Chapter 2

447 19 2
                                    

Forbidden

Nakatulog nga siya na ganoon ang ayos. I promised I would not tell on him to anyone. Sinabi ko ring hindi ako lalabas ngunit ginamit ko ang pagkakataon na iyon para lumabas. Naabutan ko si Yaya Let na may inaasikaso sa kusina.

"Sigurado ka bang iyan ang gusto mo? Ipagluluto kita ng iba pa," aniya nang pakatitigan ang dala kong tray na puno ng pagkain mula sa handaan kanina. Ipinatong niya roon ang gamot na hiningi ko. Kunot ang noo nang abutin ang noo ko. "Hindi ka naman mainit. Ayos ka lang ba talaga? O gusto mo gisingin natin ang mommy mo?"

"Hindi na, Ya," pag-angal ko. "Galing ako sa kwarto nila at nag good night na. Tiyak na tulog na sila."

Nanliit ang mga mata niya sa akin. Yaya Let has been with us since I was born. Iyon ang sabi nina mommy. Matanda siya ng ilang taon kay mommy at ang sabi ay halos sabay na lumaki dahil maagang naging kasambahay si Yaya Let sa pamilya. Hanggang ako na nga ang inaalagaan niya. Singkit ang mga mata niya at katamtaman ang puti ng balat. Kulot naman ang maiksing buhok. Matangkad na rin ako ng kaunti sa kanya.

"Pero ginugutom ka?" Muli niyang dinungaw ang tray. Ngumuso ako at hindi na sumagot. "Ako na ang magdala niyan."

"Huwag na, Ya. Kaya ko naman," sagot ko at akmang tatalikod na nang humarang siya at inagaw iyon sa akin. Ibinigay ko rin naman sa pag-aalalang matapon pa at masayang.

"Ano'ng huwag na? Nasisiraan ka na ba? Baka mapagod ka."

I couldn't help but pout as I trailed behind her. "Hindi naman po siguro iyan nakakapagod."

Umiiling siyang umismid. "Napagod ka ba sa party? Sayaw ka kase nang sayaw kaya ka siguro ginutom. Bakit hindi ka na lang sa kusina kumain? Magsosolo ka pa sa kwarto mo."

"Because it's late, Ya. Saka akala ko tulog ka na. Alam kong napagod ka rin."

Huminto siya at hinarap ako. "Edi bumalik tayo sa kusina. Doon ka na kumain, hihintayin kita."

Natawa ako. Hinawakan ko siya sa balikan at iminuwestrang magpatuloy sa paglalakad. Tinahak namin ang malawak na hagdan. "I enjoyed the party, Ya. I'm sure 'di ako makakatulog nang maaga. But I'll be fine."

"Siya nga," pagsang-ayon niya na sinabayan ng tango. "Ang tagal ko kayong pinapanood ni Caddy. Mukhang sa kanya ka nag-enjoy at hindi sa party."

Ya!" I exclaimed, horrified. "Hindi, no! Magkaibigan kami ni Caddy."

"O, bakit ganyan ang reaksyon mo? Parang alam mo kaagad ang sinasabi ko?"

I playfully rolled my eyes. "Ilang ulit n'yo na po kase akong tinutukso kay Caddy. Magkaibigan kami. Iyon din ang sabi niya bukod sa maganda ako."

Mahina siyang natawa. Huminto kami sa harapan ng pinto ng kwarto ko dahil hinarangan ko siya. "Edi gusto ka nga."

Kumunot ang noo ko. "Kung gusto nga niya ako at gusto ko naman siya, ano na pong mangyayari? Magkaibigan na po kami ngayon pero kung pareho pala naming gusto ang isa't isa, ano na po ang mangyayarii sa'min?"

Naging tipid naman ang pagngiti niya. "Bata ka pa, Shiloh. Huwag mong madaliin ang mga bagay-bagay." Akmang magtutuloy siya sa pinto pero pinigilan ko. "Bakit?" aniya nang kunin ko ang tray. Nagtataka niya iyong ibinigay.

Malaki akong ngumiti sa kanya. "Ako na 'to, Ya. Magpahinga ka na. Good night!"

Bago pa siya makapagsalita ay pinihit ko ang door knob, pumasok sa loob at isinara iyon. Nang masiguro kong wala na siya ay saka ko lang ni-lock ang pinto. Iyon yata ang unang pagkakataon na nag-lock ako ng silid.

Tulog pa rin ang lalaki sa sofa. Hindi ako makapaniwalang nakatulog siya nang ganoon. Inilapag ko ang tray ng pagkain sa mesa at pinakatitigan siya. Nakumpirma kong tulog nga nang marinig ang mahihina niyang hilik. Halos hindi iyon maririnig. Kailangang mas lumapit sa kanya. He is beautiful. Hindi iyon maitatago ng mga pasa niya. Gusto nga ng mga daliri ko na hawakan ang matangos niyang ilong pero pinigilan ko sa pag-aalalang magising siya. He seemed tired. Ano kaya ang nangyari at nasugatan siya nang ganoong kalalim?

Bad ScarletTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang