Chapter 4

0 0 0
                                    

Simula noong mangyari sa mall ay nagbago na ang lahat. Dalawang linggo na ang nakakalipas ngunit parang hangin na lamang si Cassandra sa mga mata ni Clyde . Dadaanan na lamang siya na para bang hindi siya nakikita at kung minsan laging hating gabi na ito kung umuwi at ang lalong nagpapasakit kay Cassandra may dinadala itong babae ngunit hinahayaan niya na lamang.

"Ano ang plano mo ngayon?" tanong ng ni Kristal. Pinaliwanag ni Cassandra ang lahat sa kaibigan dahil ito lang naman ang masasabihan niya ng mga problema niya dahil ang mga magulang niya ay hindi man lamang siya kinakamusta kong ayos lang ba siya o hindi.

"Titiisin ko na lang. Wala eh, mahal ko 'yong tao." sagot niya sa kaibigan napahinga naman si Kristal nang malalim at magsasalita na sana ito ngunit biglang tumunog ang cellphone ni Cassandra. Tiningnan niya ang caller Id at nakita niyang number lang ito ngunit kilala niya na kung sino ito. Agad siya tumayo at nag paalam kay Kristal na sasagutin niya lamang ang tawag pumunta siya sa cubicle at agad na sinagot ang tawag.

"I need you." bungad niya agad dito at bumuhos na ang mga luha na matagal niyang inipon at pinigilan.

[Shhh... Stop crying alam mo naman na ayaw na ayaw ko na umiiyak ka.]

"Kailan ka ba babalik dito? Wala na akong karamay simula noong umalis ka at iniwan mo ako!"

[Sorry princess hindi na ako makakabalik diyan dahil hindi ako pwede bumalik diyan hanggang hindi pa maayos ang lahat. Pasensya ka na nadamay ka pa basta kapag hindi mo na kaya sabihin mo lang sa akin kukunin kita at ilalayo sa kanila.] huling saad ng nasa kabilang linya at pinatay ang tawag napahagulgol na lamang si Cassandra hanggang sa marinig niya ang boses ni Kristal mula sa labas ng cubicle at kinakalampag ang pinto.

"Cassandra ayos ka lang ba? Nasa labas si Elias, Ken, at Kenneth hinahanp ka." agad pinunasan ni Cassandra ang kaniyang mga luha at binuksan ang pinto.

"Nandiyan- omy god umiyak ka ba?" Sinabi na lamang ni Cassanda na napuwing lang siya ngunit alam niya na hindi naniniwala ang kaniyang kaibigan. Lumabas sila sa kinaruruonan nila at dumiretso sa parking lot dahil doon nag hihintay ang mga kaibigan ni Clyde.

"Bakit kayo naparito? At paano niyo nalaman na nandito ako?"

"sinusundo ka lamang namin." sagot ni ken.

"Umuwi na kayo hindi niyo na dapat ako hinahatid sundo pa." aniya ni Cassandra at iniwan ang tatlong lalaki at ang kaibigan niya. Nakasulyap lamang sina Elias, Ken, Kenneth at Kristal sa papalayong  si Cassandra susundan na sana ng tatlong lalaki si Cassandra ngunit pinigilan sila ni Kristal.

"Naaawa na ako sa kaibigan ko." malungkot na saad ni Kristal bago niya iniwan ang tatlo samatalang silang magkakaibigan ay sumakay ng sasakyan upang pumunta sa company ni Clyde. Nang makarating sila sa company ni Clyde agad sila pumasok sa building at pumunta sa office ng kaibigan ngunit agad na hinarangan sila ng secretary ni Clyde at sinasabihan na huwag pumasok sa loob.

"Ano ba?! Bakit ayaw mo kami papasokin!" tanong ni Ken at inalis nito ang babae na nakaharang sa kanila at agad na binuksan ang office ni Clyde at pumasok sa loob kahit na sobra nagulat sina Kenneth at Elias samantalang si Ken walang emosyon na nakatingin lamang kay Clyde dahil may kahalikan si Clyde na babae at naka kandong sa mga hita nito ang babae. Hindi sila tumitigil sa paghahalikan kahit na nakabukas na ang pinto ng office hanggang sa bigla na lamang may narinig silang bagay na nahulog na naging dahilan kaya tumigil ang dalawa sa paghahalikan. Napatingin ang tatlong lalaki mula sa likod nila at ganoon na lamang ang gulat nila noong makita nila si Cassandra.

