"Sa condo ng kasamahan ko sa office. Malapit lang din sa building ng Montenegro."

"Bakit kasabay mo si DM kanina?" Medyo matabang ang kanyang pagtatanong, pero bakas ang selos sa kanyang boses. Sino bang mag-aakala na ang isang tulad ni Dalton Ace Samaniego ay may pagseselosan?

"May kinuha siyang importanteng papel sa kasamahan ko sa opisina. Hindi naman niya alam na d'un ako nakikitira. Since papasok naman na ako ay isinabay na niya ako."

"Hmmm..." Hindi naman na siya nagsalita at napahugot lang ng isang malalim na buntong-hininga. "Ayoko na..." Binitiwan na niya ang kanyang kinakain na halos 'di man lang nangangalahati pa.

"Akala ko ba gutom ka?"

"Masama talaga ang pakiramdam ko. I would really want to lie down and get a proper sleep." Mariin ko lang kinagat ang aking labi at mas lalo akong na-guilty. Akalain ko ba... Hindi ko naman naisip na gan'un niya ako kamahal.

"Gusto mong umuwi na sa mansion?"

"I still want to be with you, pumpkin. Maybe we can-"

"Ace..." Alanganin pa akong napatitig at iba kaagad ang pumasok sa aking utak.

"I won't do anything. I just want to be with you. That's all. Please?" Paano ko ba siya tatanggihan kung wala din akong ibang gusto kung 'di ang makasama siya?

"Okay... where?"

"I'll have to ask Chance. They own a hotel." Mabilis pa niyang inilabas ang kanyang cellphone at agad na idinial ang number ni Chance. Kinuha niya ang isang kamay ko at pinagsalikop ang aming mga daliri. Namiss ko 'to. Ang simpleng paghawak niya ay nagdudulot nang kakaibang pakiramdam sa aking pagkababae.

Hindi ko na naintindihan ang pakikipag-usap niya kay Chance at masyado natuon ang aking atensyon sa mga kamay naming magkahawak. Ni minsan ay hindi ko naisip na magkakaganito siya dahil sa pagmamahal sa akin. At sa ginawa niya kanina ay ipinakita lang niya kung gaano niya ako kamahal. At kung paano siya handang gawin ang lahat para sa akin. Natatakot ako sa araw na malaman ng parents niya ang tungkol sa amin. Gusto kong panghawakan ang posibilidad na matanggap nila ako dahil naging mabuting kasambahay sa kanila ang nanang ko sa napakahabang panahon. Alam kong mababaw, pero gusto kong umasa sa nag-iisang rason na 'yun.

"Hey..." Bahagya pa akong napaigtad nang bigla siyang nagsalita.

"S-sorry..." Nag-init ang aking pisngi at hindi ko malaman kung anong tumatakbo sa kanyang isip sa pagkatulala ko sa mga kamay naming magkahawak.

"Stare at this face, pumpkin." Nakangiti pang sabi niya at mabilis pa akong hinalikan sa labi. Bahagya pa akong napaatras at napatingin sa paligid namin dahil nasa pampublikong lugar kami.

"Ano ka ba! Ang daming tao!"

Napaismid lang siya at walang pakialam na hinalikan ulit ako sa labi.

"Honestly, I wouldn't mind French kissing you with an audience."

"Baliw!" Tinapik ko lang siya sa kamay at bahagya pa akong hinila para tumayo na.

"Let's go." Napatango lang ako at sumunod sa gusto niyang mangyari.

Tulad ng kanyang gusto ay dinala niya ako sa hotel na pag-aari nila Chance. Sa façade pa lang ay wala na akong masabi sa sobrang garbo. According kay Dalton ay mayroon din silang pag-aaring hotel pero hindi naman niya ako maaaring dalhin doon dahil panigurado raw ay makakarating sa parents niya ang tungkol sa amin. Hindi ko alam kung kailan niya balak ipaalam ang tungkol sa amin. Gusto muna daw niya i-enjoy ang laya naming dalawa dahil sa pagkakakilala niya sa kanyang parents ay hindi magiging madali ang sitwasyon namin. Gayon pa man ay siniguro pa rin niya sa akin na kahit anong mangyari ay ipaglalaban daw niya ako at wala akong dapat na ikatakot. At iyon na nga lang siguro ang dapat kong panghawakan sa ngayon. Bahala na si Lord sa mga susunod!

Paglapit namin sa may concierge ay para bang nakilala na siya kaagad at nakuha pa talagang magpa-cute n'ung babaeng receptionist. Tiningnan ko ang reaction ni Dalton na himalang parang walang nakita at pormal lang na ngumiti. At mas gusto kong gan'un siya kaysa ang magpaka-friendly tulad ng dati. Selfish na nga siguro ako dahil ayoko na talagang may tatapunan siya ng tingin maliban sa akin. Ang nakakatuwa pa d'un, inakbayan niya ako at para bang proud na proud siya sa akin. Iniabot sa kanya 'yung card key n'ung suite at itinuro sa amin ang elevator.

Saglit naming binagtas ang daan patungo sa elevator at hindi ko maiwasan mapatingin sa sobrang kintab na floor.

"Ours is not as big at hindi naman kalayuan sa location ng hotel ni Tyrone." Sabi pa niya habang hinihintay magbukas ang elevator.

Nang magbukas naman iyon ay bumungad ang babaeng operator at matamis na ngumiti. Nakita ko ang simpleng pagsipat niya kay Dalton at hindi na nga siguro ako dapat masorpresa sa uri nang titig niya. Gwapo ang boyfriend ko. At iyon ang isang bagay na hindi mababago.

"Penthouse." Pormal na sabi lang ni Dalton sabay hapit sa aking baywang. Hindi ko naiwasang kagatin ang aking labi dahil 'yung ganitong intimacy ang namiss ko. Ang bango niya at gusto ko ng mahilo hindi pa man. "I am so sleepy... but now that we're okay, I think I can sleep all day." Hinalikan niya ang aking noo at hindi ko napigilang kiligin. Nakikita ko ang paninitig n'ung elevator girl sa reflection namin sa silver door at si Dalton naman ay nananatiling inaamoy-amoy ang aking buhok at ginagawaran ako ng maninipis na halik. Sorry na lang, girl. Dalton Ace is mine.

Sabay pa kaming napaigtad nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na agad naman niyang tiningnan pero sa huli'y binalewala lang din ang tumatawag.

"Bakit 'di mo sinagot?" Takang tanong ko pa.

"Si mama..." Napabuntong-hininga pa siya at inakbayan ako.

"Mama mo pala, bakit hindi mo sinagot?" Kumunot ako at umiling naman siya.

"I'll go home tomorrow. For now, I don't want any distractions."

Hindi naman na ako nag-react pa sa kanyang sinabi at sa tingin ko ay hindi ko naman mababago ang kanyang isip. At tulad niya ay gusto ko rin siyang makasama.

********

To be continued...



TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Where stories live. Discover now