Chapter 1

20 2 0
                                    

"Welcome to Manila, Maria Tricidad!" Agad kong hinampas ng dala kong malong ang pinsan ko.

"Nanay mo blue!" Malakas s'yang tumawa. "Kulang na lang pati apelyido ko isama mo, eh."

Hinila ko na ang dala kong maleta at binitbit ang isa kong bag. Agad n'ya akong hinabol at kinuha sa akin ang bag. Kahit pala papaano ay may silbi itong pinsan kong 'di makautot, eh.

"Bakit ba ayaw mo na tinatawag sa pangalan mo? Mala pang sosyal na pangalan kaya no'ng araw 'yung name mo."

"Eh, 'di sana ikaw ang nag pangalan ng gan'yan." Hirit ko. Narinig ko ang malakas n'yang tawa. "Alam mo kung hindi lang kita pinsan baka nasaksak na kita. May dala ako ditong kutsilyo. Baka gusto mo subukan ko sa 'yo kung matalim ba o hindi."

Agad s'yang lumayo sa akin at tinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko. "Kahit kailan talaga ang brutal mo na bruhilda ka!"

"Portante indi du iras ya tsura parehos simo." (Importante hindi katulad sa 'yo na parang higad ang itsura.)

"Ah, wala na. Nag chinese na s'ya. Konichiwa, arigato!"

Dumiretso na ako sa labas ng airport. Sa wakas nandito na rin ako sa Manila. Natupad ko na ang isa sa mga pangarap ko. Sana nga maging mabuti sa akin ang Manila-

Malakas akong naubo nang mabugahan ako ng maitim na usok galing sa tambutso ng isang sasakyan. Pinagpagan ko ang damit ko na ngayon ay puro na alikabok.

"Hindi man lang pinatapos 'yung sasabihin ko. Hashtag grabe ka na Manila." Narinig ko ang malakas na tawa ng pinsan ko. "Okay lang at least hindi ako pabigat sa pamilya namin."

"Hoy! Gaga ka talaga!" Malakas akong tumawa. Bago pa ako sakitan ng tiyan kakatawa ay tinuro n'ya na sa akin ang daan papunta sa tricycle nila.

Hindi pa ako nakakalapit sa tricycle kung nasaan nakaupo at naghihintay si Tita at Tito ay alam kong makakarinig na ako ng hindi maganda. Naramdaman ko ang mainit na kamay ng pinsan ko sa aking braso. Tumingin ako sa kan'ya at tumango lang s'ya sa akin. Sabay kaming lumapit kanila Tita at Tito. Tinawag sila ng pinsan ko kaya agad silang tumayo at ngumiti sa anak nila ngunit nang dumapo ang tingin nila sa akin ay napawi ang ngiti ni TIta.

"K-kamusta po?"

"Trying hard mag tagalog? Umuwi ka na lang do'n sa probinsya at sabihin mo sa pala utang mo na Nanay na 'wag n'yang kalimutan ang utang n'ya sa amin."

Yumuko na lang ako. Ito rin naman ang inaasahan ko pag punta ko rito. Malaki ang utang ng magulang ko sa kanila kaya noong una ay nag dadalawang isip pa ako kung itutuloy ko ba ang pag punta dito sa Manila lalo na't wala akong ibang matutuluyan kundi sila.

"Ano ba 'yan, 'Ma! Imbes na salubungin mo ng maayos itong pamangkin mo, utang agad lumabas d'yan sa bunganga mo." Hinawakan ko ang braso ng pinsan ko para pigilan s'ya. Ayaw ko naman na mag-away sila para doon...lang.

"Kapal talaga ng mukha ng magulang mo, 'no? Lalo na 'yang Mama mo. Akala mo kung sino hahaha kung hindi sana s'ya umeksena sa buhay ng kapatid ko, eh, 'di sana abogado na 'yang tinatawag mong Papa."

"'Wag naman po kayong mag salita ng ganyan lalo na po kay Mama." Halos bulong kong sabi. Kung hindi ko lang kailangan ng matutuluyan ay baka nasigawan ko na si Tita. Iba kasing usapan basta nadamay na si Mama at Papa, eh. "Babayaran naman namin 'yung utang, Tita."

"Kailan? Kapag pumuti na ang uwak? Tsaka 'wag ka nga mag tagalog. Naiirita ako sa accent mo. Mana ka talaga sa Nanay mo na ambisosya!" Kinuha n'ya ang pamaypay sa dala n'yang shoulder bag at ipinaypay sa sarili. "Kaya siguro gusto mo talagang pumunta dito sa Manila para matawag mo na 'yang sarili mo na Manila Girl!"

"'Ma! That's enough! Kung ayaw mo respetuhin bilang pamangkin mo, respetuhin mo na lang bilang tao! Nakakahiya sa mga taong dumadaan!"

Sasagot pa sana si Tita ngunit bigla nang tumayo si Tito at kinuha sa akin ang maleta ko. Nilagay niya ito sa loob ng tricycle at pinasakay n'ya na kami. Patuloy lang sa pag kukwento sa akin ang pinsan ko pero kahit isa ay wala akong maintindihan. Para bang ayaw makinig ng dalawa kong tenga. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong unahin, isipan ba kung kamusta sila Mama at Papa doon o ang mga pinagsasabi ni Tita kanina. Gusto ko mang mabayaran agad ang utang namin pero hindi naman napupulot lang sa daanan ang pera.

"Kanina ka pa tulala." Tumingin ako sa pinsan ko at marahang ngumiti. "Hayaan mo na 'yon. Baka sinumpong lang ng kasamaan ng ugali kaya gano'n." Malakas s'yang tumawa.

Hindi ako nakisabay sa tawa n'ya. Pakiramdam ko kasi ang mahal ng bayad tumawa dito. Nang mapansin n'yang wala akong imik ay naupo s'ya sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa kwarto n'ya. Ayaw pa sana akong papasukin ni Tita dito pero nagsalita ang pinsan ko. Okay lang naman kung sa garahe ako...matutulog.

Nilagay n'ya ang kan'yang ulo sa balikat ko. Tahimik lang ako habang nakatingin sa family picture nila sa loob ng kuwarto. Bigla ko tuloy na-miss sila Mama. Ano kayang ginagawa nila do'n? Wala pa naman akong cellphone. Hindi ko sila macchat o text man lang dahil iniwan ko sa kanila ang cellphone ko. Baw ambot na lang. Tani ido na lang 'ko para malagaw lagaw lang 'ko sa karsada.

"Pasensya ka na kay Mama. Gan'yan talaga 'yan, eh. Imbes tuloy na maging masaya 'yung pag punta mo dito naging ganito." Bumuntong hininga s'ya. "Ay, oo nga pala! Bukas na 'yung enrollment. Same univeristy naman tayo ng papasukan kaya...alam mo na!"

Tumango na lang ako para matapos na ang usapan. Parang lahat yata ng energy ko naubos kanina. Gusto ko nang matulog dahil 'di naman ako nag pupuyat pero parang pakiramdamn ko kapag humiga ako sa kama nitong pinsan ko ang mahal ng bayad.

Pero sige, pakapalan na lang ng mukha. Galawang Maria Tricidad na lang. Babayaran ko na lang sila kapag nakapulot na ako ng isang milyon sa basurahan o 'di kaya makapag-asawa ako ng mayamang lalaki. Joke! Gold digger ang peg ni Ate gurl!

I Love You For So LongWhere stories live. Discover now