"Hindi mo na sana ako pinapunta pa rito kung ipapakita mo lang sa akin ang pakikipag halikan mo sa babae mo! Kung dahilan mo para saktan ako ulit congrats sobrang nasaktan ako. Masaya ka ba sa sorpresa mo sa akin? Ako kasi sayang-saya ako sa sobrang saya ko nga wala na ako masabi pa." Saad ni Cassandra at agad niya pinunasan ang luhang pumatak mula sa kaniyang mga mata at saka ito tumakbo palayo ng office habang umiiyak.

Samantalang si Clyde agad niya tinulak ang babae na naka kandong sa kaniya at hahabulin niya na sana si Cassandra ngunit agad siya sinuntok ni Ken.

"Isa kang tarantadong hinayupak ka!" galit na galit na sigaw dito ni Ken samantalang si Kenneth ay lumapit na rin kay Clyde at sinuntok ang kabilang pisnge nito.

"Tangina mo!" sigaw ni Kenneth gustohin man ni Elias tulongan ang kaibigan at awatin ang kambal hindi niya ginawa tumakbo siya palabas ng building nagbabakasakali siya na makiki niya si Cassandra ngunit hindi niya na ito nakita pa.

"Nakita niyo ba &yong babae na umiiyak na lumbas dito?" tanong ni Elias sa security guard.

"Opo, kakasakay lamang niyaa sa taxi." sagot nito. Agad na sumakay si Elias sa kotse para hanapin si Cassandra ngunit inabot na siya ng gabi hindi niya parin nakikita ang dalaga kinuha niya ang kaniyang cellphone para sana tawagan si Kristal ngunit agad na may tumawag na unregistered number sa kaniya kahit hindi niya ito kilala agad niya ito sinagot nagbabasakali na si Cassandra iyon.

"Hello? Sin-" hindi pa natatapos ni Elias ang pagsasalita ng bigla na lamang nag salita ang masa kabilang linya.

[Nasa isang park si Cassandra na malapit sa bahay ng asawa niya puntahan mo na siya roon dahil baka kung anong mangyari sa kaniya.] hindi kilala ni Elias ang nasa kabilang linya ngunit naglakas loob ito na magtanong muli.

"Paano mo nakilala si Cassandra? Sino ka?"

[Hindi mo na kailangan malaman kung sino ako. Basta isa ako sa taong iniisip ang kapakanan ni Cassandra.] Saad ng nasa kabilang linya at namatay ang tawag walang pagdadalawang isip na pinuntahan ni Elias ang sinabi ng caller sa kaniya. Minuto lamang ang lumipas noong nakarating siya sa sa park na sinabi ng caller sa kaniya. Lalapitan niya na sana si Cassandra na nakaupo sa bench habang umiiyak ngunit napatigil siya dahil may napansin siyang dalawang lalaki na nakatayo 'di kalayuan sa kinaruruonan ni Cassandra noong mapansin ng dalawang lalaki na nakatingin sa kanila si Elias sabay nila tinanggal ang suot na sombrero na agad naman nakilala ni Elias sina Ken at Kenneth nag senyas ang magkapatid na lapitan si Cassandra nagtataka man si Elias kung bakit naruon ang kambal sinunod niya na lamang ang senenyas sa kaniya ng kambal. Naupo si Elias sa tabi ni Cassandra at hinilig niya ang ulo ni Cassandra sa kaniyang balikat.

"Umiyak ka lang, nandito lang ako para maging sandalan mo."

"Bakit gano'n? Ang akala ko magiging maayos na ang samahan naming dalawa. Napamahal na ako sa kaniya Elias. Minahal ko na siya sa ilang buwan naming pagsasama ngunit hindi ko akalain na lahat ng ginawa niya sa akin, lahat ng pag-aalaga niya sa akin puro pagpapanggap niya lang. Hindi ko alam kung bakit pinakasalan niya ako! Kung sasaktan niya lang ako."  umiiyak na saad nito samantalang si Elias walang ginawa kun'di pakinggan lamang ang lahat ng sinasabi ni Cassandra hanggang sa nakatulog ito sa kanyang balikat. Lumabas ang magkapatid sa pinagtataguan nila at binuhat ni ken si Cassandra at 'saka sinakay sa isang kotse.

"Kung gusto mo sumama sumakay ka pero kung ayaw mo puntahan mo na lamang ang magaling mong kaibigan at sabihin mo ang nangyayari ngayon kay Cassandra ." saad ni Kenneth saka lumakad sa driver seat naghintay ng isang minuto si Kenneth kung sasakay ba si Elias o hindi hanggang sa pinaandar nya ang kaniyang sasakyan palayo kay Elias na nakatanaw lamang sa kanila.

My Eyes Are YoursWhere stories live. Discover now