CHAPTER 22

285 24 6
                                    

Faridha's POV

Isang araw akong hindi pinalabas ng dalawang nurse na 'yun. Para tuloy akong na bed rest!!

Bantay sarado talaga ako. Ultimo pag-ihi ko kasama sila.

Pero ngayon tumakas ako hehehehe. Nauto ko silang lumabas. Kaya ayun naglalakad lakad ako ngayon. Napakalaking daanan. Ganito ba sa lahat ng kaharian?

Naiinis din ako sa bandage na nakapulupot sa katawan ko. Hindi ako makagalaw masyado. Nakakailang!

Woah! Mala fairytale naman dito! Kahit plain lang ang kaharian nakapalibot naman ang mga ugat sa paligid. May mga munting dahon pa ito at bulaklak. Indeed a fairytale...

May lumilipad pang bagay na makinang. Mas maganda ang lugar na 'to sa gabi panigurado!

Nakalabas ako ng kaharian. Napunta ako sa tila iniipunan ng lahat kapag may pagititipon. Napatunayan ko iyon ng makita ko ang veranda sa taas. Sa ikalawang palapag ng kaharian.

Doon nakapwesto ang royal family kapag may announcement sila. Ba't hindi sa 'min ganito? Maduga! Gusto ko pa namang maexperience!

"Hey bitch! What are you doing here?!"

Nawala lahat ng pantasya ko. Sa dami ng pwede ko makasalamuha ngayong araw bakit siya pa?

"Ikaw na naman?"

"Oh yes bitch!"

Nauubos talaga pasensya ko sa kaniya eh. Napahawak ako sa bewang saka napailing. Panira ng araw!

"Pwes! Ayaw kitang makita."

"Really?"

"Really?" gaya ko sa boses niyang napakaarte. Inirapan ko siya bago tumalikod. Inaappreciate ko pa naman ang kaharian nila tapos bigla siyang susulpot?

"W-Wait!"

"Ano?"

"T-Thank you..." nahihiya nitong saad habang nakayuko.

"Ha?"

"I said thank you."

"Ano ulit? Nabibingi yata ako."

"I said thank you! You bitch!" napangisi ako. Ayown! Bumalik kaagad siya sa dati.

"You're welcome bitch." napakamot ito sa leeg matapos ko iyong sabihin.

"I'm Joanna Elfis, by the way."

"Faridha Alcantara."

"Ammm una na 'ko." nahihiya pa itong kumaway. Hahaha! Nahiya siya sa mga ginawa niyang kasungitan sa akin? Nang medyo nakalayo na siya ay sumigaw ako.

"Johanna bitch!!" nahinto ito sabay lingon sa akin ng masama.

"Faridha bitch!!" I chuckled. Natatawa ako sa mga ginagawa namin.

Pabalik na sana ako sa pinangalingan ko ng mamataan ko doon ang pamilya ng babae, 'yung dalawang nurse at sila Tan. Kapwa sila nakangiti sa akin.

Nagsitakbuhan sila palapit sa akin.

"Princess!! Hindi ka daw nagpaalam. Muntik ng pindutin ng hari ang alarm!"

"Kapag nagpaalam ako hindi naman nila ako papayagang lumabas."

"Kasi nga po hindi pa kayo magaling." tiningnan ko ang nurse. Puno ng pawis ang mukha nila. Nataranta ba sila ng makitang wala ako ro'n?

"Ayos na 'ko. Pwede na ulit lumaban."

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now