I wanted to offer him the bed but knew he would refuse again. Kaya naman tumagilid na lang ako para panoorin siya. Caddy is beautiful and kind. Elias is beautiful and indifferent. I wanted to be Caddy's friend for as long as he wanted to. I wanted to be Elias' friend and know more about him. It could be because he's a stranger or a complete mystery to me. Kaya siguro may kung ano sa kanyang nagtutulak sa akin na malaman pa.

Bahagyang nakaawang ang mga labi niya. Pinakatitigan ko ang sarado niyang mga mata at makapal na pilikmata. Hindi iyon kumikibot. Madalas akong mahuli ni Yaya Let na nagpapanggap na tulog dahil doon.

"Are you asleep?" I whispered. Itinapat ko ang palad sa kanyang bibig. May hangin naman ngunit hindi ako nakuntento at lalong inilapit. "You're still alive, are you? Tiyak na nabitin ka sa tulog dahil sa pagpasok nina mommy. Puyat ka lang, 'di ba? Matutulog ka lang saglit?"

Wala pa ring sumagot. Mas lumapit ako.

"Elias... buhay ka pa, 'di ba? Humihinga ka pa naman e."

Napakamot ako sa sarili. Siguro nga ay napuyat siya. Nanatili na lang akong nakasandal sa sofa at nakatitig sa kanya.

Hanggang unti-unti ay hinila na rin ako ng antok. Nang muling magmulat ay nahuli ko siyang matamang nakatitig sa akin. Marahan akong ngumiti at muling pumikit, gusto pa sanang matulog ulit pero tiyak na hahanapin na ako ni Yaya Let para sa pananghalian.

I peeled my eyes opened and smiled at Elias again. When he realized I was completely awake, he blinked and looked away. Tuwid siyang naupo kaya ginaya ko. Napangiwi ako sa ngalay na naramdaman sa leeg. I groaned as I caressed it.

"Mahigit isang oras din pala tayong nakatulog. It's lunchtime already. Hahanapin na ako ni Yaya Let kaya—" akmang tatayo ako nang hinawakan niya ako sa braso.

"She knocked about five minutes ago."

"Oh? Sumagot ka? I mean, hindi ka pwedeng sumagot dahil ayaw mong malaman nilang nandito ka pero...," I glanced at the closed door, "she didn't use the spare key? She usually do it."

"You said she promised she won't barge in here again," kalmado niyang sagot.

Mabagal akong tumango. "Yeah, but... in times of emergency—anyway, nagugutom ka ba? Kakain lang ako nang mabilis sa baba at pagkatapos ay susubukan kong mag-akyat dito para sa'yo. Stay here, okay?"

Sinubukan ko muling tumayo ngunit humigpit ang hawak niya sa akin. Nagtatakang nagbalik-balik ang tingin ko roon at blangko niyang mukha.

"May... iba ka bang gustong kainin? Yaya Let prepares healthy food. She doesn't repeat the same dish for a day, too, kaya hindi ka mananawa."

He shifted on his seat and turned his body completely to me. Pigil ang paghinga ko nang bahagya siyang lumapit at mataman akong tinitigan.

"You said we're friends," mabagal niyang sinabi, tila nag-iingat sa bawat salita. His eyes roamed around my face intently.

Malaki kaagad ang ngiti ko. "Oo naman!"

He cleared his throat. Umangat ang isa niyang kamay at marahang inayos ang takas kong buhok. Halos mapapikit ako sa rahan ng pagdampi ng kanyang daliri sa balat ko. In fact, I barely felt it against my skin.

"Can you... do your friend a small favor?"

I blinked.

"Hmm?"

"Hindi mo gusto ang luto ni Yaya Let? Do you want us to order lunch outside? We cannot have fast food, though. Not even pizza."

"Hindi ako gutom." He jerked his chin to the snacks on the table. "I want something—I need it."

Bad ScarletWhere stories live. Discover now