"Hindi ko maibabalik ang pagmamahal no Savannah." Muli akong naglakad.

"Edi ibalik mo nalang kapag may panukli kana. Tanggapin munaman na to oh please." Humabol nanaman pala siya sakin.

"Sinabi ko na ngang---sh-t!" Hinintay ko ang pagkahulog ko sa hagdan pero walang sakit akong naramdaman sa buong katawan ko.

"Ayos kalang ba?"

"Ayos kalang ba?"

"Ayos kalang ba?"

"Ayos kalang ba?"

F*ck!

Mabilis akong umalis sa pagkakaligtas nito sakin at tumayo ng diretso.

Putek! Ano yon Eli ha?! Lalake ka pinapaalala ko lang sayo. Parang ikaw pa tong babae sainyong dalawa at siya pa talaga ang nagligtas sayo sa hagdan.

"Ayos kalang ba?"

"Stop!" Lahad ko pa ng kamay ko sa harapan nito.

"Bakit----"

"Stop sabi." Ang babaeng to! Binibigyan ako ng heart attack!

"Teka uyy!"

"WAG KANG SUMUNOD UTANG NA LOOB." Tumakbo ako palabas ng building at nagtungo sa pinakamalayong bundok char dito lang sa may heroes garden.

Iba pa to sa pinakagarden ng school. Sumandal ako sa monumento ni Andres at doon pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigilan.

Yung tibok ng puso ko dinag pa ang lumangoy sa magkabilang bansa ng pilipinas at china.

Tumigil ka. Tama na yung dalawa wag mo ng dagdagan pa. Gulong gulo na nga ako sa maraming bagay plano mo nanamang magdagdag ng babae mo.

Napalingon ako sa rebulto ni Adres na may hawak na patalim.

"Andres ano bang dapat kong gawin? Lalaban ba ako para sa bayan este sa nararamdaman ko o pupunitin ko nalang ang sedula? Maghihimagsik ba ako sa nilalaman ng puso ko o magpapasakop ako dito?" Sagutin mo naman ako Andres.

"Kung mahal mo magpasakop ka."

"Adres? Buhay ka?!" Gulat kong singhal.

"Hindi si Andres ang kausap mo kundi ako hehe." Lumabas ang pigura ng isang babae sa likod ng estatwa ni Andres habang pakamot kamot sa pisngit nito.

Ruffa.

Ang tagal rin naming hindi nagkita pagkatapos ng insedente sa bahay.

"Hi. Pasensiya na kung narinig ko yung mga sinabi mo." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sakanya dahil isa pa sa problema ko ang sitwasyon namin ng dati kong kaibigan.

Simula ng marinig ko ang mga katagang binitawan niya sa bahay ay para akong nanlumo.

Nanlumo sa part na masyado akong naging selfish para sa nararamdaman niya. Ganon ba ako kasamang tao kagaya ng ipinarating ni....n-nerd sakin.

"Narinig ko yung mga sinabi mo." Muli akong nabalik sa sarili kong huwisyon "Hindi naman sa nakiki-alam ako pero tingin ko mas makakabuti na piliin mo kung ano ang nararamdaman ng puso mo. Kung saan ka magiging masaya yon ang piliin mo."

"B-bakit?" Ngumiti ito ng tipid.

"Dahil mahirap ng ibalik ang pagkakataong pinalampas mo." May hinanakit sa tono ng boses niya.

"N-nangyari naba sayo ang tinutukoy mo?" Sumulyap ito sakin bago tumingin sa iba pang mga estatwa sa paligid.

"Pinili kong pakawalan ang taong mahal ko para sa bestfriend ko...ang kaso lang huli na para sakin ang lahat." Ito yung kinukwento niya sa picture ni Iziah.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANODove le storie prendono vita. Scoprilo ora