Operation 1

286 11 0
                                        

Mysterious person

Shreya Lagasca

"Ayan pak! Bagay na bagay sayo" pagpuri sa akin ng babaeng naggupit ng buhok ko.

Totoo nga na ang ganda ng buhok ko. Sa wakas! Nakapag kulay na ang virgin kong buhok.

Light brown yung kulay na nirecommend sa akin kaya pinili ko dark brown. Hindi naman ako nagsisi dahil mas lalo akong gumanda. Nice!

Inabot ko na ang pera. Pinag-ipunan ko iyong buong grade 10 para lang dito.

Tagal kong pinag-ipunan, nawawala lang nang ilang segundo.

Tinulak ko ang pinto para makalabas na dito dahil dumadami na ang mga tao gustong ayusin ang buhok nila. Di ko napansin may nakabunggo pala ako.

"Sorry sorry" paumanhin ko agad sa kanya. Di ko nakikita yung mukha niya dahil nakayuko ito. Nakasuot siya nang simple lang. T-shirt pair with jeans.

"Okay lang-"

Napahinto sya sa sinasabi niya nang makita niya ang mukha ko. "Shreya"

Bigla lumiwanag ang mga mata ko at tinawag ang pangalan niya "Elke!"

"Tagal natin di nagkita ah. Kamusta? Tapos mo na ba basahin feetpigs?"

Feetpigs amp. Bakit kasi yan tawag niya sa Falling for the popular guy in school. Panget pakinggan. Ano ba yan.

"Bat ganyan mukha mo? Ang asim, di mo ba nagustuhan yung kwento?"

"Nagustuhan naman. Maganda nga eh, ang weird kasi pakinggan yung feetpigs..."

Isang malakas na tawa ang binuga niya sa harap ko. Totoo naman na ang weird pakinggan.

"Diba?? Ang pangit pakinggan, iyon yung gusto tawagin ng author eh"

"Baduy naman ng writer," tumawa ulit sya. "Matatapos ko na yung libro" panibago kong sabi.

Ngumiti siya ng makahulugan at parang may pinapahiwatig sa akin. Napakunot naman ang noo ko.

"Ganun, glad to hear that. Sige na, aalis na ko. Mag-ingat ka ha, makikita ulit tayo" makahulugan niyang sabi. Ngumiti ulit to bago umalis.

Kinawayan ko lang siya habang tinititigan papalayo "Bye!"

Ang weird talaga ni Elke. Una kami nagkilala noong Grade 7. Unang araw pa lang na kilala namin ang isa't isa ng inimbita niya ako sa bahay nilang malaki at kung ano-nao binibigay sa akin. Grade 9 nang umalis na s'ya sa school kaya ako na lang natira sa school.

Siya lang nag kaisa-isang nagtatanggol sa akin sa mga bully. Sa tingin ko, magiging kaklase ko pa din ang ilan sa mga nang bubully sa akin this grade 11.

Patawid pa lang ako nang makita ko ang babae na muntik pa masagasaan dahil hindi marunong magdahan-dahan yung naka-kotse na Grey.

Tsk, kanina ko pa napapansin nagtatangka s'yang tumawid pero bigla pumapaharurot yung mga motor sa harap niya.

Gusto ko sa syang puntahan...

Pero gagi hindi kami close noh. Pag-pray ko na lang na sana makatawid na sya. Pinagdikit ko ang dalawang kamay ko at yumuko sabay pikit.

Nang matapos na ko magdasal nahagip ng paningin ko babaeng nakatingin sa akin. Iba ang pakiramdam ko. I don't why, hindi ko na lang iyon pinansin at tinukoy ang atensyon sa pagtawid.

Malapit na ko sa tawariran nang napansin. Mabigat na presensiya sa likod ko. Lilingon na sana ako nang may tumulak sa akin. Hindi ko kita mukha niya pero nakita ko ang kamay nya na may pearl bracelet.

Napalaki lang mga mata ko sa nangyari sa akin. Di ko man lang nagawang sumigaw dahil sa gulat.

Mamatay na ba ako? Ganon na ba iyon? Di ko man lang naranasan mag-senior high. Paano na si Mama pati mga kapatid ko. Ayoko pa mamatay. Please!

Papa! Pede bang kumbinsihin n'yo si Lord na wag muna ako mategi. Please naman, oh. Siguro naman close na kayo diyan. Tagal mo nang patay eh.

Napapikit na lang ako nang huli kong nakita na may paparating na truck.

"Ahhhhh!!" Sigaw ng matandang babae.

Namilog ang mga mata ko nang nararamdaman ako pa ang pagtibok ng puso ko. Nakaupo ako tinitignan ang likod ko kung nasaan nandoon ang truck na kanina ko lang nasa harap.

"B-buhay p-pa yung b-babae!"

"Imposibleng m-mabuhay siya kitang-kita ko na dumaan yung truck sa harap niya"

"Miss okay ka lang?" Tanong ng babae na lumapit sa akin. Base sa suot niya sa tingin isa siyang nurse.

EME lang malay mo naman hindi.

"A-ah o-opo" utal ko habang sinusubukan kong tumayo inaalalayan naman ako ng babae.

"T-thank you po"

Napatulala pa din ako sa nangyari bago napagdesisyunan na lumakad na papalayo.

Anu nangyari sa akin?

Walang sugat o sakit na naramdaman. Tama yung matanda kanina, nakita ko dumaan ung truck sa akin.

Nakaharap ako ngayon sa pinakapaborito kong second lead. Luigi.....

Bigla ko tuloy naalala iyong kakaiba nangyari sa akin. May kinalaman ba ung truck sa pagpunta ko sa nobela na ito?

May bumunggo sa akin para matumba ako sa harap ni Luigi.

"S-sorry-" napahinto ako dahil nakita ko yung pearl bracelet na tumulak sa akin. Gaya din noon naka-hoodie na black sya.

Anu... bakit?

₍ᐢ._.ᐢ₎♡ ༘˖⁺‧❣⚘゚

An Unpredictable OperationWhere stories live. Discover now