Chapter 4

1.4K 29 0
                                    

"Welcome to Philippines!!" My joyful scream.

Ang saya na makita ko muli ang lugar kung saan ako lumaki kung saan talaga ako nakatira. Habang naglalakad kaming apat na magkakaibigan palabas ng airport ay hindi namin mapigilang mapangiti dahil sa namiss rin namin yung hangin sa Pilipinas, Yung mapapasabi ka nalang ng "Hayop na hangin yan mainit din ang singaw".

"Paano ba iyan kita-kita nalang tayo" Nakangiting sabi ni Stephany.

"Call ka nalang namin kapag hahanap kami ng fafa" Pagbibiro ko.

Natatawang napailing si Stephany sa sinabi ko hindi nagtagal ay pumasok na kami sa kaniyang-kaniya namin sasakyan. Ilalagay ko muna ang mga gamit ko sa condo ko bago ako pumunta sa bahay nila Mom and Dad paniguardo ay namimiss na ako ng dalawang matanda na iyon. Ayaw ko muna sila tawagan para surprise, May surprise ba kasi na pinapaalam?

Nasa gate ng subdivision na ako ng harangan ako ng dalawang hot na fafa na security guard. Nang maglakad ang isa sa kanila ay binuksan ko ang bintana ng kotse ko at tinignan ang security guard. Mukhang na-starstruck ata si kuya mo security guard sa akin dahil hindi nakapagsalita ang gago.

"Magsasalita ba kayo o papasok na ako?" Tanong ko.

"S-Sorry Ma'am" Paghingi nito ng paumanhin.

Isang tango lang ang tinugon ko sa sinabi niya. Marami siyang tinanong sa akin kung sino raw ako at sino raw ang bibisitahin ko para raw tawagan nila para mai-confirm ngunit pinaliwanag ko sa kanila na surprise ang gagawin kong pagbisita sa mga magulang ko. Noong una ay ayaw nilang pumayag dahil nga raw sa ngayon lang nila ako nakita.

"Sa gandang ko na 'to gagawa ako ng krimen? Kayo naman mga kuya" Pangga-gago ko.

Napakamot nalang ng ulo yung isang security guard at pumayag din naman sa huli. Nang makapasok na ako sa subdivision ay bumabalik sa akin ang mga alaala noong mga bata pa ako. Naalala ko tuloy yung crush ko noon na kapit bahay namin noon, Crush na crush ko iyon to the point na gusto na namin magtanan at the age of 6 years old. Diba maaga lumantod ang lola niyo.

Nang huminto ang kotse ko sa tapat ng bahay namin ay napangiti ako dahil halatang hindi pinabayaan ni Mommy at Daddy ang bahay dahil mukhang bagong-bago parin ang pintura sa labas ng bahay at ang mga halaman ay halatang alagang-alaga sa dilig. Sana all, Lord baka naman oh gusto ko rin magig halaman yung tipong saganang-sagana ako sa dilig. Charet lang.

"Mommy, Daddy"

Pagtawag ko sa kanila. Nakabukas ang gate namin kaya naman pumasok na ako. Nang tignan ko ang garden ay halatang nandoon silang dalawa dahil naririnig ko ang mga masasayang pagtawa nila.

"Ikaw naman love" Rinig kong tawa ni Mommy.

Nang silipin ko sila ay ganoon na lamang ang pagngiti ko nang masilayan sila na naghahabulan habang binabasa ni Daddy si Mommy ng tubig na nagmumula sa hose hindi ko mapigilang maluha sa mga nakikita ko. Sobra ko sila namiss lalo na ang mga ganitong paglalaro namin noong bata pa ako.

"I-Ivy, Anak?"

Naiiyak napatingin ako kay Mommy nang tawagin niya ang pangalan ko. Nanatili parin ako sa kinatatayuan ko at hinahayaang umaagos ang mga luha ko hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang mahihigpit na yakap sa akin ng magulang ko hindi ko mapigilang mapahagulhol ng makita ko na umiiyak silang dalawa at naramdaman ang yakap ng isa't-isa.

"Bakit hindi ka man lang nagsabi na darating ka?" Tanong ni Daddy sa akin.

"Kapa sinabi ko edi hindi na iyon surprise at walang ganitong mangyayari" Natatawa na sabi ko.

Nang maghiwalay kami sa pagkakayakap ay panay pa rin iyak si Mommy at nakayakap pa ito sa bewang ko. Yinakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ito sa noo nang tignan ko si Daddy ay nakangiti lang ito na nakatingin sa amin ni Mommy at pasimpleng pinupunasan ang luha nito.

Lustful Loveजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें