Chapter 4

165 4 0
                                    

Elias

Kahit hindi naman ako ang nakakaramdaman ng sakit at panlalamig ay nanginig pa rin ang katawan ko. My lips trembled as tears formed in the corner of my eyes. Sa kabila ng lukot na mukha ay napansin niya ang reaksyon at lalo lang lumalim ang kunot sa noo dala ng pagtataka at iritasyon. Pinigilan ko ang emosyon upang matulungan siya. Sobrang bigat niya na hindi ko kayang tangayin siya palabas ng shower room. Hindi na niya rin madala ang sarili dahil sa panghihina. We both slid down on the corner and against the tiled floor. Namumutla ang kanyang mukha, nakaawang ang mga labi at halos hindi maimulat ang mga mata.

Nang masigurong maayos kahit papaano ang pagkakaupo niya roon ay lumabas ako para kumuha ng bathrobe. Isinuot ko iyon sa kanya at muli ay sinubukan siyang itayo.

"H-Hey, stay with me," nanginig ang mga labi ko. "Hindi ka pwedeng makatulog sa ganitong kalagayan."

He slowly peeled his eyes open. Inangat ko ang kamay upang marahang punasa ang malamig na pawis sa kanyang noo.

"The fuck are you crying at?" he muttered under his breath.

Nag-iwas ako ng tingin at pinunasan ang tumulong luha. "You don't feel well. Baka kung mapaano ka pa. We should ask Yaya Let for help na." Dumako ang paningin ko sa kamay niya sa aking braso. He intended to tighten his grip for a threat but he was too weak to hurt me. I know it's getting worse.

I pleadingly stared at his state. "Come on, kilala ko si Yaya Let. Mabait siya at tiyak na—" I gasped as I fell on the floor with my butt first after he shoved me. Hindi naman malakas ngunit dahil hindi inaasahan at determinado siya ay napaupo ako. Hirap man ay sinubukan niyang tulungan ang sarili. Pilit niyang hinahawi ang mga kamay ko paalis sa kanyang braso ngunit hindi na ako nagpatinag. He needs help and I'm growing terrified of the situation.

"H-Hindi mo na kaya..." I almost begged. Nagawa niyang makatayo. Akmang itutulak ako muli nang marinig namin ang tawag ni Yaya Let mula sa kwarto. We still went. Ilang segundo lang ay papalapit siya sa banyo. Kasabay ng pagpihit ng doorknob ay siya ring pagsara ng lalaki sa kurtina at ni-lock ang glass door. Pagkatapos ay marahas siyang bumagsak sa pader at dumausdos pababa ulit sa sulok.

"Shiloh? Naliligo ka na ba?"

I bit my lower lip and suppressed the tears. Nagkatitigan kami ng lalaki. Matalim ang tingin niya habang tahimik akong nagmamakaawa na humingi na kami ng tulong.

"Shiloh?" Mas lumapit si Yaya Let.

The guy narrowed his eyes on me. I cleared my throat.

"Nasa telepono si Caddy. Kakausapin ka raw."

Napakurap ako ngunit hindi maiwan ang lalaki. "I-I'll talk to him later, Ya."

"H-Ha?" buong pagtataka niya. She knew that that call was always good news for me. Magtatatalon ako sa saya ngunit hindi ngayon. "Heto ang telepono, pwede mo naman siyang makausap habang naliligo ka—ay, oo, iho, nasa shower kase."

Mariin akong napapikit, kapagkuwan ay halos mapatili nang tumama sa akin ang malamig na tubig. He opened the shower with his right hand. Naunawaan ko dahil tiyak na magtataka nga si Yaya Let na walang naririnig sa loob. Subalit balewala ang lamig na naramdaman ko sa lamig na naramdaman niya. I tried to change the temperature of the water but I failed to move as I saw him visibly shivering. Imbis ay lumapit ako palapit sa kanya at ikinulong siya roon upang sa akin na lang bumuhos ang tubig.

His eyes closed. Kuyom ang mga palad at mga panga.

"P-Please," I whispered, still pleading. I wrapped my arms around him.

Marahan na nagmulat. Our eyes met for a moment before they heavily closed again.

"O'sya. Iwan ko na lang ito dito ha?" si Yaya Let.

Bad ScarletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon