Chapter 9:Number.

Start from the beginning
                                    

Natahimik naman sila. Hindi parin inaalis ang tingin sakin.

"If only, Khai, if only," Bulong ni Marlou pero narinig ko parin.

Hindi ako umimik. I sighed. "Let's go, we're gonna be late."

Tila hudyat yon sa kanila at biglang luminaw ang kanilang mga muka.

Unang lumapit sakin si Darwin. "Hayst, akala ko magagalit ka." Mahina niyang turan.

Inirapan ko lang siya. Tinawanan niya lang ako't inaknayan.

"Guys, Kain tayo sa labas?" Si Darwin na talagang pumunta pa sa harap.

We don't have class. Wala ang next subject kaya kanya-kanya kami nang aliw.

Kita-kita ko rin ang pagbabago sa classroom na 'to. From those students na parang may kanya-kanyang mundo'y ito, naguusap-usap.

Hindi ko nga alam kung matutuwa ba 'ko dahil sumubra ata. They barely shut up. Even the Teachers were shocked when everyone talk to each other in the middle of class. And for the first time ay merong nakagalitan dahil naguusap sa gitna ng klase.

I know it's bad influence, but I'm glad. I'm glad that they're acting more of a students. Well, most of them.

One student remains the same. Matthew. Kanina pa siya tahimik. Wala rin namang kumakausap sa kanya. It's like his existence is completely absent.

Mukang wala rin naman siyang pake nakatunganga lang rin siya sa labas. Nasa gilid kasi siya nakaupo, malapit sa bintana. Kahit sa klase'y naroon lang ang tingin niya. Even the Teachers doesn't give a damn about his existence. I even saw how the teacher ignored his index card earlier while having a recitation.

Parang daya.

"May bagong bukas na resto sa may elena." Exited na sagot ni Chester.

"Ay puta, yung Byron's ba?" Si Jolyen.

"Oo,"

"Tanga mahal ron. Yung mango float nila tatlo, 500. Tas maliit pa." Si Ricky.

"Sana all mahal," Singit naman ni Mark kaya nakatanggap siya nang batok galing kay Mike na nakaupo sa likod niya.

"Plaza na lang tayo. Marami nang stools roon gantong oras." Si Diego.

Somehow I feel grateful. Nung nakaraan lang nang sabihin niya saking parang mga robot ang mga tao rito but look at him now, talking to them like friends.

"Ikaw, khai?" Napatingin ako kay Darwin nang balingan niya 'ko. I raised my brow at him. "Sasama ka ba? Plaza tayo."

Nanatili sakanya ang tingin ko, sinisiguradong walang mababakas na emotion roon.

Until an idea came in mind. Tignan ko ang lalaking parang walang pake sa mundo. "Mattew," Tawag ko sakanya.

Sabay-sabay namang napatingin sakin ang mga kaklase. Humigpit ang pagkakawak ni Layvance sa kamay ko. But I didn't care.

I waited for Mattew to glance at me. Hindi naman ako nabigo dahil bored niya 'kong tinignan.

"Sasama ka ba?" I asked.

Tumaas ang kilay niya sakin bago sumilay ang nakakalukong ngiti. "You already have 14 friends here, kulang pa ba?"

Inirapan ko siya't hindi pinansin.

Bahala ka kung ayaw mo.

"I'll go if you want me to."

Napatingin ulit ako sakanya nang magsalita siya. Nakatingin na siya sakin nang seryoso ngayon.

A Rose Hidden in The Thorns.Where stories live. Discover now