"Damn it! Napaka-tangang tao naman nito!" Rinig kong sabi ng lalaking nabangga ko.

I even lost my strenght na tignan siya dahil takot na takot ako sa mga ganitong eksina. Nanatili akong nakaupo sa harapan niya habang hawak-hawak ang libro.

Napanganga ako nang marinig ko siyang tumawa. "Oh shit, a fucking gay! Kaya naman pala ako nabangga dahil busy kakabasa sa librong pang bakla..." naging malakas ang pagtawa niya at biglang dumadami pa ang mga naririnig kong tumatawa.

Sa subrang pagtataka ay dahan-dahan akong nag angat ng tingin at nanlaki ang mga mata ko nang makitang grupo pala sila ng apat na kalalakihan.

I hate this. I never want this to happen dahil ayaw kong may makakaalam sa sexuality ko. Tinatago ko ito sa lahat, ang alam nila is straight ako. Liban lang sa dalawa kong kaibigan, hindi ko sinabi sa kanila, aksidenti nilang nalaman. We keep it secret dahil hindi pa ako handa.


Biglang kinuha ng lalaking nabangga ko ang libro kaya agad na akong tumayo para bawiin ito sa kanya. "Hey it's mine, ibalik mo sa akin 'yan..." pinipilit kong kunin mula sa kamay niya ang libro.

Ngunit nilalayo niya sa akin ang libro at dahil may kahabaan ang kamay niya ay itinataas pa niya ito. "Tigil-tigilan mo na ang pagbabasa nito dahil lalo ka lang bumabakla...walang lugar dito sa mundo ang mga kagaya mo..." lalo nila akong tinatawanan ng mga barkada niya.

Tinitignan na kami ng mga students na dumadaan dito, nahihiya na ako na halos hindi ko na kayang lumingon sa mga tao. Ngunit ang masakit wala man lang sa kanila ang nakaisip awatin ang mga lalaking ito.

Naisip kong walang ibang makatulong sa akin dito kundi ako lang, kaya kailangan kong magmatapang sa kanila.

"I'm not a gay, I'm a bisexual." Sinusubukan kong kumalma habang sinabi iyon.

Lalo lang siyang natawa. "Ganun pa rin 'yon, para kayong mga bacteria na unti-unting sumisira sa lipunan, mga salot..."

Parang tinusok ng karuyom ang dibdib ko nang marinig ko 'yon, wala ng mas sasakit pa sa sinabi niya.

Pinagpasa-pasa na nila sa isa't isa ang libro, mas subra pa akong nag-alala sa libro kaysa sa akin dahil baka mapunit 'yon eh ang mahal-mahal no'n, at subrang mahal ko ang libro na 'yon.

Kaya hindi ako sumuko kahit tinatawanan pa nila ako at napapahiya na ako dito, pinipilit ko pa rin makuha mula sa mga kamay nila ang libro kahit pinagpapawisan na ako.

Ngunit lalo lang akong nahihirapan dahil subrang bilis nila pinagpasa-pasa sa isa't isa ang libro.


"Ace tama na 'yan!"

Natigil ako at ganun din ang apat na lalaking ito nang biglang marinig namin 'yon galing sa likod nilang. Parang mga tutang dahan-dahan na pumagilid ang apat.

Parang tumigil ang mundo ko at parang biglang lumiwanag ang paligid nang makita kong papalapit sa akin ang isang napaka gwapong lalaki. Hindi ko maiwasang mapanganga at halos mahulog na ang panga ko, dahil hindi ko inasan ang makikita ko.

Am I dreaming? Parang kaharap ko ngayon ang ideal boyfriend kong si Kit Connor, ang actor na gumanap bilang Nick sa live adaptation ng Heartstopper.

Subrang magkamukha sila. Mula sa kayumangging mga mata na nangungusap, matangos na ilong, mapulang mga labi at maputing pangangatawan, liban lang sa mga buhok niya dahil black ang mga ito at hindi blonde.

Narinig na ba ng universe ang hiling ko? Ang makatagpo ng kamukha ni Kit Connor. Parang gusto ko magpasampal ngayon kung totoo ba itong nakikita ko.

Ngunit ang matulala lang ang nangyayari sa akin ngayon. Hindi ako makagalaw na parang binuhusan ako ng malamig na hangin habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin.


"Stop hurting people na wala namang ginagawa sa inyo. It doesn't make you cool." Tsaka nalang ako nagising sa pagkatulala nang marinig ko siyang pinagsasalitaan ang apat na lalaking ito.

Napakalamig ng boses niya. Oh God I loved his calmly voice. Subrang nakakakilig.

"Kit, tinuturoan lang namin siya ng lesson dahil nabangga niya ako kakabasa nito..." sagot ng lalaking tinawag niyang Ace kanina.

K-Kit? Kit din ang pangalan niya? Kakaiba naman talaga kumilos ang universe oh. Parang gusto ko na mahimatay dito, kanina pa ako nagpipigil dito sa kilig, habang tinitignan ko ang mukha niya ay parang gusto ko sumigaw dahil talagang napaka gwapo niya.

"Akin na," inabot niya ang kamay niya kay Ace at dahan-dahan na ibinigay ni Ace sa kanya ang libro.

Naging mabilis ang tibok ng puso ko nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Pagkarating niya sa harapan ko ay ngumiti siya, bagay na lalo pang nagpapatibok sa puso ko ngayon.

"Hi." Kalmadong sabi habang may ngiti sa labi.

Binalot na ako ng kilig ngayon na halos natagalan pa bago ako makasagot. "A-Ahm, hi..." kahit binati palang niya ako ay naging abot tenga na ang ngiti ko at kung ano-ano ng na i-imagine ko habang nasa harapan ko siya.

"I don't know why this people hurting you, when you're so cute, and nice...I know it's so fast, but I think I like you..." dahan-dahan niya hinawakan ang kamay ko.



Ngunit natigil ako ng inabot niya sa akin ang libro at parang kanina pa siya naghihintay na kunin ko ito. Akala ko totoo na 'yong nag confess siya sa akin, imagine ko lang pala.

"Ako na ang humingi ng tawad sa nagawa ng mga kaibigan ko..." kalmadong sabi niya.

Dahan-dahan akong ngumiti. "W-Wala na 'yon, ayos lang naman ako...maraming salamat pala sa pagpatanggol mo sa akin..." sagot ko.

"Ito na pala ang libro mo..." tugon niya habang maingat niyang hawak-hawak ang libro.

Dahan-dahan ko itong tinanggap at nagtama pa ang mga kamay namin na nakahawak sa libro kaya muling tumibok ng pagkabilis ang puso ko. "S-Salamat..." dahan-dahan akong ngumiti sa kanya.

Nabalik na sa akin ang libro. Biglang inakbayan ni Ace si Kit. "Hali ka na Kit, pumasok na tayo..." sabi niya at lumakad na sila papuntang entrance gate.

Hindi muna ako pumasok at hinintay silang makalayo dahil baka isipin pa nilang sinusundan ko sila.

"Wish come true...nahanap ko na ang ideal boyfriend ko, and he's so perfectly fine..." kinikilig ako habang yakap-yakap ng mahigpit ang libro.

Pakiramdam ko nawala ang takot ko kanina sa pang bubully ng mga barkada niya, after that dark happened, now I only see daylight because of him.


••••

How's the first chapter Lovers? I really want to know how you feel because your feelings are valid hehe you can open up to me by commenting or message me and I promise to listen and support you.

I probably listen because I know the feeling of being unheard. So don't be shy to leave a comment. We can be friends anyway.




Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now