Chapter 4

13 2 0
                                    

"Grabe naman, may pa flowers si Fredrick" pang-aasar ng pinsan ko. "Grabe naman magmahal ang bully"

"Jusko! Hindi ko pa rin malilimutan 'yung ginawa n'ya no'ng nakaraan do'n sa junior. Sarap talaga sakalin n'yang si Fredrick, ano? Kinutongan ko nga s'ya no'n!" Malakas na tumawa ang pinsan ko. "Nakakahiya kaya 'yon. Binuhusan n'ya ba naman ng pintura 'yung bata. Kawawa talaga."

"Sayo lang kasi mabait si Fredrick." Inamoy amoy ng pinsan ko ang bulaklak. Parang kulang na lang ipasok n'ya sa butas ng ilong n'ya 'yung bulaklak.

"Takot sa akin, eh." Pagbibiro ko.

Tatlong buwan na kaming nag-aaral dito at tatlong buwan na rin nagbibigay sa akin si Fredrick ng mga bulaklak. Laging ang pinsan ko ang kumukuha no'n. Ayaw ko naman kasing tanggapin lahat ng galing sa kan'ya lalo na't naiinis pa rin ako sa pang bbully n'ya sa ibang estudyante. Hindi katulad ni...

Feeling ko talaga nahulog na ako kay Jeff. Sin o man abi indi maluyag sa maalam kag mabuot nga tawo man. Ilang beses ko s'yang sinubukang lapitan pero para s'yang umiiwas sa akin. Ewan ko kung bakit kung anong lapit ni Fredrick sa akin ganoon naman ang paglayo n'ya. Baka gusto n'ya ako tapos tinakot s'ya ni Fredrick kasi gusto akong masolo ng isa. Joke! Pang wattpad na 'yung mga ganoon, eh.

"Jeff, pinapabigay ni Mrs. Polano. Mamayang hapon n'ya raw sana kukunin kung puwede." Nilapag ko sa arm desk n'ya ang mga papers na hindi ko alam kung para saan. Wala s'yang imik at hindi man lang ako tinignan. "Uhm...Jeff-"

"I'm sorry, Trissy. I'm busy." Agad n'yang kinuha ang mga papers sa arm desk n'ya at inayos ang mga gamit n'ya. Bago s'ya umalis ay tinanguan n'ya pa ako.

Palaging gan'yan. Tuwing sinusubukan ko s'yang kausapin ay gan'yan ang nangyayari. Hindi man sabihin ni Jeff na nilalayuan n'ya ako pero halata naman sa ginagawa n'ya. Tuwing lalapit ako ay lumalayo s'ya. Halatang iniiwasan n'ya ako pero hindi ko alam ang dahilan. Basi amo ato sya mang reject. Baw aguy man ba.

"Hoy, ba't ka tulala d'yan? Nag review ka ba? May test tayo mamaya sa calculus, ah." Tumango na lang ako. Naramdaman ko ang pag upo ng pinsan ko sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Nilayuan ka naman?" tumango ulit ako.

Nandito kami ngayon sa canteen. Dalawang linggo na ang nakakalipas simula noong huli akong lumapit kay Jeff. Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung bakit ganoon n'ya ako iwasan. Masama bang magkagusto sa kan'ya? Eh, 'di wow kung ganoon.

Sa loob din ng dalawang linggo ay para na akong makakagawa ng flower shop sa dami ng bulaklak na binibigay sa akin ni Fredrick. May mga kasama rin na mga letters na paulit ulit lang naman ang nakasulat, 'I admire you a lot, Trissy. I wish I also have your courage and kindness ;))'

Bumuntong hininga ako at kinain na lang malamig na spaghetti kong baon. Galing pa 'to sa birthday ng apo ng kaibigan ni Tita Bebeng kahapon. Binaon ko na lang 'yung take out ko. Kaysa naman kasi magluto pa ako. Mas masarap din kasi kainin ang libre. Hays, kung hindi ngayon nag-iisip ng ganito si Maria Tricidad, eh, 'di sana masaya kong kinakain 'tong spaghetti.

Nang matapos kumain ay niyaya ko na si 'insan pumunta sa library. May kailangan kasi kaming kunin do'n at saktong may inutos sa akin si Sir. Eustaquio, kunin ko raw ang papers sa desk n'ya at ibigay kay Jeff. Habang naglalakad kami ng pinsan ko ay biglang humarang sa harapan namin si Fredrick.

"Trissy..." tinaasan ko ng dalawang kilay si Fredrick, hinihintay ang sasabihin n'ya. Simula noong magparamdam s'ya na gusto n'ya ako ay mas lalo akong nainis at iniwasan s'ya. "Can we talk?"

