Operation 8

109 4 1
                                        

Accident

Gulat at pagtataka ang reaksyon ko habang yung iba naman estudyante kilig at pagtataka din.

Hanggang ngayon laglag ang panga ko tumingin ako kay Law na nasa tabi ko na.

Walang emosyon s'yang tumingin kela Venus.

Napansin niya na nakatingin ako sa kanya kaya tumingin siya sa akin, kaagad ako umiwas ng tingin.

Parang nag slowmo yung mundo. Lumapit si Elio sa amin.

"Itikom mo nga bibig mo" sabi ni Elio sa akin. Na hanggang ngayon lalag panga pa din. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nagtataka ako, kasi nga di nga toh nasa storya!!

Beh! Paulit-ulit ako! Ugh!

Nang tumayo na si Venus doon ko siya pinuntahan.

Nalagay sa mukha niya ang di makapaniwala.

Omg!!! What if magkagusto siya kay Luigi imbis kay Law.

I love it!!

Natuwa ako sa nangyari. Pati rin si Luigi ganoon din ang itsura. Parang nagkaroon ako ng buhay. Napa-palakpak na lang ako sa naisip ko.

"Tsk"

Ginilid ko ang mga mata ko. Kahit na alam ko kung sino yung tsk na yun.

Sino pa ba? Edi si Law lang naman.

I mean nickname ko nga sya na 'TYPICAL ML'. Sa sobrang cliché niya alam ko agad ang mga kilos niya.

Kahit sa nobela ganon lagi siya kala mo naman ahas. Bakit kaya yung mga main lead ganon noh. Lagi naka-tss

Sign na typical ang male leads

1. Dark hair and dark eyes.

2. Lagi naka tsk.

3. Red flag.

4. Mayaman.

5. At mahilig sa basketball.

Actually meron scenes na nagbasketball si Law. Ibang iba kay Luigi na softie although nagbasketball din naman siya.

Siguro nature na ng mga lalaki yung pagiging mahilig nila sa basketball.

Nagbasketball din si Papa noon, bago siya namatay kaya alam ko.

Many more pa sign na typical na male lead. Ayan binigay ko dahil yan ang top 5 na signs.

"Ano pinapalakpakan mo diyan?" Tanong ni Elio. Napatingin si Jah at Law sa akin.

"Wala lang. Bakit? Bawal?"

Sa tingin ko wrong move ang sinabi ko.

Shreya! Syempre ano ka ba naman!

Bago pa siya magsalita. Hinila ko na si Venus papaalis.

Ayoko ko na bumili diyan! Nakakadesgrasya siya sa buhay namin. Mahirap na.

***

Venus

Puting kisame ang nakikita ko at tahol ng aso sa kapitbahay ang nadidinig ko. Di pa din ako inaantok hangga't ngayon. Inaalala ko pa din yung nangyari kanina.

Luigi...

Sa una di ko naman akalain na magiging close ko siya. Well, di naman gaano ka-close. Basta may mga side siya na di ko aalakain na ginagawa niya.

Nagmamadali ako papunta sa pusang-gala sa may malapit sa school namin. Sinabihan ko na si Shreya na mauuna ako sa kanya. Mag-isa muna siyang papasok. Ang bagal naman kasi ng babae na iyon.

An Unpredictable OperationWhere stories live. Discover now