CHAPTER 35

169 6 0
                                    


             SOMEONES POV

Habang naghahanda si lexy para sa concert na a attend dan nila ni greg, namili pa sya ng damit, inihanda na nya ang maleta para sa byahe nila papuntang maldives .

August 10 ngayun, eto ang pina importante at memorable na araw para kay lexy, naka usap nya ng isang beses si greg noong isang linggo, kahit kaunting oras lang iyon, ay masayang masaya na sya.

Dahil nga mahal na mahal nga ni Lexy, si greg kahit ano ay gagawin nya, nasa Araneta na sya, nag aantay lang sya sa labas, mga ilang minuto pa sya doong naka tayo.

Ngunit ng malapit na ang oras ay, lungkot nyang pinasok ang Araneta,
Napawi ang sayang kanina nya pa dala, napalitan eto ng lungkot at pagka dismaya .

Nag simula na ang concert ng paborito nyang kpop boy group na Exo , masaya sya, pero yong sayang may kulang ,...

Habang sumasabay sa hiyawan at kantahan, sa isang kanta sya naging emosyonal nong kinanta na ng Exo yung DON'T GO habang sumasabay sya ng wagayway ng lightstick nila at sumasabay sa kanta.

Bigla syang napa hikbi, at di mapigilang maiyak, dahil damang dama nya ang laman neto.

Napa pahid nalang sya sa mga luhang kanina pa sunod sunod na tumolo.
Pero kahit ganun ang naramdaman nya ay gusto nya pareng e enjoy ang sandaling iyon.

Nang matapos ang concert, agad nyang pinapunta si kelly sa bahay nya.

"Oh! ano yan? mag iinom ka?"
sabi ni kelly ng magdala eto ng paborito nyang Soju at bbq na pulotan.

" Obvious ba!"
sabay upo

" Pinapunta mo lang ako dito para mag inom? bes, may work pa ako bukas, kelangan kong matulog ng maaga!"
  reklamo ni kelly , na agad naman natahimik si Lexy.

" Sige, umowi ka na lang, sanay naman akong mag isa"
sabay bukas sa isang bote at nilagok eto.

" Bes, wag ka namang ganyan,wag mong hayaan ang sarili mo, remember you are strong! tama na yan!"
awat nya dito

" Ok lang, masasanay din ako, alam ko naman na eto n talaga yung reality, and besides kanina nga mag isa lang ako sa concert, ok naman ako.. so ... ok lang na mag isa olit ako,. sige na umowi kana"
    emosyonal nyang sabi.

" Hay! naku, bat di ko kasi kausapin si greg! "

" Tanga! kaba paano mo kakausapin yung wala! ne sa anniversary nga namin di nya magawang puntahan ako, alam mo kelly durog na durog na ako, diba sabi mo malakas ako, pero bakit feeling ko  ang hina hina kong tao! "
   garalgal na tinig ni Lexy , di na nya kayang pigilan ang emosyon nya.

" Baka busy sya, alam mo naman ang trabaho nya diba! "

" Oo alam ko, (sabay inom)... Ginogle ko pa nga eh- pero kahit naman siguro kahit anong busy nya may time pa naman sigurong tawagan nya ako.. balitaan nya ako kong anong nangyari sa kanya, oh! di kaya e text nya ako , kahit isang text lang sa isang araw.. yun lang ang hinihiling ko bes! pero bat parang ang damot,.. bat ang damot damot nya feeling ko tuloy, wala na syang pake sakin"
  sabi nya habang umiiyak

MARRYING BIG BOSS Место, где живут истории. Откройте их для себя