Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa harap ko ang bagong estudyante. "Anong ginagawa mo dito?" mataray kong tanong sa kanya. Nag-shrug lang siya at bigla na lang naglakad paalis. Aba gago, mukhang nakinig pa yata sa usapan namin ni Jacob. Ano nga ulit pangalan niya? Eron, yes ,Eron Cabrera.


Pupunta sana ako sa kwarto ulit nila Pierce pero hinarangan naman ako ni Mr. Lee.


"Hindi ka dapat nandito. You should be resting right now," kalmado niyang sabi habang mahigpit na nakahawak sa braso ko.


"Resting? Wow, big word! Ulol ka ba? Paano ako makakapagpahinga kung may patay diyan sa loob?" pasigaw kong sagot. Medyo naninibago pa nga ako dahil namura ko siya. Pero di ko kasi kayang kumalma lalo na't may ganitong mga pangyayari. Pakiramdam ko dapat akong gumalaw... dapat may gawin ako. Dapat malaman ko lahat.


"I understand Arah, pero hindi makakatulong kung manghihimasok ka pa. Parating na ang mga pulis at bukas na bukas din, uuwi na tayong lahat kaya bumalik ka na sa kwarto niyo at magpahinga. Don't forget to lock your room."


Sarkastiko akong napangisi. "Paano kung ka-roommate ko pala yung killer? Edi ako naman ang papatayin ngayon? You know what, I don't understand you. Pierce was fucking murdered yet you're here, calm and still as shit as ever, Sir." Sabi ko emphasizing the word 'Sir'.


Umalis na lang ako at pumunta sa may lobby ng hotel. Doon ko naman nakita karamihan ng school mates ko even Emerie at Demi.


"Girl, saan ka ba nagsusuot? Emerie and I were looking for you kanina pa kaya," sabi ni Demi. Nag-shrug na lang ako at umupo sa tabi ni Emerie.


"Arah, natatakot ako," sabi ni Emerie at kumapit sa braso ko.


Hinimas himas ko ang likod niya para pakalmahin siya. "Bukas naman makakauwi na tayo eh. Wag ka na matakot," paninigurado ko pero sa loob loob ko, ayaw ko pang umuwi. Gusto ko malaman lahat ng nangyari... gusto kong makilala kung sinong pumatay kay Pierce at kung sinong gusting pumatay sa akin. Iisang tao lang kaya iyon?


I sighed out of frustration.


Nang mag madaling araw na, pinabalik na kaming lahat sa aming kwarto para makatulog na. Dumating na rin ang mga pulis at kinuha ang katawan ni Pierce for investigation. Kahit natatakot pa ang karamihan ay wala na silang nagawa kung hindi matulog dahil nangako naman ang mga pulis na babantayan nila kami.


Pero hindi ko magawang matulog. Kaya pasimple muna akong lumabas ng kwarto at naglibot libot, hoping na walang makahuli sa akin.


Habang naglalakad sa corridor ng 4th floor ay di ko maiwasang maramdaman na may sumusunod sa akin. Hindi ko magawang lumingon dahil baka salubungin ako ng saksak kaya tumakbo na lamang ako.


Narinig kong may tumatakbo rin sa likod ko at doon ko nasiguradong may sumusunod nga sa akin. Binilisan ko ang pagtakbo patungong elevator. Tinadtad ko iyon ng pindot para magbukas ang pinto. Pumasok ako sa loob at makakahinga na sana ako ng maluwag nang makitang pasara na ang pinto ngunit may kamay na humarang dito hanggang sa muli itong magbukas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The IncognitoWhere stories live. Discover now