CHAPTER 38

229 20 4
                                    

Faridha's POV

I opened my eyes. Bumungad sa akin ang napakadilim na kwarto. Where the hell I am?

Nagmamadali akong tumayo mula sa pagkakahiga. "Holy shit!" Kinapa ko ang mukha ko hanggang tiyan pero wala akong nakapang nakabalot o sakit man lang.

Nagmadali akong lumapit ng dingding at hinanap ng kamay ko ang switch. Pagkapindot ko lumiwanag ang buong kwarto. Hinanap ko kaagad ang salamin.

"Impossible..." Tanging naibulong ko ng makita ang buong itsura. Dapat may sugat ako at sunog ang mga braso ko. Ba't wala? Shit! Napalingon ako sa likuran ng makita ko sa salamin ang isang bagay. "Nasa mundo ako ng mga tao?! It's my fucking room!" Ang nakita ko sa salamin ay ang mga bagay na pininta ko na nakadikit sa likod ng pinto.

Lumabas ako ng kwarto at nagmamadaling bumaba. Halos mahulog pa ako sa hagdan. "Ma! Pa! Ma! Ma!" Ilang beses akong sumigaw pero walang sumasagot sa bawat sigaw ko. Ang tahimik ng bahay... malinis pa at tila walang nagalaw na nga bagay.

Pumunta ako ng kusina kasi noon palagi kong naabutan si mama sa kusina. Ngunit wala pa ring tao. Walang bagay na nakalagay sa mesa maliban sa libro.

Lumapit ako at kinuha ito. Hinaplos ko ang pamagat nitong tila inukit pa. Gawa sa kahoy ang libro, ang cover nito ay kahoy ngunit papel ang loob.

"The Truth about the Goddess with Wings"

Inukit ang pamagat sa pamamagitan ng cursive na paraan. Napakaganda!

I was about to open it when I heard a loud noise. Kumunot ang noo ko at pinakinggang mabuti kung saan nanggagaling... at sa kwarto ko iyon.

Dala ang libro nagmamadali akong umakyat. Halos masubsob pa ako pagkarating ko ng pinto.

Napanganga ako ng makita ko ang isang nilalang na kumikinang. Literal na kumikinang. Parang binudbudan siya ng glitters sa paligid ng buo niyang katawan. Who the hell is she?

"A-Ahh... who are you?" Shit! Napaatras ako ng makita ko ang itsura niya. Kung anong ganda niya kanina habang nakatalikod, ang pangit naman nung pagharap. Napangiwi pa 'ko...

Pero tinatayuan talaga ako ng balahibo. Nakalutang siyang lumapit sa akin. Mahahawakan niya na sana ako ng biglang nawala ang lahat.

Nakatitig ako ngayon sa bubong ng kwarto ko rito sa kaharian. Ilang beses pa akong pumikit para kompirmahin ngang nandito ako ngayon.

Ramdam ko ang sakit sa buong katawan ko. I tried to move pero tanging leeg ko lang at parte ng mukha ang nagagalaw ko. Kingina! Panaginip ba iyon? Ang weird naman!

Unti-unti akong bumaling sa gilid ng hinihigaan ko. Nope! It's not a dream. Nasa gilid lang naman ang librong hawak ko kanina lang! Kung hindi iyon panaginip, anong tawag do'n? Pangitain?

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang ilang pag-uusap na papalapit sa akin. Nagpanggap akong wala pang malay.

"God Zeus, kailan siya magigising?"

"I don't know,"

"What?"

"I have told you several times, the condition of her body is severe."

It's my father and Zeus, they are talking about me. Alam ko nga, malala talaga ang kalagayan ko. Hindi ko nga magalaw eh maliban sa leeg.

"Hayss! One month na siyang nakaratay diyan!" Pinilit kong huwag magmulat pagkarinig ko no'n. Fuck! One month? Hayop naman! Bed rest 'yan?

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now