CHAPTER 2 : NEW FRIENDS?

Start from the beginning
                                    

"Ano ka ba magtiwala ka nalang, sure win ka d'yan. Ikaw talaga inonominate ko." sabi niya kaya't napayakap ako sa kanya.

"Grabe thank you Eleanor!" sabi ko at niyakap naman niya ako pabalik.

"Ay gagi ayan tumayo na si ma'am, baka magsstart na yung botohan." sabi ko at umayos na ng upo.

"Okay class, dahil first day ngayon ay wala tayong klase buong araw pero meron tayong botohan for class officers. Okay simulan na natin." sabi ni ma'am at kumuha ng papel sa kanyang desk.

"So if you're going to nominate someone, you'll just say, I nominate (name) as pres, vpres so on and so forth. Okay let's start with president."

Agad nagtaas ang mga classmates ko, isa na doon si Ele.

"Ma'am, I nominate Beatrice as our Class President!" nakangiting ani ni Ele, kaya napatingin si Beatrice sa kanya at ako naman ay napatingin kay Beatrice.

Ang ganda n'ya rin, grabe naman si Lord. Napadami ata blessings sa taong 'to.

Nilista naman agad ni ma'am ang pangalan nito. Nalaman ko sa isa kong classmate na ang full name niya pala ay Beatrice Tolentino.

Mabalik sa botohan, marami din ang lumaban sa posisyong president. Kalimitan ay ginagawang laro, yun bang iboto lahat ng tropa niya.

-_-

Last na tumayo ay yung mukhang maingay kanina pa.

"Ma'am! I nominates Arthur Dizon po para sa ating presidente!!!" sabi ni kulit na nagnominates HAHAHAHAHAHA.

"And ma'am! i'm going to stop the nomination for president!" wth, anong going to stop???

Nakita kong tumawa si Beatrice at Eleanor, pero hindi ko na pinansin.

Baka tropa rin nila yung Arthur.

"Hmm okay, the nomination for Class President is now closed. Ito po ang mga binoto niyo mostly nung mga boys sa gilid. Beatrice Tolentino, Jake Rivera, Denver Colorado, Pipay Cruz, at lastly Arthur Dizon. So, kindly raise your hands para sa mga iboboto niyo and paki-ayos ng taas ha."

"Okay, votes for Beatrice? " ani ni ma'am bago binilang ang mga nagtaas ng kamay, nagtaas na rin ako dahil bukod sa mukhang sure win na 'to ay dahil s'ya na ang pinakamaayos o s'ya lang pala talaga ang maayos sa mga na-vote.

Tinanong na rin ni ma'am kung sino ang boto sa mga natira at iyon nga, gaya ng inaasahan, ang nanalo ay si Beatrice.

"Next is Vice President, again kindly vote and say I nominate ha hindi nominates." sabi ni ma'am kaya't nagtawanan naman ang lahat.

Puwesto na bilang vp, kaya tumingin ako kay Eleanor at nakitang nakangiti s'ya ngunit hindi sa akin. Pero hinayaan ko na lamang at tumingin na sa harap dahil sinabi naman n'ya na iboboto n'ya ako.

Maraming nagtaas ng kamay pero naunang tawagin si Beatrice.

"Ma'am, I nominate Eleanor Del Rosario as our Vice President po." sabi ni Beatrice kaya't napatingin ako kay Ele at nakitang masaya ito.

Nagboto pa sila ng ilan at binoto muli nung isa yung si Arthur Dizon.

Inantay ko na iboto ako ni Eleanor kaya't sa kanya lamang ako nakatingin, ngunit walang nangyaring pagboto sa akin hanggang sa magsara ang botohan para sa vice president.

Nagtaas na ng kamay para sa iyong iboboto ngunit ni isa sa kanila ay hindi ko binoto dahil sa hindi malamang dahilan.

Nanalo si Eleanor sa puwestong vp.. at masayang masaya sila doon.

Sa hindi malaman na dahilan ay nanakit na lamang bigla ang aking dibdib, hindi ko alam kung bakit ganoon pero dahil siguro naramdaman kong muli ang ma-betray.

Natapos na ang botohan sa Class officers, lahat ng kaibigan ko ay officer na.. ako lamang ang hindi naboto.

Si Kate ay treasurer, si Natalia ay Secretary, si Annalyn ay sgt. and arms ba yon tapos si Iradielle ay muse.

S'yempre masaya ako para sa kanila ano...

Mabilis lang ang oras dahil lunch break na agad.

Hindi na ako lumabas dahil may baon naman akong kanin, tinawag pa ako ni Natalia para sumama sa kanila pero sinabi ko na hindi ako bibili kaya't ibibili nalang daw n'ya ako.

Nang tingnan ko si Iradielle ay nakita kong hindi s'ya kumakain at nagcecellphone lang.

Hinayaan ko nalang muna s'ya dahil siguradong ang isasagot niya ay busog pa s'ya.

Nakabalik na sina Natalia at ibinili nga ako, hindi ko alam kung paank niya nalaman o kung alam niya na paborito kong inumin ay yakult... s'yempre hindi ko kinalimutang mag-thank you.

Pagkatapos ng lunch ay may ini-announce ulit si ms. Catherine, bukas daw ay lilipat kami ng class room dahil hindi naman daw talaga ito ang room namin, kumbaga room lang ito ni ms. Cath sa lesson niya na science.

Pagtapos noon ay nagcellphone nalang ulit kaming lahat.

Grabe ang araw na 'to, bukod sa hindi naging maganda, boring pa.. Sana may klase na bukas...

Char, akala mo nag-aaral ng mabuti eh.

Lumipas ang mga oras at uwian na, habang ang iba ay nag uunahan para umuwi, ako naman ay nagpaalam na kita annalyn.

Pagkadating ko sa bahay ay wala pang tao kaya't naglinis muna ako ng kaunti dahil ayoko rin kasi na sobrang kalat sa paligid.

Pagkatapos maglinis ay nagpahinga muna ako, at dahil sa pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

•••

SM ACCOUNTS:
FACEBOOK: Lemon WP
INSTAGRAM: weirdlemon.unnie
TIKTOK: weird wp


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

COMPLICATED LOVE (ONGOING)Where stories live. Discover now