Chapter 33

6 0 0
                                    


Monthsorry? •




Paguwi namin ng bulacan ay nagpasya kaming ipacheck up si tatay. Nag reseta sila ng gamot at pinayuhan si tatay na wag na munang magkikilos at magpahinga. Kaya hindi na namin siya pinagtinda ni ate kendi.

Balak ko sanang puntahan ngayong araw si jules dahil hindi na siya tumatawag sakin. Akala ko nga nung nasa probinsya ako ay hahanap hanapin niya ako dahil kinuha ni alliah ang phone ko at hindi niya ako macocontact pero hindi niya naman pala ako tinatawagan.

Nakaupo ako sa sala ngayon at binabatayan si tatay. Maya maya na ako aalis pag dating ni ate kendi. Para may magbabantay parin kay tatay kapag umalis ako.

Kailangan namin bantayan si tatay dahil maya't maya namin siya pinapainom ng gamot. Kinukuhanan din namin siya ng bp para mas masiguro naming maayos ang lagay ng dugo niya.

"Hindi niyo naman na ako kailangan alagaan" sabi ni tatay at nakangiti naman akong umiling sa kanya.

"Kahit hindi ka namin kailangan alagaan, aalagaan ka padin namin" nangingiting sabi ko sa kanya at wala siyang nagawa

Nahiga nalang siya sa sofa at nanood ng tv. Sakto namang pasok si ate kendi mula sa labas ng bahay.

"Ate aalis ako ngayon" paalam ko "May lalakarin lang ako saglit" sabi ko

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Sa mall lang, kasama ko si aya" pagsisinungaling ko.

Alam kong hindi niya ako papayagan kapag sinabi kong sa bahay nila jules ako pupunta. Malaki parin ang galit ni ate sa kanila kaya maging ako ay hindi na niya pinapayagang makipagkita kay jules.

Hindi ko alam kung nakikisama lang ang panahon pero maging si jules ay wala paring paramdam sakin. Hindi niya ako tinatawagan o tinetext. Hindi niya rin ako naiisipang bisitahin or puntahan dito sa bahay.

Wala akong balita o salitang naririnig mula sa kanya. Kahit kay aya at raze ay wala akong naririnig tungkol kay jules. Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa kanya.

"Siguraduhin mo lang bellatrix" seryosong sabi niya at nakangiti naman akong tumango.

Nakangiti akong lumabas ng bahay dala ang cellphone ko. Sinubukan ko munang tawagan si jules pero walang sumasagot. Baka busy siya ngayong umaga kaya maya maya ko nalang ng onti tatawagan.

Medyo madilim ang kalangitan pero hindi niya ako mapipigilan sa pagalis ko ngayong araw. Hindi narin ako nakapagdala ng payong dahil malayo na ako sa bahay nang mapansin ko ang madilim na kalangitan.

Dumaan muna ako sa isang cake shop dahil gusto kong icelebrate ang monthsarry namin. Hindi kami nakapagcelebrate ng november dahil nasa probinsya ako. Kaya ngayon nalang namin icecelebrate ang monthsarry namin.

Pinili ko ang chocolate cake na pareho naming favorite ni jules. Pinalagyan ko din yon ng dedication na 'happy 3rd monthsarry'. Nang matapos ay masaya ko yong binayaran at kinuha.

Nang makalabas sa cakeshop ay agad akong dumiretso sa sakayan ng tricycle. Binilisan ko na ang paglalakad ko dahil medyo umaambon ambon na din.

Nagsimula nang umandar ang tricycle at nakangiti lang ako habang nakatingin sa cake na hawak ko. pero nang malapit na kami kila jules ay biglang huminto ang tricycle na sinasakyan ko. Taka ko namang tinignan si kuyang driver at ngumiti naman siya sakin.

"Nasiraan po ako, makakapagantay po ba kayo?" tanong niya at binigyan ko lang siya ng maliit na ngiti.

"Wag na po, malapit na din naman ako sa pupuntahan ko" nakangiting sabi ko at inabot ang bayad sa kaniya.

Varsity Boys #1: Best MistakeWhere stories live. Discover now