Chapter 2

0 0 0
                                    

"Ako si Elias at ang nag dri-drive ay si Kenneth at 'yong katabi niya naman ay si Ken, magkapatid sila." basag ni Elias sa katahimikan.

"Cassandra," mahinang saad ni Cassandra sa kaniyang pangalan.

Lumipas ang dalawang oras ay nakarating sila sa napakalaking bahay binuksan ni Elias ang pinto ng sasakyan para kay Cassanda at lumakad ito papasok ng bahay samantalang si Cassanda ay nakasunod lamang sa tatlong lalaki.

"Umakyat ka sa itaas para makapahinga ka na. Nasa kanan ang kwarto mo at sa kaliwa naman ang kwarto ng asawa mo hindi na muna kami aalis hanggang hindi pa umuuwi ang asawa mo." tahimik lamang na tumango si Cassandra sa tatlong lalaki at umakyat ito sa itaas. Pagpasok niya sa magiging kwarto niya nakita niya agad ang kaniyang mga gamit sinara niya ang pinto ng kanyang kwarto at ni-lock ito naupo siya sa kama at tahmik siyang umiyak.

"K-Kuya nasaan ka ba? K-kunin mo na ako dito. A-ayaw ko sa kanila. Nangako ka sa akin na babalikan mo ako ngunit bakit hanggang ngayon wala ka pa rin? Hindi ko na alam ang gagawin ko gusto ko na mamatay kuya. Nakikiusap ako sa iyo bumalik ka na at kunin mo na ako sa kanila." umiiyak na saad ni Cassandra samantalang mula sa labas ng k'warto niya nakatayo si Kenneth at Ken na nakikinig sa harap ng pinto ng kwarto ni Cassandra.

"Pagod na pagod na ako kuya, kailan ka ba magpapakita sa akin? Tuloyan mo na ba ako hahayaan sa kanila? Tuloyan mo na ba ako kinalimutan? Kinalimutan mo na ba na may kapatid ka na naghihintay sa pagababalik mo? Sana, sana hindi ka na lang nangako sa akin kung hindi mo naman tutuparin." nahiga si Cassandra sa kama at walang tigil itong umiyak nang umiyak hanggang sa nakatulog na ito. Si Kenneth at Ken ay nagkatinginan sa isa't-isa at tahimik na nilisan ang kwarto ni Cassandra pagdating nila sa sala ng bahay ng kaibigan nilang si Clyde nakita nila si Elias na nakaupo sa sofa at sa harapan nito si Clyde na may katabing babae at hinalik-halikan ito.

"Bakit mo pa dito pinatuloy si Cassandra kung magdadala ka rin lang naman ng babae sa bahay mo?"

"Ito ba ang plano mo? Ang saktan ang taong inosente?" saad ng magkapatid kay Ethan samantalang ang babae na katabi nito ay natigil sa ginagawa niyang paghalik sa binata.

"Wala kayong pakialam sa ginagawa ko! Sumang-ayon ang mga magulang niya kaya wala na siyang magagawa. Gusto ko maramdaman niya ang sakit na naramdaman ko noon. Gusto ko mamatay siya sa ganoong sitwasyon." seryosong saad ni Ethan.

"Ethan, tao ang sinasaktan mo at hindi hayop! Sa tingin mo ba kapag nakita mo siya nasasaktan at nahihirapan sa mga ginagawa mo sa kaniya sasaya ka? Mawawala ba ang mga sakit na nararamdaman mo ngayon sa puso mo? Dalawang taon na ang nakakalipas Ethan! Ang taong may dahilan ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay wala na at hindi na nagpapakita pa saiyo pero ang nararamdaman mong sakit ngayon ay nandiyan pa rin."

"Sana hindi mo pagsisihan ang lahat kapag dumating ang araw na matutunan mo siyang mahalin dahil kung darating 'man iyon, wala ka ng magagawa."huling saad ng magkapatid at lumabas ang mga ito ng bahay ni Clyde agad naman sumunod si Elias sa kambal.

Tahimik lamang na tinatahak ni Ken ang daan papunta sa isang bar kasama ang kaniyang kapatid at si Kenneth.

Pagdating nila sa isang bar agad silang pumasok dito at pumasok sa isang VIP room na may nakahanda na mga alak.

"Kuya wala ba tayong gagawin? Kahit itakas natin si Cassandra mula sa mga kamay niya?" tanong ni Kenneth sa kapatid na si Ken.

"Hoy kayong kambal 'wag kayo gumawa ng hindi maganda alam niyo naman ang kayang gawin ni Clyde kahit kaibigan niya pa tayo hindi niya papalampasin. Bakit ba ganoon na lamang ang concern niyo para kay Cassandra?"

"Elias, Aaminin namin wala kaming kapatid na babae, asawa o girlfriend ngunit may ina kami. Babae siya na tulad ni Cassandra at ayaw namin may nakikitang babae na nasasaktan lalo na't wala itong kasalanan." saad ni ken at tsaka niya ininom ang hawak niyang baso na may alak.

Samantalang mula sa bahay ng mga magulang ni Cassandra nagtatalo ang kaniyang mga magulang dahil sa nangyaring pagpapakasal sa kanilang anak. Ayaw 'man nila gawin iyon ngunit wala silang magagawa.

"Alvin, ang anak natin. Si Cassandra."

"Huminahon ka Rhea, dadating ang araw maiintindihan din tayo ng anak natin na si Cassandra kung bakit ginawa natin ito."

"Lalo niya tayo kakamuhian Alvin ayaw ko na maulit ang nangyari noon at ayaw ko pati siya ay iwan niya tayo gaya ng ginawa ng kapatid niya hindi ko kakayanin."

"Magiging maayos din ang lahat Rhea, sa ngayon protekta mula sa atin ang kailangn ni Cassandra."
Niyakap ni Alvin ang kaniyang asawa ng mahigpit hanggang sa tumunog ang kaniyang phone agad siya napabitaw sa pagkayakap sa asawa at sinagot ang tawag mula sa cellphone niya.

[Alvin, pasensya ka na kung wala kaming magawa ng asawa ko para sa unica hija mo. Alam mo naman kung anong meron sa ugali ng anak namin simula mawala ang kapatid niya at niloko siya ng taong minahal niya kahit pati kaming magulang niya ay hindi niya pinapakinggan.] bungad agad sa kabilang linya.

"Ayos lang Joel." saad ni Alvin dito.

[Wala pa rin ba balita sa anak mo na si Rence?]

"Wala pa simula noong mangyari ang trahedya hindi na nag pakita pa sa amin si Rence. Hayaan niyo kapag nalaman na namin kung  na saan ito ihaharap ko ang anak ko kay Clyde para maliwanagan siya sa lahat ng nangyari. Kayo na ng asawa mo ang bahala sa anak kong babae Joel, huwag niyo hahayaan na saktan siya ng anak mo."

[Hindi ko maipapangako na hindi siya saktan ng anak ko Alvin. Sige na mauuna na ako.] paalam ng nasa kabilang linya at agad pinatay ang tawag napahinga naman ng malalim si Alvin at humarap sa asawa niya na hanggang ngayon umiiyak parin nilapitan niya ito muli at pinatahan. Masakit para sa kanila na ilagay nila ang anak nila sa sitwasyon na ayaw nila ngunit wala silang magagawa dahil isa lamang silang magulang na gagawin ang lahat hindi lang mawala ang kanilang anak na babae kahit na ang kapalit no'n para sa kanila ay magalit ang sarili nilang anak.

My Eyes Are YoursWhere stories live. Discover now