Chapter 7

1 1 0
                                    

JAIME'S P.O.V.

Ring-ring!

Ring-ring!

Ring-ring!

Ring-ring!

Ring-ring!

Toot-toot...

Tooth...

Damn!

Binato ko sa sahig ang phone at muling lumagok ng alak.

Am I too late?

Fuck! Fuck! Bat ba kasi ang tagal niyang bumalik?! Damn you Harry!

At muling lumagok ng alak. Nang masimot ang laman ay binato ko ito sa kung saan.

Two days ago na simula nang umalis si Meghan to visit Harry. I tried to stopped her but she is very persistent. Ba't ba kasi pinagpipilitan niya ang ang kanyang sarili kung nandito naman ako? Kahit papaano at nakakalamang naman ako sa gagong 'yun! Lahat kaya kong ibigay... except sa anak. I can't give it to her.

The phone's rhythmic bell sounded.

Pagiwang-giwang  hangggang mahanap ko ang phone na tumutunog. Nang mabasa ko ang caller id ay sumilay ay isang pag-asa.

Nanginginig ang daliring pinindot ang answer button. "Meghan?"

"Jaime! Sorry, di ko nasagot mga tawag mo. Something happened at naiwala ko 'yung phone. But it's fine now. May mabuting puso ang nakakita ng phone ko kaya naibalik sa akin." I'm happy to hear her happy and angelic voice.

"Jaime are you still there?"

"Ye-yes!"

Ang oa naman ng luha ko. Bigla-bigla na lang natulo nang wala naman dahilan.

"Anyway, on the way nako sa apartment mo. At tsaka..." She stop for while and I hear from the background that she's giggling. I can also sense that she's with someone. "May good news ako." Masayang sabi niya.

At hindi ko na napigilang hindi mapasinghap. "Jaime, umiiyak ka ba?"

Umiiling ako, "of course not!" Sabay pilit na tumawa.

"Are you sure? Malapit na kami. Ibababa ko na 'tong tawag, okay?"

"Hm!"

Call ended.

Pinagmasdan ko ang paligid. Magulo ang labas at loob ng bahay. Nagkalat na bote, pakete ng sigarilyo at balat ng mga junk food. Tila lantang gulay man ay sinikap kong tumayo at maglakad ng maayos. Despite of being drunk for 2 days.

Naglinis, nag-ayos, at naligo na rin ako pagkatapos. Tumingin ako sa wristwatch ko at 1:02 na. Kaya binuksan ko muna ang tv saka dumako sa kusina upang magluto ng tanghalian.

Nasa midway ako ng pagluluto nang may marinig akong mahinang katok at pagtawag ng pangalan ko. Kaya agad akong naghugas ng kamay at pinahid sa suot kong apron.

"Meghan ikaw ba 'yan?"

"Oo!"

"Kamusta," bungad ni Harry.

"Anong ginagawa niyan dito? Bat mo siya kasama?"

"Okay lang bang pumasok muna kami?" Nakangising sabi niya.  Nilakihan ko awang ng pinto. At pumasok sila. Dumiretso sa sala kung saan nakabukas ang tv. Nang maisara ko ang pinto ay agad akong lumapit sa kanila at naupo sa kaharap ng dalawa.

"Jaime, bumalik na ang alaala ni Harry." Panimula niya. "Teka, bakit nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya?"

"Syempre masaya ako."

"Pare salamat pala sa pag-aalaga at pagpapatiloy mo sa asawa ko noong nawala ang alaala ko." Si Harry ang nagsalita. Pilit akong ngumiti sa kanilang dalawa. Kunware masaya akong nakikita silang masaya. Lalo na si Meghan na walang kangalay-ngalay sa pagngiti. At kasawa-sawang pagtitig kay Harry.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kaya ang nakikita ko.

"Jaime, ayos ka lang ba?" Usisa ni Meghan. "Tsaka pansin kong namamaga 'yang mga mata mo. May problema ba?"

"Nako, pasensiya na kayo ha. Imbes na dapat masaya tayo ay ayaw namang makisama nitong mga mata ko."

Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na ang dalawa. "Iiyak mo lang. Tapos kapag ready ka ng sabihin ang problema mo, nandito lang ako handa akong makinig." Pakikiramay niya. Lalo tuloy bumuhos ang luha ko.

"Sorry broken hearted lang ako. Kayo naman kasi eh, wrong timing." Sambit ko. Natawa si Meghan. "Brokenhearted?! Kailan ka pa may nagustuhan? Bakit hindi ko yata alam 'yan."

"Long time crush ko siya at best friend na rin." Panimula ko.

"Sino? E, ako lang naman ang long time best friend mo." Aniya.

"Akala mo lang 'yun." Sabi ko. "Hindi ko sinabi sayo kasi baka magselos ka." Sabi ko sabay pisil ng ilong niya. I almost forgot that Harry is with us. Naalala ko lang nang marinig ko ang pag-ubo niya.

"Sira ka talaga. O, tapos anong nangyari?" Curious niyang tanong.

"When I am about to confess napag-alaman Kong kinasal na siya. Kaya mas pinili kong itago at ibaon na lamang sa limot ang lahat. Pero..." Humagulhol ako. "Pero hindi ko pala kaya."

Niyakap ako ni Meghan. Yakap nang isang tunay na kaibigan.

Between UsWhere stories live. Discover now