Chapter 8

1.1K 23 0
                                    

After what happened between Thunder and Lawrence, Lovelie, Nathalie, and I decided not to go to the bar for a while. We've all been busy with our personal lives. I'm currently at the Cove Architecture building, sorting out appointments for some of our clients. Ngayong araw na ito ang pinaka tanginang araw na naranasan ko.

"Gusto ko magpadilig sheyt" Sambit ko, Pabagsak ako umupo sa swivel chair ko.

Pinikit ko ang mga mata ko para sana makaiglip lang ako sandali. Ngunit hindi pa ako hinihila ng kaantukan ng biglang mag-ring ang cellphone ko kaya naiinis ako na nagpapapadyak bago ko kinuha ang cellphone ko sa coat na suot ko ngayon.

"Hello, Bakit?" Tanong ko mula sa kabilang linya.

"Gusto mo ba sumama sa amin mamaya? Ininvite kasi tayo ni Thunder sa bar nila"

Napailing nalang ako sa sinabi nito, hindi niya ba iniisip na nagsusunog baga na sila kakapunta ng bar at idadamay pa nila ako pagod na ako mag bar at maglasing lasing kung saan saan, mamaya ay mangyari na naman ang nangyari sa akin noon.

"Sige, pupunta ako. Hintayin niyo nalang ako sa parking lot, ok?"

"Sige sige, akala ko tatanggi ka e' o siya sige na babush na" Paalam nito sa akin.

Hindi na ako kumibo at pinatay na ang linya, ibinaba ko naman ang cellphone ko sa lamesa at isinandal ang likod ko sa upuan, Habang nasa malalim akong pag-iisip ay may kung ano sa parte ng utak ko ang binalik ang gabi na kasama ko si Thunder sa iisang kama.

Mabilis ako napailing at walang pasabi na pinitik ko ang sintido ko.

"Ano bang kababalaghan ang naiisip ko ngayon?!" Inis na sabi ko sa sarili ko.

"IVY!!! SALAMAT AT NAKITA KA NARIN NAMIN!" Sigaw ni Nathalie at nagtatalon.

Itinaas ko ang gitnang daliri ko sa kanilang dalawa ni Lovelie biglang pagbati sa kanilang dalawa. Narinig ko ang malakas na pagtawa nI Lovelie sa ginawa ko hindi rin nag dalawang isip ang dalawang bruha at sinalubungan din ako ng mga daliri nila nakapakyu sa akin.

Natatawang napailing at ibinaba ko naman ang kamay ko. Nang makalapit sa kanila ay mabilis akong hinampas ni Nathalie ng shoulder bag niya dahilan para murahin ko siya ng malutong.

"Ikaw! bat' ngayon ka lang nagpakita sa aming dalawa?!" Sigaw na patanong sa akin ni Nathalie.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Ikaw kaya magtrabaho sa kumpanya tutal gago ka, tsaka tinatamad din ako lumabas sis at sa lahat nagbabagong buhay na ako" Panggagago ko sa kanilang dalawa.

"Wehh!!" Parehas na sigaw ng dalawa dahil sa huling sinabi ko.

"Mga pakyu kayo! Nagbabagong buhay na sana ako kung hindi kayo nagtawag mga hinayupak kayo!!" Gigil na gigil na sabi ko.

Malakas na tumawa yung dalawa at pagkatapos ay inamoy amoy ang pagkatao ko.

"Nangangamoy Ivy na hindi nadiligan kaya mainit ang ulo" Pang-iinis na sabi ni Lovelie.

"Oo nga, Amoy Ivy na dalawang linggong walang dilig" Pang-iinis din na sabi ni Nathalie bago nagtawanan.

Sa inis ko ay hinablot ko ang hibla ng buhok nilang dalawa gamit ang dalawa kong kamay at tsaka sila pinag-untog na dalawa.

"Aray naman!!" Daing nilang dalawa sa akin.

"Tinawag niyo ba akong dalawa para lang inisin? Dahil kung oo, mas magandang babalik nalang ako sa condo ko para masimulan ko na kayong kulaming dalawa"

Lustful LoveWhere stories live. Discover now