KABANATA 3

13.6K 204 17
                                    

"MARAMING salamat sa pag-aalala Ginoong Juanito." rinig kong pasasalamat niya. "Kung nais niyong magpahinga, maaari ninyo akong tawagin at ako na ang mag aalaga sa aking kapatid." muling sabi ni Maria saka nginitian ito at tumingin sakin na parang nanunukso.

"Ayos lamang ako, maraming salamat sa pag-aalala." agad naman akong napaiwas ng tingin dahil napalingon ulit sa gawi ko si Juanito. "Ako na ang bahala sa kaniya, nais ko ring makasama si binibining Carmelita, matagal na rin nang huli kaming magkasama." nakangiting saad nito.

Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari lalo na sa mga naririnig ko. Hindi kaya panaginip lang ang lahat ng ito? Agad ko namang kinurot ang sarili ko at napapikit na lang dahil naramdaman ko ang sakit. Arayy!

"Salamat muli, ginoo. Mauuna na ako." paalam ni Maria at isinirado na ang pintuan ng silid.

Sa aking palagay ay alas sais na ng gabi, tanging ang ilaw na lamang na nagmumula sa gasera ang nagbibigay liwanag sa apat na sulok ng kwarto.

"Sandali lang binibini, kukuha lang ako ng tubig na maiinom mo." napangiti naman siya sakin dahilan para mapangiti rin ako.

"Hintayin mo ako... huwag kang aalis." muli niyang saad, hindi ko alam ngunit sa pagkakatong ito ay alam kong may iba pang ibig sabihin ang sinabi niya. Huwag kang aalis.

Tumango naman ako sa kaniya atsaka nag pinky swear, "Pangako." sagot ko dahil mukhang wala siyang balak umalis hanggat hindi ako sumasagot.

Habang hinihintay ko si Juanito ay mas maraming tanong ang bumalot sa aking isipan. Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil mas lalo lang itong sumakit.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagbukas ng pinto atsaka  pumasok si Juanito bitbit ang isang baso ng tubig.

"Kamusta ang iyong pakiramdam?" nag-aalalang tanong niya sakin. Hinipo niya naman ang noo ko upang malaman ang temperatura nito.

"A-ayos lang, medyo sumasakit lang ang ulo ko." sagot ko. Nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ni Juanito atsaka tinapik ng marahan ang ulo ko.

"Batid ko na hindi nito makukuha ang sakit ng ulo mo, ngunit umaasa ako na mapagaan nito ang iyong pakiramdam kahit papaano." hindi ko namang maiwasang ngumiti, buti na lang at hindi niya nakikita ang mukha ko ngayon dahil siguradong mukha na akong hinog na kamatis dahil sa kilig.

Ilang sandali pa ay nagsimula nang mag kwento sa'kin si Juanito. Napag-alaman ko na noong araw na mawalan ako ng malay sa kalagitnaan ng kaguluhan ay dinala nila ako sa isang pagamutan ng albularyo. Hindi nila ako maaaring dalhin sa hospital dahil nagkakagulo sa paligid at maraming rebelde ang nagkalat. Mabuti na lang at agad kaming nakita ni Eduardo dahil hinahanap nito ako nang mahiwalay ako kanila Don Alejandro. 

Laking pasasalamat nila dahil ng kinagabihan ding iyon, naging maayos na ang aking kalagayan. Dahil sa nangyari sakin, naiwan kami ng barko na patungong Espanya.

Pansamantala lamang daw ang pagtuloy namin dito sa Hacienda Montecarlos dahil hindi pa kami ligtas sa mga rebelde at nagsisimula ng litisin ang kaso ng mga opisyales na nasangkot sa mga anumalya.

Pinahintulutan din  ni Don Alejandro si Juanito at Angelito na pansamantalang manirahan sa amin. Mabuti na lang at hindi na mainit ang dugo ni Don Alejandro sa kaniya.
Masaya rin akong malaman na muling pinapakitunguhan ni ama si Juanito gaya noong panahon na maayos pa ang pamilya Montecarlos at pamilya Alfonso.

Nakatulala lang ako sa kawalan, malalim na ang gabi ngunit hindi parin ako makatulog. Bukod sa hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari, binabagabag din ako na baka hindi pa tapos si Carmelita at paggising ko baka wala na si Juanito.

