Chapter 6

342 9 2
                                    

Esquivel

Tinusok ko ang piraso ng mansanas gamit ang tinidor at mabagal na dinala iyon sa bibig ko. Sinulyapan ko si Elias na kunot ang noong tinititigan ang ilang hiwa ng iba-ibang prutas sa pinggan. Yaya Let peeled and sliced them for me. She usually joined me in the living room while we watched some drama series on the television, but today I told her I would be eating them in my room. Syempre dahil may bisita ako at hindi naman pwedeng magpakabusog ako. Iyon nga lang, nang makabalik sa kwarto ay naaalala ko ang napag-usapan namin kanina ni Eliasbago mananghalian. Maagang umalis sina daddy gaya ng dati kaya maaga rin akong pumunta sa study para hanapin ang dapat hanapin.

But I failed.

Maliit ang ginawa kong kagat sa mansanas. Ngunit kahit iyon ay hindi ko magawang lunukin.

"You're not mad, are you?" I whispered as I stared at the sliced apple on the fork.

Matagal bago siya nakasagot. He said nothing earlier when I told him I cannot find anything on my father's table with his name on it. Tahimik lang siya hanggang sa tinawag na ako ni Yaya Let para sa pananghalian. Lihim ko rin siyang dinalhan nang makakain at simula noon ay wala pang sinabi kahit ano. Hindi ko maiwasang mag-aalala.

"Don't worry, I will try to find it again for you," pangungumbinsi ko. I don't want to say it as a promise. Kaya naman sa ngayon sa sarili muna ako mangangako.

"Are you really sick?" Iyon ang mahina niyang tanong. Lumalim ang guhit sa pagitan ng makakapal na kilay at ilang segundo pa ang ginawang pagtitig sa mesa bago ako binalingan. Saka ko lang napansin na nasa mga gamot ang titig niya. It was inside the box with the name of the weeks in it para parehas kami ni Yaya Let na hindi malito.

Napakurap ako nang magtama ang tingin namin. Umiwas din naman siya para dungawin ang mansanas sa tinidor ko at ganoon din ang mga nasa pinggan pa.

"Nasabi ko na ba sa'yo?" pagtataka ko. Hindi ko naman iyon inililihim kahit kanino. Pero siguro ay ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang mga gamot ko.

"You mentioned it once. I didn't think you were this sick." He jerked his chin to the medicines.

Mahina akong natawa. "Most of them are vitamins and supplement. Though, meron diyan na twice kong iniinom at hindi dapat kaligtaan. That's why I only ate healthy foods, too." Iwinagayway ko sa kanya ang tinidor. Marahan din akong natawa ngunit walang nagbago sa seryosong anyo niya. Napanguso tuloy ako. "Don't worry. Susubukan ko ulit maghanap bukas—"

"Ano'ng sakit mo?"

"Huh?" Ibinaba ko ang tinidor at inilapat ang kamay sa dibdib. "Ah... dito." Tikom ang bibig niya nang titigan niya rin iyon. "Hindi naman malala ang sakit ko. Nag-aalala ka ba? Sa ngayon ay hindi lang talaga ako pwedeng mapagod."

"Hindi ako nag-aalala," mabilis niyang tugon na tila ba nasaktan ko ang damdamin niya. Sa sagot naman niyang iyon ay ang damdamin ko ang nasaktan. "You're rich. You said it, you have a big company. Bakit hindi ka nila ipagamot sa ibang bansa? Ihanap ng magaling na doktor imbis na ikulong dito—"

"You're wrong," pagputol ko sa namumuo niyang galit. Mapaglaro ko rin na hinampas ang dibdib niya. "They're doing everything. Ang totoo nga niyan, ilang beses na kaming lumipad sa ibang bansa para makita ako ng mga magagaling na doktor. They advised that I stay indoor during my medication and—"

"Mamamatay ka na?" kaswal niyang tanong na nagpatigil talaga sa akin. Matagal kaming nagkatitigan. Kita ko ang unti-unting pag-ahon ng takot at pag-aalala sa mga mata niya. Hindi ko nakayanan ang pigilin ang sarili at malakas akong natawa. Ilang ulit kong hinampas ang dibdib niya hanggang sa hinuli niya iyon upang pigilan. Ganunpaman ay natatawa pa rin ako.

Bad ScarletWhere stories live. Discover now