Operation 6

112 5 0
                                        

What if

"P-paano nangyari yun!" Sigaw ng babaeng misteryo.

Hah! Akala niya ah!

Lumapit ang security guard sa kanya.

"H-hindi ako yun. Wag mo nga akong hawakan!" Sigaw nito sa security.

"Uh huh, talaga lang ha. Eh, kitang kita ko kung paano mo nilagay yung alahas sa bag ni Venus eh" sabat ko.

"M-maybe, you mistaken. I know that it's not me. Hindi ako yun!" dispensa niya pa. Di niya alam na mas lalo pa sila nakukumbinsi na siya talaga ang kumuha.

"Sumama ka na---"

"Shut up! Don't touch me! Malalagot kayo kay daddy ko! Pag 'to nalaman niya. I will sue this mall! At lahat ng nagtratrabaho dito lalo na kayong mga security guard" tumingin siya sa akin. "Lalo ka na! Pati na din ikaw!" Turo niya kay Venus at sumunod ako.

Luh! Siya nga nauna. Tapos kami pa lagot.

"Hoy! Ikaw babae! Ikaw yung nauna tapos kami pa sisihin mo. Tapos paturo-turo ka pa kay Shreya. Pasalamat ka nga sa kanya dahil hindi ka wanted ngayon"

Mas lalo umusok ang ilong ng misteryong babae.

"Really?! Hah!" Tumingin siya sa akin. "Tinignan natin kung ano makakayanan mo pagnalaman mo ang SIKRETO NA TINATAGO NILA" binigyan niya pang diin ang huling salita niya.

"Alis! Sasama na ako. Ok!" Tinignan niya akong masama bago umalis. Nauna pa siyang maglakad saka sumunod ang mga security guard.

Kilala ko ba siya??

Shutamers troublemaker ba si Ria??

O dahil sa pamilya niya??

Eh??

Wala ako kaalam-alam sa magulang niya except siguro sa pagiging mabait ng nanay niya kay Venus.

Hindi man lang minention sa novel iyon. Tsk.

Katulad ng Mama ko ang Mama ni Ria.

Actually kung iisipin, may pagkapareho kami ni Ria. Pareho kaming panganay, parehong walang tatay at parehong may tatlo kapatid. Pinagkaiba lang ay may kaibigan siya ako wala pati na din sa kapatid. May kapatid akong kambal habang sya wala.

Kaya siguro ako si ria!!

"Ok ka lang, Shreya?" Tanong sa akin ni Venus sa gitna nangpagiisip ko.

"Huh? Ah oo. Ok na 'ko"

Nagpasalamat sa amin si ateng sales lady bago kami naggala pa. Pero saglit iyon dahil na din sa pagod nagdesiyon kami na umuwi na.

Gabi na naisipan ko na pumunta sa pinakamalapit na convenience store para bumili ng pagkain.

Sa totoo lang wala naman talagang convenience store dito eh.

Iibigay ko na sana sa cashier ng napaisip ako.

Paano kung nabago yung storya?

'Edi ok'

Devil me said and stand in my left shoulder.

'Hindi yun ok, duhhh' angel me said and sit on my right shoulder.

'Ok yun! Wag ka makulit Angel Shreya'

'Anung ok doon?! Ha! Dapat di niya pinapakielam ang author na nagsusulat ng nobela na yun'

'Luh, kung di niya papakielam yun. Edi di magkakatuluyan ang VeGi'

'Manahimik ka Devil Shreya, mabait si Shreya. Wag mo demonyohin ang utak niya"

'Anu ba tawag sa akin?'

An Unpredictable OperationTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang