Prologue

10 0 0
                                    

Ramdam ko ang hangin, na amoy-ulan at ang mga ulap ay tila mga patak ng alikabok. Sa aking pag dungaw, isang eroplanong bumulusok sa himpapawid, agad sumagi sa aking isipan ang kanyang imahe.

Nang lumipad ang eroplano at ikinubli ng mga ulap, hindi na ako nagdalawang-isip habulin ito. Mabilis ko itong sinundan, kahit na ako ay mapagod. "Wala akong pake kahit mapagod ako." isip-isip ko. Hinabol ko ito ng hinabol, na tila ba ito ay nauukit sa mga pakpak ng lumilipad na sasakyan.

Ngunit habang patuloy akong umaasa at nagpapakahirap na sumunod, napagtanto kong hindi ko na kaya.  Napagod, nanghina, ngunit hindi pa sumusuko. Tumigil ako saglit, pero sige. Takbo ulit tayo.

Sa gitna ng paghabol ko, naramdaman ko ang paglamig ng simoy at ang pagkapos ng aking hininga. Napagtanto ko din na hindi lang ito tungkol sa paghabol sa isang eroplano. Kundi tungkol sa paghahabol sa babaeng aking inaasam.

"Di ko na kaya", wika ko, at naramdaman ko ang mga luha sa aking mga mata. Nagpasya akong itigil ang pagtakbo. Sa sandaling iyon, tumingin ako sa aking paligid; katahimikan ang bumalot. "Sana, pala ginawa ko na." . Tumingin ako sa kalangitan, at sa paglipas ng mga sandali, unti-unting ko naramdaman ang paninikip ng puso.

"Sayang, hindi ko na habol ang eroplano."

My Girlfriend is a PhotographerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