Chapter 3

0 0 0
                                    

Lumipas ang isang buwan naging maayos ang pakikitungo ni Ethan kay Cassandra ngunit mag kahiwalay pa rin sila ng k'warto nagiging magkasama lamang sila kapag ang kanilang magulang ay pumupunta sa bahay nila at nagpapakita ng kabaitan si Clyde sa mga ito.

"May pasok ka ba ngayon?" nasa kalagitnaan sila ng pag-aalmusal noong mag tanong si Clyde kay Cassandra na agad naman sinagot ng dalaga.

"Wala pero magkikita kami ngayon ng kaibigan ko."

Isang college students si Cassandra at siya ay graduated na sa susunod na taon. Ang kursong kinuha niya ay Business ad., nakapagtapos na siya ng pag-aaral ng culinary arts ngunit nag-aral lamang siya ulit dahil sa kagustohan niya samantalang si Clyde ay tapos na sa pag-aaral at isa na siyang business man

"Hindi kita maiihatid may mahagalagang meeting ako na pupuntahan." ngumiti na lamang si Cassandra at nag paalam na siya na mag bibihis.

Ngayon si Cassandra ay nasa isang coffee shop kasama ang kaniyang kaibigan na si Kristal.

"Kamusta?" bungad na tanong sa kaniya ng kaibigan.

"Ayos lang naman."

"Cassandra, mahal mo na ba ang lalaki na iyon?" saglit na napaisip si Cassandra dahil sa tanong ng kaibigan.

"Hindi naman siya mahirap pakisamahan at hindi rin siya mahirap mahalin. Sa isang buwan na pagsasama namin sa iisang bahay naging maayos ang pakikitungo niya sa akin."

"Pero siya ba mahal ka rin ba niya?" napatahimik si Cassandra sa tanong muli ni Kristal at hindi alam ang isasagot. "Paano kung pakitang tao lang ang lahat ng ginagawa niya sa iyo?" pilit na ngumit si Cassandra sa kaibigan at iniba niya na lamang ang kanilang usapan.

"May iba ka ba na pupuntahan?" agad naman napatayo si Kristal dahil sa tinanong ni Cassandra at nagmamadali itong nag paalam sa kaniya.

"Mabuti na lamang naitanong mo Cassandra, muntik ko na makalimutan na may importante nga pala akong pupuntahan. Pasensya ka na maiiwan na muna kita rito, sorry Cass." nakangiting tumango na lamang si Cassandra sa matalik niyang kaibigan. Tahimik na tumayo si Cassandra sa kinauupoan niya dahil sa wala naman siyang ibang pupuntahan naisipan niya na lamang na umuwi.

"Elias, Kenneth, Ken anong ginagawa niyo rito?" pag pasok ni Cassandra sa loob ng bahay nila ni Clyde ang mga kaibigan ng kaniyang asawa ang kaniyang nakita.

"Sinusundo ka namin." nakangiting saad ni Kenneth. Si Kenneth ay ang pinakabata sa magkakaibigan at sweet sa lahat samantalang ang kapatid nito na si Ken ay kabaligtaran niya at si Elias naman ay mabait na tao.

"Huh? Bakit?" nagtatakang tanong ni Cassandra sa tatlo.

"Gusto ka kasi makita ni tita kaya sinusundo ka namin." nakangiting saad ni Elias at agad siya hinila ng tatlo palabas ng bahay at isinakay sa sasakyan papunta sa mga magulang ni Ethan. Nang makarating sila sa bahay ng mga magulang ni Ethan isang batang babae ang bigla na lamang umakap sa mga binti ni Cassandra.

"Hello po, ang ganda niyo po pala talaga sa personal." naiilang na binuhat ni Cassandra ang bata na sa tingin niya nasa seven years old.

"Pag pasensyahan mo na ang anak ko Cass gustong-gusto ka talaga niya makita noon pa." Hindi makapaniwala si Cassandra na may nakakabatang kapatid si Clyde.

"Ara, bumaba ka na baka nabibigatan na sa iyo si Cassandra." saad ni Kenneth dito ngunit ayaw bumaba ng bata mula sa pagkarga ni Cassandra.

"Ayos lang," saad ni Cassandra. Niyaya sila ng ginang na maupo sa sala at nag pahanda ito sa mga katulong nang makakain.

Nagtagal ng ilang oras sina Cassandra sa bahay ng mga magulang ni Clyde masayang-masaya si Ara buong mag hapon habang kalaro nito si Cassandra hanggang sa nakatulog ito sa mga hita niya na parang ayaw ng umalis sa kaniyang tabi binuhat ni Elias si Ara at inakyat ito sa kwarto.

My Eyes Are YoursWhere stories live. Discover now