"Umupo ka lang d'yan, ako na ang mag-iinit ng ulam at maghahanda ng mesa. Pasensya ka na kasi pasado alas nueve na akong nakauwi."

"Sanay na," she replied, a hint of sadness in her voice. "Sige na nang makakain na—"

I pulled her into my embrace. "Nagtatampo na naman ba ang asawa ko?"

"Hindi. Pero, gutom na gutom na kasi ako, eh."

"Sana nauna ka na lang kumain."

"Gusto kitang kasabay. Sobrang lungkot kayang kumain mag-isa. Sa laki ng pamilya ko, hindi talaga ako sanay kumain mag-isa."

I sighed. "Hindi bale, after this school year ay back to normal na ang schedule natin. Kailangan ko lang kasi talagang ayusin 'to, Mrs. Yu, eh. Ang daming problemang iniwan ng nakaraang set of officers ng frat at gusto kong bago man lang matapos 'yung termino ko ay maayos ko na lahat ng 'yun."

"Hindi mo kayang ayusin lahat, Redley. Besides, bakit ba ikaw ang nag-aayos, eh, problema 'yun ng ibang tao? Tingnan mo naman, lahat ng past officers ay graduate na, sinong hahabulin n'yo?"

"Lalabs, kaya nga fraternity, 'di ba, kasi kapatiran? 'Yung kalat ng kapatid mo, kailangan mong linisin at hindi pwedeng pabayaan mo lang dahil dala-dala n'yong lahat ang pangalan ng fraternity n'yo."

"Ang swerte ng mga 'yun dahil gan'yan ka mag-isip. Eh, sila ba naisip nila 'yung kalat na iniwan nila?"

"I learned from one of the frat's best LCs. 'Yun kaya ang turo sa akin ni Dad."

"Ay, naku, matawagan nga 'yang tatay ko at kung anu-anong itinatanim d'yan sa utak mo."

I fondly rumpled her hair. "H'wag na mainit ang ulo, Mrs. Yu. O, sige na, maupo ka muna at ihahanda ko na 'yung hapunan natin."

I reheated our dinner and set the table before I called my wife to the kitchen. She was unusually quiet which had me worrying.

"May problema ba?" I asked.

She shook her head.

"Bakit ang tahimik mo? Kanina naman okay ka."

"Nag-iisip lang."

"Tungkol saan?"

"Ewan ko..."

"Lalabs, sabihin mo sa akin. Para naman gumaan-gaan 'yang pakiramdam mo."

She sighed. "Ang totoo sobrang bored ako rito sa bahay. Is it too late to join an organization? Para naman may iba akong pagkakaabalahan? Kasi maaga nga akong umuuwi pero mga anim na oras pa rin naman akong maghihintay sa'yo. Sakit na ng ulo ko sa kakahiga. Sobra na akong naging studious kasi basa lang ako nang basa. Tingnan mo naman itong buong bahay, kung anu-ano na lang inaayos ko rito. Ayaw mo rin namang lumabas akong mag-isa, eh, nababaliw na ako rito sa apartment."

"Okay," I noncommittally said.

"Okay, what?"

"Okay, pwede kang sumali ng org..."

"Bakit parang napipilitan ka? Ayaw mo ba na sumali ako ng org?"

"Hindi naman sa ayaw. Kung 'yun ang gusto mo, okay lang sa akin."

"Pero?"

"Hindi ko alam. Hindi lang ako ready na uuwi ako rito 'tapos wala ka kasi may activities ka. Ang selfish pakinggan, ano?"

"Hindi naman ginagabi 'yung orgs, eh. Kung gagabihin man hindi parati. Unlike d'yan sa frat n'yo na sobrang dibdiban. Gusto ko lang na meron akong matambayan pagkatapos ng klase ko. Minsan kasi mahigit isang oras 'yung pagitan between my classes. Gusto kong meron akong nakakausap habang naghihintay ng next period. Sawang-sawa na ako sa katatambay sa library."

Fools In Love (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now