"Aayain ko siya. Pake ko kung ayaw niya? Basta ako gusto ko ro'n kaya wala naman siyang magagawa."

Ilang minuto pa kaming nagtagal sa pagligo. Dahil sa kadaldalan namin, inabot kami ng isang oras. Kaya nga lagi niya akong ginigising nang maaga.

"Ang ganda mo talaga, Mistress."

"Avalina na lang please. Weird kapag sobrang haba ng name ko. And oh! Thanks, ako na 'to syempre. Hindi puwede na hindi ako maging maganda."

Taaa ng confidence ko. Malamang katawan ni Avalina ang gamit ko.

Syempre nag-suot lang ako ng red dress, para agaw pansin. Bida-bida ako eh.

Mabuti na nga lang dahil 'yung mga damit nila rito ay pinaghalong maka-luma at maka-bago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mabuti na nga lang dahil 'yung mga damit nila rito ay pinaghalong maka-luma at maka-bago. Mga nilalang kasi sa labas puro maka-luma ang gamit, dito naman sa Human Realm, puro maka-bago. Kung gusto ko maging maka-Lola lalabas lang ako puwede na. Hindi pa weird ang mag-suot ng balabal. Hmp.

"Ako na ang bahala sa buhok mo, Avalina."

Tumaas ang kilay ko at pinag-singkitan ko siya ng mata, natawa siya dahil doon.

"Trabaho ko 'to kaya narararapat lang na ako ang gagawa."

"Pero kanina ayaw pa ako pasamahin, may balak naman pala na pagandahin ako."

See.

Sa sobrang comfortable ko sa kaniya, ang kulit na namin sa isa't isa. Madali kasi siyang asarin. Masarap asarin. Pero noong una ang hirap niya kausapin dahil hindi siya pala-sagot. Naiintindihan ko naman dahil puro kalokohan ang pinagsasabi ko.

"Ayos na," dumilat ako dahil sa narinig. Inaantok pa kasi ako.

Inayos ko ang pagkaka-upo ko at tumingin sa salamin na nasa harapan lang namin. Hindi ko mapigilan ang mamangha dahil sa ganda ng pagkaka-ipit niya sa buhok ko.

"May flowers pa 'yan sa likod, 'di mo nga lang makikita."

So simple but pretty!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


So simple but pretty!

Ang theme ko dapat ngayon ay badass style. Ang kaso nag-mukha naman akong anghel dahil sa pagkaka-style niya sa buhol ko. Pero ayos lang, bumagay naman sa red dress ko kaya thumbs up!

DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon