Chapter 6 Literature and Photography Club

28 2 2
                                    

"Jonathan, okay ka lang?" sagot ni Grace sa akin ng hindi ako sumagot sa kanyang nakakagulat na tanong. 

Nang tanungin niya kasi ako, nawala ang ngiti sa aking mga mukha. Hindi ko alam kung ano ang tamang isasagot ko sa kanyang tanong. Nag-aalala ako na baka mas lumalim ang kanilang ugnayan ni Vince. Lalo na't, naalala ko muli ang mga sinabi ni Vince sa akin sa canteen.

Siyempre, ayaw ko naman magsinungaling o magpanggap na hindi ko siya pinsan. Para naman akong walang itlog nun. Sa halip, sinabi ko sa kanya ang katotohanan sa partikular na isyung iyon. Tingin ko kasi, narinig at nakita niya kami ni Vince. So, wala akong takas para itanggi pa yun tanong niya sa akin.

Maari ang solusyon ay ilakad ko unti-unti ang aking mga paa palayo sa kanya. Ngunit, ang bastos naman tignan kung ganon ang aking gagawin. Kaya naman, sumagot ako ng maayos sa kanyang biglaang tanong sa akin. 

"Oo, magpinsan kami. Bakit mo naman natanong?" yun ang sinagot sa kanya.

"Wala lang, napansin ko lang na magkahawig kayo ng mata." tugon niya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata

"Talaga ba?" sagot ko sa kanya habang nakangisi, tapos tiniklop ko ang aking hinlalaki at tumunog ito.

Lumalabas sa kanyang sagot na wala siyang alam sa nangyari sa canteen. Hindi niya alam ang tunay na kaganapan. Siguro nga, nag ooverthink lang ako ng malala. Kaya naisip ko na, narinig niya ang usapan namin ni Vince.

"Saang side? Father or mother?" dagdag na tanong niya sa akin

"Sa mother ko, kapatid niya kasi si tito John" tinitigan ko siya na kasalukuyang sinusuklay ang kanyang straight na buhok gamit ang mga maninipis na daliri.

"Ah, ganon ba. Pero, walang nabanggit si Vince sa akin patungkol diyan" 

Inatake ako ng kakyuryosidad at nagtanong sa kanya "Magkakilala kayo ni Vince?". Inangat ko ang aking mga kilay, na kunwari di ko alam na may ugnayan sila. Medyo naiinis na kasi ako.

"Ganito kasi iyan, Jonathan." sabay titig sa aking mga mata. Hinubad ko ang aking mga salamin, at lumapit ako sa kanya. Para lalo kong marinig ang kaniyang mahinang sopranong boses. 

"Naalala mo noong registration ng Photography Club

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Naalala mo noong registration ng Photography Club. Pumunta ako sa kanilang kwarto. Pagkatapos non, isa-isa kami nagpakilala. Siya kasi, matagal ng member ng Photography Club; Pioneering members kumbaga. Simula pa ng magenroll siya sa Central High School. Naisipan nila ni Angela na gumawa ng Photography Club para sa mga magaaral na interasado dito."

Nagulat ako sa kanyang mga sinabi. Hindi ko alam, na ang pinsan ko palang tolongges ang may pakana ng Photography Club. Ang akala ko, wala siyang pake sa mga bagay-bagay. Akala ko, ang alam niya lang ay maglaro ng video games. Yun pala, may tinatago din palang talento sa Photograpiya.

Pagkaraan ng ilang minuto na kami'y naguusap, nagring ang bell. Tumindig si sir Gino mula sa kanyang inuupuan. Sabay binuka niya ang kaniyang mga bibig.

My Girlfriend is a PhotographerWhere stories live. Discover now