Prologue

21 3 0
                                    

"'Nak, tawag ka ni Jelo ho! Mahampang kuno kamo. Nan ha, puli duman di karon sa balay nga du iti bayu mo kay katilaw ka gid" ('Nak, tawag ka ni Jelo! Maglalaro daw kayo. 'Yan ha, uwi ka naman dito mamaya sa bahay na parang ipot ang damit mo dahil makakatikim ka talaga.) Hindi ko pinansin ang huling sinabi ni Mama at tumakbo na palabas ng bahay.

Agad kong nakita si Jelo na hawak ang favorite na laruan n'ya. Kumaway s'ya sa akin at nang makalapit ako ay agad n'yang piniga ang ilong ko. Malakas ko s'yang hinampas. Mag dapa gani ni akon ilong kug on ko gid ni sa bantay bala.

"May dala akong barbie para sa 'yo, Trissy." Inabot n'ya sa akin ang barbie pero hindi ko ito kinuha. "A-ayaw mo ba? Pangit ba? 'Di mo gusto?"

"Wa'y kami da pang bayad Jelo. Damo na kami utang kay Tita Bebeng, 'di ko na gusto madugangan amon kautangan." (Wala kaming pang bayad, Jelo. Marami na kaming utang kay Tita Bebeng, hindi ko gusto na madagdagan ang mga utang namin.)

"Bigay 'to ni Mommy, Trissy. I told her about you and when she left home yesterday she bought you a barbie." Dahan-dahan kong kinuha ang barbie na binibigay n'ya sa akin. "You are as beautiful as barbie."

"Tagalog ka na lang bi part. Bal an na nosebleed ya tawo sinagi ka man timo ya english english." (Mag tagalog ka na lang kaya part. Alam na nosebleed ang tao patuloy ka pa sa pag-eenglish.) Pagbibiro ko. Natawa na lang s'ya at nagsimula na kaming mag laro.

Si Jelo ay pamangkin ng kaibigan nila Mama. Balak daw magpatayo ng Tito ni Jelo ng school sa Manila kapag nakauwi na sila. Gusto kong mag-aral do'n dahil ang sabi ni Jelo ay malaking school daw 'yon at doon din s'ya mag-aaral. Nagbakasyon lang dito sila Jelo, gusto raw kasi sila ipasyal ng Tito n'ya.

Ang sabi ni Jelo ay isang tatlong buwan lang daw sila dito. Kasama n'ya raw ang Mommy at Daddy n'ya, Tito n'ya, at ang pinsan n'ya. Kahit kailan ay hindi ko pa nakita ang Mommy at Daddy n'ya pati na rin ang sinasabi n'yang pinsan. Hindi ko alam kung bakit hindi nakikipaglaro sa amin ang pinsan n'ya.

"Jelo, ngaa wa'y gahampang sa aton ang pakaisa mo haw?" (Jelo, bakit hindi nakikipaglaro sa atin ang pinsan mo?) Tanong ko habang nilalagay ang dahon sa palayok. Naglalaro kami ngayon ng luto-lutoan.

"Ayaw n'ya, eh. Mas gusto kasi no'n magbasa." Tumango na lang ako at tianaong kung anong order n'ya. "Isang sinigang nga po."

Nakakaintindi si Jelo ng hiligaynon. Nag-aral si Jelo ng hiligaynon para maintindihan daw ako pero hindi s'ya nakakapag salita ng ganoon. Kinilig nga ako noong nalaman ko na inaral n'ya talaga na makaintindi pero naalala ko bata pa pala ako.

"Aalis na kayo?" Lumapit ako kay Jelo na ngayon ay nag-iimpake na ng mga damit n'ya. Nandito ako ngayon sa tinutuluyan nila Jelo. Pinapasok n'ya ako kaya pumasok ako.

"Kailangan Trissy..." Nagtaka ako ng biglang umiyak si Jelo. Kinuha ko ang madumi kong panyo sa bulsa at binigay sa kan'ya. "Trissy...natatakot akong umuwi sa amin."

Kahit hindi ko alam ang nangyayari ay niyakap ko si Jelo. "Hipos na Jelo...malaw ay ka na karon kun gahinibi ka" (Tahan na Jelo...papangit ka n'yan pag umiiyak ka.) Hinaplos ko ang likod n'ya. Nang maramdaman kong tumigil na s'ya sa pag iyak ay umalis ako sa pagkakayakap sa kan'ya.

"Salamat Trissy." Ngumiti lang ako sa kan'ya.

Mamayang hapon na raw ang flight nila papuntang Manila sabi ni Jelo. Nandito kami ngayon sa harap ng tinutuluyan nila. Ayaw ko sanang umalis s'ya dahil wala na akong kalarong guwapo. Joke! Pero totoo nga hahaha ang guwapo ni Jelo. Kahit mag hapon pa kaming bilad sa araw ay mabango pa rin s'ya.

"Kapag pumunta ka sa Manila hanapin mo ako, ah. Kapag nasa Manila ka na at nahanap mo na ako liligawan kita tapos dapat sagutin mo ako tapos magpapakasal tayo." Marahan s'yang tumawa. Nakatingin lang ako sa kan'ya. "Gusto kita, Trissy. Pero hindi mo pa ako kilala. Sana kapag nakilala mo na talaga ako ikaw pa rin si Trissy."

"Kahit sino ka man tatanggapin kita. Ikaw 'yung kalaro kong sipunin na mabango, eh. Tsaka hindi ako magbabago. Kapag nagkita tayo sa Manila ako pa rin si Trissy."

Nang sumapit ang hapon ay nakita kong lumabas na ng bahay ang Mommy at Daddy ni Jelo pati ang Tito at pinsan n'ya. Hindi ko nakita ang mukha ng pinsan n'ya dahil naka hoodie ito at nakayuko habang nagbabasa ng libro. Basi madusmo s'ya, wa'y galantaw sa naagyan.

Nakita kami ng Mommy ni Jelo at kinuha n'ya sa dala n'yang bag ang isang camera. Halatang mamahalin iyon. Magkano kaya kapag isinangla 'yon? Ngumiti s'ya sa amin ni Jelo at pinagtabi kaming dalawa ng maayos.

"1...2...3...smile." Agad akong ngumiti sa camera. "Ayan, ang ganda ng kuha n'yo. Sige na, Jelo. Aaalis na tayo. Magpaalam ka na r'yan sa...crush mo." Narinig ko ang mahinang tawa ng Mommy ni Jelo

"Bye, Trissy. Hanapin mo ako sa Manila, ha?"

"Oo naman. Promise ko 'yan. Itaga mo 'yan sa sipon mo."

I Love You For So LongWhere stories live. Discover now