CHAPTER 19:

664 51 2
                                    

"Sigurado ka bang tutuloy ka pa, Mistress Eve?"

Hindi ko pinansin ang pang-sampung tanong ni Kwatro. Umirap ako at dumeretso na lang sa banyo, pero dahil si Kwatro ang katulong ko sa pagligo, sumunod din naman siya.

Simula nang magising ako, hindi na niya ako tinigilan na h'wag na lang daw tumuloy sa date namin ni Sebastian. Yes, alam niya dahil pinaalam ko pa sa kaniya before ako maka-tulog nang tuluyan. Kagabi pa niya ako kinukulit na huwag nang tumuloy, ang kaso tinulugan ko na siya. Pero dahil talagang makulit ang Lola niyo, hanggang sa magising ako, kinukulit niya pa rin ako.

"Huwag ka nang tumuloy, Mistress Eve. Hindi ka pa natitingnan ng Doctor. Paano kung may sakit ka tapos bigla na namang maulit 'yung nangyari kagabi mamaya?"

"Don't panic, Kwatro. Chill ka nga lang muna. Wala akong sakit kaya hindi ko kailangan ng Doctor, saka na ako magpapa-Doctor kapag nakaratay na ako sa higaan."

"Mistress Eve..." nag-aalala talagang pangungulit niya.

Natawa ako sa kaniya bago ko nilublob ang sarili sa bathtub. Simula nang malaman kong normal talaga rito na may katulong sa pagligo, hinayaan ko na lang. Minsan na nga lang maging mayaman at pagsilbihan, mag-iinarte pa ako?

"Sigurado--"

"Bakit ba 'yan ang topic? Ibahin mo nga dahil naiirita na ako sa topic na 'yan."

Kahit ako naman kasi ayaw ko talagang tumuloy, pero paraan ko na rin 'to para maka-labas nang malaya. Tipong hindi takas dahil alam naman ni Madame. Kaya ang tyansa na 'to ay hindi dapat pinapalagpas. Malakas naman ang loob ko kaya ako ang iisip ng ibang pupuntahan. Mema lang para mapuntahan.

May favorite place kasi rito si Mistress Eve and gusto ko 'yun puntahan. Gusto ko lang malaman kung same taste ba kami.

"Si Madame, nanggaling dito kanina. Kinuwento ko sa kaniya ang nangyari at wala siyang pakialam."

Umirap ako at natawa, "It's normal! Kahit naman ako walang pakialam kahit sa harap ko pa siya mawalan ng buhay."

"Hindi talaga kayo ayos sa isa't isa, Mistress Eve. Pareho naman kayong mabait," nagtatakhang tanong niya. Pinanood ko siyang kunin ang isang sabon. Sabon na talagang nakakapalambot ng balat. Hirap tuloy mag-decide kung magmamala-assassin pa ako o hindi na. Kawawa naman kasi balat ni Mistress Eve kapag nasugatan.

"McKenzie kami, normal ang ganiyan. Siya lang naman itong demonyita, ako naman ang karma niya."

"Pansin ko nga," bumuntong-hininga siya. Inabot niya sa akin ang sambot at syempre tinanggap ko naman.

Noong una gusto niya na siya ang mag-sabon sa akin pero hindi ako pumayag. Baka bigla akong mag-gay panic at mahalikan ko siya.

Ay.

Pero totoo naman, medyo bading ako sa nakaraang kong buhay as Tariana. Marami kasi akong nakaka-flirt na mga babae, babaeng kliyente. Minsan 'yung mga biktima ko, flirt bago tigok. Ganoon ako kumilos, and mas comfy pa nga ako makipag-landian sa mga babae kaysa sa lalaki. Maliban na lang kung pogi at bata ang target. Maganda ako kaya need ko talaga ang mataas na standard.

"Kailan mo balak bisitahin ang mga ka-grupo mo?" tanong ko sa kaniya habang sinasabunan ang sarili ko.

"Wala pa akong balak. Baka mahuli ako," mahina niyang sagot. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay dahil sa kakaiba niyang tingin. Bakla ba 'to? De joke. Straight pa 'to sa straight. End game niya si Singko, ang kaso pareho rin silang si kamatayan ang end game.

"Sumama ka saamin palabas mamaya, humiwalay ka kapag nasa Sentro na."

"Sa Sentro kayo mag-d-date?" excited na tanong niya.

DIFFERENTWhere stories live. Discover now