CHAPTER 30

194 11 1
                                    

SOMEONES POV

Nakatingin lang sa malayo si Lexy, habang maka upo sa may bandang terrace , nasa bahay sya ng kanyang mga magulang , kakauwi nya lang galing sa hospital.

Pilit na linalabanan ang sakit na nararamdaman nya, lalo na ngayun ay mag isa lang sya, puno ng Pagsisisi sa sarili ang nadarama nya.

Kong di nya Pinatulan Si Lorraine ay baka buhay pa ang kanyang anak, pilit na inaaliw sya ng magulang nya ngunit mas gusto nya lang mag mokmok sa isang tabi, gusto nya palagi ng tahimik ayaw nyang magulo ayaw nya ng maingay.

Minsan napapagalitan na nya ang kanyang mga kasambahay dahil sa pagka inis nya sa mga eto, kunting mali lang eh, Binobulyawan na nya eto.

Napansin na eto ng mga magulang nya kaya nag aalala na sila sa Anak nila, gusto na nilang mabalik ang dating masigla at masayahing Lexy.

Isang araw pinapunta ng magulang nya si Kelly doon, para pakiusapan na lumabas muna kahit saglit.

Pagdating doon ni kelly, as usual nasa kwarto lang sya naka higa naabutan nya pa etong nagpunas ng luha.

Pagka kita ni Lexy kay Kelly agad naman nya etong niyakap.

" Na miss mo ako?"
tanong ni kelly

" Oo naman , ikaw pa, mukhang busy kana ngayun dahil hired kana agad"

" Kaya nga sabi ko sayo , mag apply kana din sa company na tintrabahoan ko, para naman di masayang yung Pagka High Rank mo at Topnotcher kapa ah- remember! kaya ano na!"

Umiling si Lexy, ayaw nya pa talagang mag work, gusto nya pag nag work sya eh, buo na ang loob nya para sa trabaho.

" Ehh, labas nalang tayo nood nalang tayo ng Sine"

" No"
umiling si Kelly

" Sige na please!"

" Sorry"
matipid nyang sagot

" Sige na Lexy, sayang naman yung pag punta ko dito tapos di mo ako sasamaahan"...

" Sorry Kelly, next time nalang"

" Bakit kaba ganyan ha! di na ako natutuwa sa asal mo ah! -"

umiwas ng tingin si Lexy, pati rin sya ay di nya alam ang sagot kong bakit sya nagkaka ganun..

" Try mo naman i Lift up yung sarili mo! ayan na nagagalit na ako sayo"

" Bakit ba"

" Ikaw kasi!... "
maiiyak na si Kelly

" Oh! bat ka iiyak , parang tanga to! "

" Di na ako natutuwa sa Ginagawa mo ah, sana gawin mo nalang to di na para sakin , di para sa parents mo, kong di para kay Greg, na alam kong sabik na rin yun na makita ka! "

Biglang nalungkot si Lexy.

" Eh, kong sabik sya bakit ni tawag wala man lang akong natatanggap? "

natameme si Kelly sa sagot ni Lexy

" Ehhh! baka busy sya, oh di kaya walang signal dun!.... sige na samahan muna ako may binili na agad akong tickets! sige na sayang naman to, kong di ka sasama di narin ako manonood! "

" Marami ka namang pera, babayaran ko nalang yang isa"

" Lexy Lorren! "

Pagalit na sabi ni Kelly, at hinila nya eto papuntang banyo

" Ano kaba? "

" Ano ako? best friend mo na nag aalala sayo, sige na maligo kana ang baho mo na!"

" Di kaya!"

MARRYING BIG BOSS Where stories live. Discover now