"Naga istoryahanay na kita." (Nag-uusap na tayo).

"What?"

"Ano ba 'yon?" Gumilid ako at sumunod naman s'ya. Tinanguan ko si pinsan at sumenyas na mauna na s'ya. Nandito kami ngayon sa hallway at nakakahiya kung sa gitna pa kami mag-uusap. Nakatingin lang s'ya sa akin at parang hindi alam kung saan magsisimula. "Fredrick? Ano 'yon?" Mahinahon kong tanong.

"Ah-wala...sa susunod na l-lang." Agad s'yang umalis. Hindi ko alam kung saan ako magugulat, sa bigla n'yang pag-alis o sa pagtatagalog n'ya. Nakakain kaya 'yon ng tagalog candy? Ha ha ha corny.

Nagkibit-balikat ako at mabilis na humabol sa pinsan ko. Ewan ko kung anong trip no'n. Akala ko kung anong importanteng sasabihin. Pinauna ko pa 'yung pinsan ko. Eh, 'di, ngayon buhaghag na 'yung buhok ko kakahabol sa kan'ya. Baw nami gid manguga nonstop ba!

Nang mahabol ko ang pinsan ko ay agad ko s'ya hinawakan sa braso. Kumunot ang noo n'ya at pinasadahan ng tingin ang itsura ko. Bago pa s'ya mag tanong ay hinila ko na s'ya papasok sa library. Kinuha na namin ang dapat namin kunin lalo na ang papers na sinabi sa akin ni Sir. Eustaquio. Chamba na naman! Makakalapit na naman ako kay chupaps na Jeff.

"Bakit gano'n 'yung itsura mo kanina? Anong bang pinag-usapan n'yo ni Fredrick? Sinaktan ka ba n'ya? Tinakot? Pinilit?" Agad ko s'yang sinapo. Kinamot n'ya ang ulo n'ya at inayos ang buhok na nagulo. "Grabe naman ang physical language mo, physical attack."

"Sunod sunod tanong mo, eh. 'Di naman sampu bunganga ko para masagot 'yon ng sabay sabay." Inirapan ko s'ya at hinawakan ng maayos ang mga dala kong papers.

"Hindi nga sampu pero parang sampung bunganga ay pinagsama sa laki ng bunganga mo." Malakas s'yang tumawa. Babatukan ko pa sana s'ya pero agad s'yang tumakbo papasok sa classroom. Umirap na lang ako sa hangin.

Pagpasok ko sa classroom ay katulad ng first day of school ay tahimik pa rin ang mga kaklase ko. Malapit na ang sira klase pero parang kahit isang beses hindi ko sila narinig na nag-ingay. Laging bangayan lang namin ng mga butiking maasim na kampon ni Fredrick ang maririnig sa classroom pati na rin ang araw-araw na pag rrecite ni Jeff.

Walang palpak ang pag rrecite ni Jeff. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi s'ya naalis sa rank 1. Lagi ring bilib ang mga teacher sa kan'ya. Isang beses nga ay sinabayan ko ang pag rrecite n'ya pero hindi kinaya ng braincells ko ang nalalaman n'ya. The power of laging nagbabasa talaga, eh.

Lumapit na ako kay Jeff at nilagay sa arm desk n'ya ang mga papers. Katulad ng parating gawi ay hindi n'ya man lang ito tinignan at pati kung sino ang nag lagay. Pero sigurado naman na s'ya na ako ang nag lagay dahil ako lang naman ang nag bibida bidahan na mag bigay ng papers sa kan'ya na pinapabigay ng mga teachers. Wala, eh. Gusto kong malapitan s'ya. Sorry, bigaon lang hahaha

"Jeff, ito yung papers na pinapabigay ni Sir. Eustaquio. Wala naman s'yang sinabi na kung kailan mo isasauli sa kan'ya. Isauli mo kaya sa sira klase." Pagbibiro ko. Tumango lang s'ya, hindi man lang ngumiti. Kaloka naman 'to!

Uupo na sana ako sa upuan ko nang bigla kong matabig ang mga papers na nilagay ko sa arm desk n'ya. Pati s'ya guro ay nagulat kaya nabitawan n'ya ang librong hawak n'ya. Agad kong pinulot ang mga papers pati ang libro n'yang nahulog. Aagawin n'ya pa sana sa akin ang libro ngunit parehas kaming natigilan ng mga mahulog doon na lumang picture. Pinulot ko ang picture at gulat na tinignan s'ya.

"Shit." bulong n'ya.

S-s'ya ba 'y-yon? S'ya ba si...Jelo?

I Love You For So LongWhere stories live. Discover now