Napatingin naman ako kay Juanito na ngayon ay natutulog sa isang mahabang silya. Sinabi ko na sa kaniya kanina na pwede naman siyang matulog sa silid nila ni Angelito dahil ayos nanaman ako ngunit ayaw niyang pumayag. Gusto  ko sana siyang alukin na matulog na lang sa tabi ko dahil kasya naman kaming dalawa ngunit alam kong may pagka konserbatibo ang mga tao sa panahong ito at baka isipin niya kagigising ko lang pero lumalandi na agad ako. Charot! At isa pa baka makita kami ni ama bukas kapag naisipan nitong kumustahin ako.

Hindi ko na lang din siya pinilit sa ideya na 'yon dahil siguradong mawiwindang si Don Alejandro at Maria sa oras na makita nilang magkatabi kaming matulog ni Juanito. Ayoko namang muling masira ang tiwala niya.

Sa kalagitnaan ng aking pag iisip ay hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakatulog.

Nagising ako dahil naaamoy kong halimuyak ng sampaguita. Unti-unti kong iminulat ang aking mata at napagtantong nasa silid parin ako ni Carmelita. Madilim parin sa labas, napansin ko rin na wala na pala si Juanito sa kwarto. Nakatulog na ako pero hindi parin tumitigil sa pag sakit ang ulo ko.

Maya-maya pa ay may bigla na lamang pumasok aking  isipan, at iyon ang huling mga sinabi ni Juanito bago ako mawalan ng malay noong birthday ko.

"Carmela"

"I-Ikaw...si...Carmela"

"M-mahal Kita...Carmela"

Nasapo na lang ako sa aking bibig at napabalikwas sa kama, halos mabaliw na ako at ang puso ko ay nag uunahan na sa pag tibok ngayon, bigla tuloy akong nahirapan huminga.

Imposible.

Tinawag ba ako ni Juanito ng Carmela dahil ang pagkakaalam niya ay may dalawa akong pagkatao? Si Carmelita sa harap ng kaniyang pamilya at si Carmela naman kapag kasama ko siya?

Maaring iyon lamang ang kaniyang ibig na sabihin sa akin.

"Tama Carmela, yun nga iyon wala nang ibang ibig sabihin, final na!" pangungumbinsi ko pa sa sarili ko.

Ngunit bakit parang may ibang sinasabi ang puso ko? May parte sa akin na hinihiling na sana ay alam nito ang katotohanan.

"Baka malusaw at bumagsak sa'yo ang kisame sa katititig mo riyan." saad ng pamilyar na boses.

Napatingin naman ako kay Juanito atsaka napangiti. Mas maaliwalas na ang mukha niya ngayon, mukha rin siyang bagong ligo dahil medyo basa pa ang buhok niya.

Grabe! Pasalamat siya at sobrang miss ko na siya kaya hindi ko magawang sungitan siya kahit pa ang aga-aga niya mang aasar.

Isinarado na ni Juanito ang pintuan ng aking silid, may hawak itong isang baso ng tubig at isa pang bagay na hindi ko naman makita.

"Inumin mo iyan batid kong nauuhaw ka na." ngumiti ito "Mainit 'yan kanina ngunit hinintay ko munang lumamig ng kaunti. Ang pag inom ng maligamgam na tubig sa umaga ay mabisa sa pagpapabuti ng iyong kalusugan." Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Ibig sabihin madaling araw na ngayon?

"Salamat" nahihiya kong saad at agad na ininom ang maligamgam na tubig na nasa baso. Medyo hindi ako sanay sa lasa nito dahil parang kakaiba sa pakiramdam.

Umupo si Juanito sa kama sa tabi ko dahilan upang bumilis na naman ang pag tibok ng puso ko. My gosh Carmela! Erase! Erase!

Mas lalo atang lumala ang pagiging delusional ko dahil sa mga nangyari.

"Carmela, ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Juanito. Hindi ko namalayan na nakapikit na pala ako habang pasimpleng inaamoy si Juanito. Ang bango-bango niya talaga!

"H-ha? Ah, oo naman..." sagot ko tsaka ngiti na parang natatae.

"May ibibigay nga pala ako." saad niya tsaka kinuha ang isang bagay na nakabalot sa puting tela.

Agad ko naman itong kinuha nang iabot niya sakin 'yon at saka binuksan.

Parang tumigil ang oras habang hindi ako makapaniwala sa bagay na nasa harap ko ngayon.

Ang talaarawan ni Carmelita.

I Love You Since 1892 Sequel (19TH CENTURY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon