CHAPTER 29

184 10 0
                                    

SOMEONE'S POV

Pagdating ni Greg sa Mindanao, dumiretso na sila sa isang camp doon. Ngunit wala masyadong Signal doon dahil sa kadahilanang Nasa bundok eto, pag kelangan nya ng Signal kelangan nya pang pumunta sa City.

Habang nag hahanda sya para sa Meet nila ng isang batikang Commander ng Rebelde, ponayuhan sya ng isa sa mga General doon na mag ingat dahil napaka hirap paki usapan ng taong iyon.

Kaya naman pinlano ng maayos ni Greg ang gagawin, Lalo na sa pamama raan nya ng pagsasalita, Sinabi nya ding di sya mag dadala ng Maraming sundalo dahil di naman gyera ang pupuntahan nila.

Habang hinihintay ang order sa taas Sinamahan muna nila ang medical team para sa mga Libreng check ups sa mga mamamayan doon.

Naka bantay lang sila sa paligid, isang Linggo ang itatagal nila dito, nasa bundok kasi eto at maraming mga tao doon na mga Lumad na kulang sa Medical check up.

Habang nakatayo si Greg sa May kahoy biglang lumapit si Lorraine.

" Greg, "

tawag sa kanya ni Lorraine pero di nya eto pinansin dahil galit na galit sya dito.

" Greg alam kong galit ka sakin, Im so sorry sa nangyari kay Lexy di ko naman sinasadya-"

Ngunit di sya pinapansin ni Greg, kaya lumapit sya dito at hinawakan ang kamay nito, pero agad namang inalis iyon ni Greg.

" Masaya kana ba ngayun Lorraine? Pinatay mo ang anak ko, Sana naman makaya ng Konsensya mo!"

" Greg, i told you di ko sinasadya, at nag sorry naman ako"

" Bakit maibabalik ba ng Sorry mo ang anak ko??"

" Greg, Please give me a chance after natin dito mag so sorry din ako kay Lexy at i promise na di na ako manggugulo sa inyo"

Ngunit umiwas sa kanya, pagka alis ni Greg, ngumiti agad si Lorraine

" Dont worry greg , makukuha ko rin ang loob mo, syempre i must endure this hanggang sa makuha na talaga kita"

Sabi ni Lorraine at bumalik na sa pwesto nya, ng gabi na habang kumakain sila lumapit na naman sya kay Greg.

" Hai- you must be Paolo"

" h-ha? oo ako nga!"

" And chase? tama ba?"

tumango lang si Chase sa kanya.

" May dala akong food para sa inyu, sayang kasi eh di ko maubos "

" Ahh busog pa kasi kami ehh thank you nalang Lorraine"

Dagdag pa ni Paolo

" Wow! mukhang masarap yan eh- "
kurt

" Sayo nalang to, busog pa sila eh-"

sabi ni Lorraine sabay ngiti dito.
bawat galaw ni Lorraine alam nya kong anong gusto nyang mangyari.

kinabukasan pumunta sila sa isang liblib na lugar, linakad lang nila ang papunta doon dahil nga di makaka pasok na kahit anong sasakyan.

Sa may sapa na sila, kelangan nila doong tumawid pero kelangan maingat dahil malakas ang agos ng tubig.

Isa isang inalalayan ng mga sundalo ang mga doctor pati narin ang mga nurse na kasama neto.

Pero si Lorraine nagpa plano na naman para maging malapit kay Greg.

Habang nasa tapat na sya ni Greg sa kalagitnaan sa sapa, bigla nyang itinumba ang sarili

" Ahh!"
sigaw nya habang naanod agad namang lumusong si Greg para sagipin sya.

" Greg help me!"

Inabot ni Greg ang kamay niya kay Lorraine at agad naman kumapit doon si Lorraine.

MARRYING BIG BOSS Where stories live. Discover now