Chapter 21.3.3

Magsimula sa umpisa
                                    

Tulad nang sabi niya ay mas madiin ang kanyang halik at naramdaman ko ang dila niya sa loob ng aking bibig. Noong una'y parang hindi ako makahinga dahil masyado akong nabigla pero nang makuha ko na ang kanyang paggalaw ay nagawa ko ng makasunod nang maayos at bahagya pa siyang umungol.

Inihiga niya ako sa sofa at dinaganan ako. Lumagay siya sa pagitan ng mga hita ko at ang dalawang kamay niya'y umaalalay sa aking mukha at leeg. Nagpatuloy siya sa paghalik at ngayon ay naglalakbay na ang kanyang kamay sa aking dibdib. Hindi ko naiwasang mapasinghap nang maipasok na iyon sa loob ng aking damit at sobrang init ng kanyang palad!

"A-ace..." Ginagap ko ang kanyang mukha at natigil siya sa paghalik.

"W-what?" Bahagya pa siyang napakunot at para bang gusto niyang magalit sa pang-iistorbo ko sa kanya.

"Nilalagnat ka... may masakit ba sa'yo?" Hindi ko rin naiwasang mag-alala lalo pa nga't iba naman ang pag-iinit ng kanyang katawan.

"I don't know... I'm hot for you and I guess that's evident." Ngumisi pa siya at alam kong ang matigas sa pagitan ng mga hita ako ang kanyang tinutukoy. Bastos talaga!

"Sira!" Mahina ko pa siyang tinampal sa pisngi at manipis lang siyang napahalakhak. "Hindi ba masama ang pakiramdam mo kanina pa?"

"Yeah..." Bahagya pa siyang tumango at kunwa'y hinalikan na naman ako. "But your kisses can make me feel better."

"Puro ka talaga kalokohan, Ace."

"But now that you mentioned it. I guess I better get some sleep, huh?"

Tumango ako at hinipo ang kanyang pisngi na namumula.

"Uminom ka muna kaya ng gamot?"

"I'll be fine." Umalis siya sa pagkakadagan sa akin at inalalayan akong maupo. Mas lalong nagulo ang kanyang buhok dahil sa pagkakasabunot ko sa kanya kanina. Nakapagitna siya sa mga hita ko at hinaplos niya ang aking binti. "I think it's a wrong decision to take you here." Malalim pa siyang napabuntong-hininga at manipis na tumawa.

"Bakit naman?" Ngumuso ako at kahit hindi naman niya sagutin ay alam ko na ang sagot.

"You're too tempting, pumpkin. It's harder to contain myself when I'm around you." Ngumuso rin siya at mabilis lang ulit akong kinudlitan nang halik sa labi. "Come on, I really want to get some sleep." Inalalayan niya akong iayos ang legs ko pababa ng sofa bago siya tumayo at maglahad ng kamay sa akin.

Inabot ko ang aking kamay at tumayo na rin. Matangkad na lalaki si Dalton at ngayong hindi ko suot ang aking high heels na sapatos ay mas lalo akong nanliit. Hindi ko naiwasang magtaka kung papaanong naalis ang sapatos ko nang hindi ko namamalayan. Ibang klase talaga.

Isinuot ko ulit ang aking sapatos at hinawakan pa niya ako sa baywang habang ginagawa iyon.

"Paano mo inalis ang sapatos ko?"

Napangisi siya at bahagyang umiling.

"You're too drunk with my kisses and you didn't know?" Tila nagyayabang pang himig niya at ngumuso lang ako sa kanya. He's right. Masyado nga akong nalalasing sa mga halik niya.

"Come on, I want to ravage you in bed."

"Dream on, Ace."

"Jeez..." Umikot lang ang kanyang mga mata at bahagyang umiling. "I know..." Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at hinila palapit sa pinto ng kwarto.

Pagbukas pa lang niya ng pinto ay bumungad na sa amin ang sobrang laking bed sa sentro ng kwarto. Sobrang elegante sa loob at wala akong masabi sa ganda! May malaking flat screen t.v. sa tapat mismo ng bed. May mini sofa rin at dining table sa loob. Sa kabilang side ay parang mini office at library. Hindi ko alam kung ganoon ba talaga ang penthouse at ngayon lang naman ako nakapasok sa ganitong lugar.

Binuksan niya ang comfort room at napaawang lang ang aking labi sa pagkamangha. May shower room na napapaikutan ng salamin at Jacuzzi. Ultimo banyo ay napapalibutan ng something gold at nagmumukha siyang mamahalin sa paningin. Mayroon ding pinto sa pinakadulo na connected sa kwarto at 'yun daw ang closet sabi ni Dalton. At ang isiping hindi lang ito ang unang beses na nakapasok siya sa ganitong lugar ay nagpapaselos na sa akin.

"One day, I want to see you naked on the shower room." Pilyo pang sabi ni Dalton sabay kagat sa kanyang labi. Ang manyak talaga!

"Puro kamanyakan ang nasa isip mo, Ace!" Inirapan ko siya at malakas lang siyang napahalakhak.

"A man can dream, pumpkin." Sabi lang niya at hinila na ako palabas ng banyo.

Nang makalapit kami sa bed ay agad siyang naupo sa gilid at nagtanggal ng sapatos. Mas halata na ang pagod sa kanyang mukha at para bang antok na antok na nga.

Gumapang siya sa bed at nahiga. Tinapik pa niya ang side ng bed at sumenyas na mahiga na rin ako. Tumango ako at nag-alis muna rin ng sapatos bago gumapang palapit sa kanya. Kinagat niya ang kanyang labi at alam kong may naglalarong kalokohan sa kanyang utak. Parang kinikiliti ang tiyan ko sa klase ng kanyang pagtitig at hindi ko rin maiwasang kagatin ang aking labi nang tuluyan na akong makalapit sa kanya.

"Jeez pumpkin, You're way hotter to look at, when we're in bed!" Tila desperado pa niyang sabi at hindi ko alam kung mabuti ba iyon sa kanya o paano.

Nahiga ako sa kanyang tabi at agad naman niya akong niyakap. Nanuot ang amoy niya sa ilong ko at kusa na lang din akong napayakap sa kanya. Mainit ang kanyang katawan at alam kong dahil na iyon sa lagnat.

"Okay ka lang ba talaga? Hindi ka muna ba iinom ng gamot?" Alalang tanong ko pa at tiningala ko siya.

"I'm fine. Just sleep here with me, pumpkin." Nakapikit pang sabi lang niya at mukhang pagod na talaga.

"Okay..." Hindi ko naman na siya kinulit at ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg. Parang bata pa siyang dumantay sa aking binti. "Ano ako? koala lang, Ace? Kung makadantay ka ng paa! Bigat kaya!" Kunwari ay maktol ko pa.

"Jeez, pumpkin! hell! shut up your beautiful luscious mouth or else I'll ravage that!" Umismid pa siya at mapaglarong ngumiti sabay yakap nang mas mahigpit ulit sa akin.

"I can't breathe, Ace." Bahagya pa akong kumawala sa kanyang yakap. "...para namang mawawala ako sa sobrang higpit ng yakap mo." Sabay tawa ko pa. Pero nang tingalain ko siya ay mukhang tulog na talaga at bahagya pang naghihilik. Wala pa ako sa sariling napangiti at muli ko na lang ibinalik ang mukha ko sa kanyang leeg. Wala na. Baliw na talaga ako sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.





TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon