasan ang ginawa mong paghawak sa'kin" banat ni Carmela habang nakapamewang.

"Iniligtas lamang kita. Kung hindi ko iyon ginawa marahil ay nasagasaan ka ng paparating na kabayo" paliwanag ni Juanito. Hindi niya alam kung bakit naaaliw siyang makita ang masungit na reaksiyon ng batang kaharap niya.

Samantala, hindi naman maunawaan ni Carmela kung bakit nagagawa pa nitong ngumiti kahit pa masungit ang pakikitungo niya rito.

"Hindi ba't ikaw si Carmela? Ang bunsong anak ng mag-asawang Montecarlos? Ano ang iyong ginagawa rito? Bakit ikaw ay nag-iisa?" nag-aalalang tanong ni Doña Juanita. Hawak narin nito sa kaniyang kamay ang batang si Juanito.

Hindi nakasagot si Carmela. Sa katunayan ay tumakas lang siya sa kaniyang ina at mga kapatid na nasa simbahan upang maglibot sa pamilihan.

Bago pa makasagot si Carmela ay sabay-sabay silang napalingon sa paparating na si Doña Soledad. Hawak nito sa magkabilang kamay ang batang si Maria at Josefina.

"Diyos ko, akala ko'y nawala ka na anak!" nag-aalalang saad ni Doña Soledad kay Carmela at agad itong niyakap. Napangiti naman si Doña Soledad nang mapansin na naroon din si Doña Juanita at ang anak nito na si Juanito.

"Likas na pilya talaga itong aming bunso. Kailangan talaga siyang tutukan sapagkat mahilig itong tumakas at pumunta kung saan-saan" dagdag pa ni Doña Soledad na animo'y nagpapaliwanag sa harap ng hukom.

Napataas ang kilay ni Carmela nang makitang tumatawa si Juanito sa sinabi ng kaniyang Ina. Nagulat naman siya ng bigla itong ngumiti ng matamis. Isang ngiti na nagpabagal ng paligid ni Carmela.


Ang ikalawang pagkakataon na muling nagtagpo ang kanilang mga landas ay nang ipinagdaos ang kaarawan ni Sonya sa hacienda Alfonso.

Hinabol ni sampaguita si Carmela kung kaya't dali-dali itong umakyat sa mababang bakuran sa takot na sunggaban siya ng isang tuta.
Nagulat naman si Carmela nang makita ang isang pamilyar na binata. Binuhat nito ang aso at tumingin sa kaniya.

"Sampaguita huwag kang maingay baka mahulog ang akyat bahay" saad ni Juanito na kinataas ng kilay ni Carmela.

"Binibini handa akong saluhin ka" muling saad ni Juanito. Sandaling natigilan si Carmela sa sinabi nito. Nakataas ang dalawa nitong kamay na animo'y sasaluhin siya.

Nataranta naman si Carmela nang makita si Esmeralda na hinahanap siya. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang tumalon ngunit laking gulat niya nang diretso siyang bumagsak sa lupa.

Dahil sa nangyari ay galit niyang tiningnan si Juanito na nanatili lang na nakatayo.

"Wala ka bang balak na ako'y tulungan?" masungit na tanong ni Carmela dito.

"Dalhin mo ako roon bilis!" wika ulit ni Carmela habang tinuturo ang kwadra ng mga kabayo. Sandaling hindi nakagalaw sa gulat si Juanito dahil sa ikinikilos nito ngunit kalaunan ay tinulungan din niya itong makapagtago.

I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