TBW 45: JustPlainlyMe (Soon to be Published)

3.3K 16 4
                                    

Kuya (Soon to be Published)

Puro ka kuya. Lagi ka na lang kuya.


Nakatapos na ako ng 5 chapters ng mapansin kong ang drama ni Andrew. Tinalo niya pa ang kadramahan ni Intoy sa pagkawala ni Jen sa buhay niya. Tsaka may pagkaka-parehas nga po pala kayo ng pagsusulat kina Bob Ong at Sir Eros Atalia. Para tuloy akong nagbabasa ng talagang libro, at hindi cellphone ang hawak ko.

Inggit na inggit ako kay Juniper na madalas kong basahing Jupiter, kasi may Kuya siya na mahal na mahal siya. Naalala ko pa bwisit na bwisit ako sa kanya ng sinimulan niyang dedmahin si Andrew, chapter 19 ang pagkakatanda ko. Bwisit na bwisit ako sa kanilang dalawa kasi sila na ang mga tanga talaga. Akala ko nga di pa sila ang magkakatuluyan sa huli. Nawalan na ako ng pag-asa ng nasa last chapter na ako. Tanong ko nga po pala, gagawan niyo ba ng istorya sina Tall Nut at Tekla? Sa isip-isip ko lang kasi sobrang hahagalpak kami sa tawa ng mga readers mo kapag nagawan ng istorya ang pag-iibigan nila. Congrats po at soon to be published na ng "Kuya"! ❤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RS: The Best of WattpadWhere stories live. Discover now