"Paanong huli?" Umupo ito sa may bato kung saan may mga bulaklak sa gitna nito. Para itong malaking paso na gawa sa bato pero pakodrado.

"Huli na dahil pinutol na ng kaibigan ko ang pagiging magkaibigan namin." At ako ang may gawa non...

"Gusto mo bang ikwento kung anong nangyari?" Pinilit kong magtanong na parang normal lang. Ayokong mahalata niya na interesado ako kahit ang totoo ay interesadong interesado ako sa ikukwento niya.

"Sabihin nalang natin na may mga pagkakatao na hindi natin araw, at noong araw na kakausapin ko na sana ang kaibigan ko na pinatigil kona ang panliligaw sakin ng nagugustuhan niya ay siya namang nakita niya kaming naghahalikan. Ang sama ng timing no" payak nitong tawa. Tumango ako.

"Masakit noong pinatigil ko sa panliligaw ang taong minahal ko pero mas masakit noong hindi ako pinakinggan ng taong mas minahal kona na parang tunay kong kapatid." Pansin ko ang biglaang pagtulo ng luha nito. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yon pero ako mismo ang nagpunas ng luha niya.

"Salamat." Tipid lang akong ngumiti dito at iniabot na sakanya ang panyo ko.

"So kagaya nga ng sabi ko tingin ki mas makakabuti kung susundin mo ang tinitibok ng puso mo." Pagsinghot singhot pa nito.

"Paano kung hindi pwde dahil masyadong kumplikado?"

Masyadong kumplikado para sakin ang lahat ayokong mas maipit ng todo kapag bumalik nako sa dati. Yun ay kung babalik pangaba ako.

"Wala namang kumplikado kung gagawan mo kaagad ng paraan. Bago ka pumasok sa bagay na yon ay linawin mo muna ang mga bagay na gumugulo sayo odikaya humahadlang para sundin mo ang puso ko."

Paano ko magagawa yon kung sarili ko mismo ang problema.

"Nagmahal kanaba ng higit pa sa isa." Halatang nagulat ito sa sinabi ko.

"Hindi pa..ikaw ba?" Umiling ako.

"Hindi ko pa masasabing mahal pero gusto Oo. Nagkakagusto ako sa dala---este tatlong babae. Yung dalawa sure na pero yung pangatlo hindi ko pa alam dahil sa dalawa palang nahihirapan nako paano pa sa tatlo." Tumawa siya sa sinabi ko.

"Hmm..tingin ko wala namang masama na magkagusto ka sa tatlong babae."

"Ha? Talaga?" Ngayon ko lang narinig ang bagay nayon.

"Yes. Para saakin walang masama ewan ko lang sa iba haha." Kung sabagay iba-iba nga pala tayo ng pananaw sa buhay.

"Pero kung tatlo talagaa ang nagugustuhan ng puso mo edi go. Puso mo naman yan kaya ikaw lang ang may karapatang mamili sa kung ano ang dapat mangyari." May point siya. "Pero magiging mahirap talaga yon kaya dapat maging handa ka pero kung ikakasaya mo naman at hindi naman magiging hadlang sa kabi-kabilang panig ay ipush muna kesa naman iwasan mo yung happiness mo sa buhay."

Hindi ko inasahan na maririnig ko ito sakanya.

"Paano kung sarili mo mismo ang problema?"

"Sarili?" Napatango ako. Ilang segundo itong napaisip bago sumagot.

"Kung sarili ko ang problema edi dapat ayusin ko muna ang sarili ko. Kapag naayos kona ang problema ko sa sarili ko edi doon kona gagawin ang gusto ko."

"Pero paano kung sa hinaharap palang yung magiging problema ko sa sarili ko?" Bahagyang kumunot ang noo nya.

"Ngek. Kung sa hinaharap palang pala ang problema edi sa hinaharap mo nalang isipin. Huwag mo munang isipin ang mangyayari sa hinaharap dapat mag focus ka sa nangyayari ngayon dahil ang mga ginagawa mo ngayon ay siya ding makakapagpabago sa hinaharap." Magfocus sa ngayon at wag sa future...

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOWhere stories live. Discover now