No choice ako kung hindi maglakad papunta sa bahay nila jules. Nang makarating ay agad akong nag doorbell. Yung maid na madalas akong pagbuksan ang lumabas.

"Andyan po si jules?" nakangiting tanong ko at nagaalangan naman siyang tumango.

Bahagya niyang binuksan ang gate kaya nginitian ko siya at pumasok na sa loob. Madalas tambay si jules sa pavilion kaya sa likod ng bahay na nila ako dumiretso.

Naglakad ako papunta sa pavilion nila jules habang may ngiti sa labi. Nakangiti ako habang nakatingin sa cake na hawak ko. Masyado akong excited para sorpresahin si jules ngayon dahil nakauwi na ako from province.

"Sur-" napatigil ako sa pagsigaw nang makita ko si jules sa pavilion "prise..." malungkot na dagdag ko.

Halos manlabot ang tuhod ko nang makita si jules sa pavilion. May kayakap siyang babae habang umiiyak. Hindi ko maiwasang mainggit dahil ako dapat ang kayakap niya.

Balak ko siyang sorpresahin ngayong araw dahil bukod sa nakauwi na ako, icecelebrate din sana namin ang monthsarry namin. Hindi ko naman inaasahang ako pala ang masusurprise.

Dahan dahan naman akong humakbang paatras. At lumabas ng bahay nila.

Huminga ako ng malalim at ngumiti. Kunyari ay wala akong nakita. Dito nalang muna ako sa labas at aantayin kong sunduin niya ako dito.

Agad naman akong napangiti nang magring ang cellphone ko at ang pangalan ni jules ang bumungad. Busy lang talaga siya kanina. Ngayon hindi na.

"babe" bungad ko nang masagot mo ang tawag.

Tinaggal ko sa utak ko lahat ng mga iniisip ko. Ang mga mangyayari nalang ngayong araw ang iisipin ko. Kagaya nalang ng pagcecelebrate namin ng monthsary namin ngayon.

"Bella..." umiiyak na tawag niya sa pangalan ko "I'm sorry..." muling sabi niya.

"A..no ka ba! Bak..it ka nagsosorry?" kinakabahang tanong ko.

"Mahal ko pa si courtney..." mahinang sabi niya "Let's break up" dagdag niya at pinatayan ako ng tawag.

Muli kong tinawagan ang number ni jules pero mukhang binlock na niya ang number ko. Mabilis akong lumakad palapit sa gate nila pero naka lock na yon. Nag doorbell ako ng nagdoorbell pero walang nagbubukas ng gate.

"JULES!!" sigaw ko "KAUSAPIN MO AKO!" muling sigaw ko.

Bigla nalang bumuhos ang mga luha ko. At kasabay ng pagbuhos ng luha ko ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Sinubukan kong maghanap ng masisilungan pero wala akong makita

Dumiretso nalang ako ng tayo sa tapat ng bahay nila jules. Basa naman na din ako kaya susulitin ko na.

"Jules!! Kausapin mo ako" muling sigaw ko "Kahit wag kana magpaliwanag about sa mga nangyari nung nakaraan basta kausapin mo lang ako please!" pagmamakaawa ko pa.

Sinubukan kong magdoorbell ulit pero wala talagang lumalabas para pagbuksan ako ng gate.

"Tita cynthia! Tito carl!" sigaw ko nagbabakasakali na maririnig nila ako "Jules please magusap tayo" muling sigaw ko.

Halos mamaos na ako kakasigaw pero wala pading lumalabas para pagbuksan ako ng gate. Nanghihina nalang akong napaupo sa gitna ng kalsada ng village nila jules dahil sa panghihina.

Napatingin ako sa cake na dala ko kanina. Ang kaninang masarap tignan na cake ay durog durog na ngayon at naliligo na sa malakas na ulan. Maging ang cellphone ko ay basa na din.

Muli akong tumayo at nagsisigaw ulit. Napangiti ako nang may magbukas ng gate at iluwa non si tita cynthia na nakapayong at tinitignan ako. Agad naman akong lumapit sa kanya.

Varsity Boys #1: Best MistakeWhere stories live. Discover now