Operation 3

174 7 0
                                        

No choice

Venus Nuguid

Ang weird ni Shreya ngayon. Sa sobrang weird nasasaktan na ko. Alam kong onting tampuhan lang namin iyon tungkol sa ice cream kahapon. Aksidente kong nahulog ice cream niya dahil palarong tinabig ko ang kamay niya tapos nagalit siya. Kasalan ko naman talaga pero di ko aakalain na mapupunta sa ganto na mismo siya ang nag-iiwas sa akin.

Pupunta na sana ako sa bahay nila dahil di siya pumunta sa trabaho namin pero naisipan ko na wag muna at bukas na lang para mahinahon na siya at ako na din. Napapikit ako ng mariin sa na sambit ko sa utak. Ganon din sinabi ko kagabi.

Pero mas matindi ngayon

"Nakatulala ka na naman dyan Ate, anu hinihintay mo? Pasko?" Biglang sambit ng kapatid kong lalaki. I flinch a little bit.

"Bwiset ka, Vesper! Bakit ka ba nandyan?! Kala ko tuloy kung sino" pagbabawal ko

"Tagal mo la ang nakatulala dyan. Punta ka na doon hinahanap ka na ni Mama at ni Papa"

Ang aga naman umuwi ni Papa. Normally, mga 5 sya nakauwi. Tumingin ako sa relo ko.

Ay mag 5 na pala

"Nandito na ko!" Sigaw ko at nagmano sa kanila. Kumain kami sabay-sabay. Umaktong akong ok para di nila napapansin na may problema ako. Pagkatapos namin kumain inutusan ko si Vesper na maghugas tatanggihan nasa nya pero tinawag ko si Papa kaya ayun di siya makapag-reklamo kay ginawa na lang niya ang dapat niyang gawin.

Dumeretso akong sa kwarto ko dahil sa pagod at lungkot na din to dahil sa pag-iwas sa akin ni Shreya.

Ngayon nakahiga na ko nakatingin sa kisame. Wala naman assignment dahil nga sa first day of school saka may trabaho pa ako bukas.

Kasalanan ko talaga.

Pumikit na ko para mas lalo akong makatulog pero di ko magawa sa kakaisip kung anong magiging kalagayan sa relasyon namin ni Shreya.

Sana pagkatapos namin magbati bukas ay huling pag-aaway na namin ito.

***

Shreya

Isang madaling araw noon ako'y natapos na magbasa ng inalok na nobela sa akin.

Tandang tanda ko pa kung paanong inalok sa akin ni Elke yun.

Nasa book store kami nung araw na iyon. Meron upuan sa bookstore kaya pwede kaming maghintay doon.

"Shreya, eto mura lang to, ah. Binili ko yan sa online shop. Tinatamad kasi akong mag basa kaya ibebenta ko na lang sayo. Diba mahilig ka diyan?" Tanong sa akin ni Elke.

"Magkano ba?" Tanong ko

"247 mura na yan ah"

"Mura sa iyo yon?!"

Mahal naman iyan parang libro lang ganyan ang presyo. Charot. Malamang, wala naman libre sa mundo ngayon noh.

"Parang tanga to" Natatawang aniya habang paiilang-ilang pa. "Yung iba nga umabot ng 1k parang eto 200 pesos lang. Saka binili sa akin iyan ng 400 pesos. Parang hindi ka nasanay, ah. Eh, lagi ka nga bumibili ng libro kahit nabasa mo na sa website"

I snobbish get the books from her hand. I just read the first page before i asked about the story.

"Saang tungkol to?" Tanong ko.

"Basahin mo sa likod nandoon ang blurb. Hanep ka parang hindi ka nakakahawak ng libro"

"Meron ba to sa website?"

An Unpredictable OperationWhere stories live. Discover now