TBW 42: RaceDarwin (Soon to be Published)

3.2K 16 4
                                    

One Hot Vacation (Soon to be Published)
By: RaceDarwin

[WARNING: R18]

INAKALA ni Yumi na para sa kanya ang engagement ring na nakita niya sa apartment ng nobyo niyang si Chris. Ngunit gayon na lang ang pagkabasag ng kanyang puso ng malaman na hindi pala para sa kanya ang singsing kundi sa ibang babae!

Umabot sa kaalaman ng kanyang mabait na boss na si Mr. Evanson Neiderost ang heartbreak na naranasan niya kaya binigyan siya nito ng isang buwang bakasyon sa rest house nito sa probinsya. Ikinasiya niya ang bagay na iyon. Perfect timing ang magkaroon ng bakasyon upang matakasan niya ang sakit at kahihiyan na idinulot sa kanya ng dating nobyo.

Sa pagbabakasyon niya sa rest house ng kanyang boss ay nakilala niya si Evans Neiderost, ang nag-iisang apo ng kanyang amo.

Gwapo, matipuno at malikot sa babae. Iyon ang unang impresyon niya sa lalaki ng maabutan niya itong nakikipaghalikan sa dalawang babae na halos wala ng saplot sa katawan sa loob ng resthouse. 

Hindi na sana niya gustong ipagpatuloy ang bakasyon nang malaman niyang ito ang makakasama niya sa bahay. Dahil bukod sa hindi maganda ang impresyon niya sa lalaki, hindi rin niya gusto ang paraan ng pagtingin nito sa kanya tuwing magkakasalubong sila. 

At sa unang gabi ng kaniyang pananatili roon ay hindi nito itinago ang pagnanasa sa kanya. Ginapang siya ng walanghiya! 

At ang alibi nito: Nagkamali lang daw ito ng napasukang kwarto.

Kung ganoon, bakit siya niyakap at hinalikan nito? 

At bakit naman niya nagustuhan ang yakap at halik nito?

Sa totoo lang may katangahan akong nagawa e. Imbis na ito 'yung basahin ko kasi nga tapos na - ang binasa ko 'yung kina Channing na "One Wild Vacation". Kaya pala nung binabasa ko 'yung kina Channing nabitin ako sa dulo, yun pala mali 'yung nabasa ko. HAHAHAHA

Ang pinaka-gusto kong part sa story na 'to yung napagkamalan ni Yumi na kandila 'yung *ano ni Evans. Grabe talaga, lakas ng tawa ko that time. Buti na lang mag-isa ako kaya walang nakakarinig sa tawa ko. lol 

Congrats po sa marami niyong story na soon to be published na! :)

PS. Update po sa One Wild Vacation, please?

RS: The Best of WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon