CHAPTER 16

543 32 1
                                    

Faridha's POV

Absent naman na ako kanina... tinuloy ko na hanggang hapon. Kanina tinawag pa nila 'ko ngunit hindi na ako lumingon. Mabigat ang binitawan kong salita kanina. Baka sabihin nila hindi ako marunong sumunod. Ako pa naman nagsabi no'n.

"Lucifer! Lucifer!" nasa kaharian niya ako ngayon. "Lucifer!!" galit ako. Mabuti nga at may ilaw ngayon dito. Hindi sobrang dilim kagaya ng dati.

"You're here." bumaling ako sa likod. Nandoon na siya habang nakatingin sa akin.

"Hoy! Bakit mo pinasugod mga alagad mo?!"

"What?!"

"What?! Mga alagad mo kanina nandoon sa kingdom namin. Pinalibutan nila ako! Nasa sampu sila!"

"I haven't..."

"You haven't? Are you sure?"

"Yeah" kapag siya kausap ko napapaenglish ako.

"Ehh kaninong alagad 'yon? Sabi nila galing daw darkness kingdom eh." nakacross ang dalawa kong braso. Nakataas din ang isang kilay ko.

"His people."

"Sino?"

"'Yong pumalit sa 'kin." okay makakauwi na 'ko. 'Yon lang naman habol ko.

"Okay.... uwi na 'ko." ba't parang nagsinungaling ako sa part na 'yon? Ayaw ko pa bang umuwi?

"Stay" bumaling ulit ako sa kaniya. "I have something to show you." dahan-dahan akong tumango. Nauna siyang maglakad kaya sumunod na lang ako. Medyo malayo ang nilakad namin. Sumunod ako nang sumunod sa kaniya hanggang marating namin ang mataas na parte ng lugar. Para kaming nasa terrace. "I want to show you that." sinundan ko ang tinuturo ng daliri niya.

Sunset! A very beautiful sunset! Orange na orange ang kulay nito. The best sunset I've ever seen. Hindi ganito ang kulay ng sunset sa Earth.

I flinched when he hug me from the back. Nakapulupot din ang malaki niyang braso sa bewang ko. Samantalang ang ulo niya ay nakabaon sa leeg ko. Ito na naman po tayo!

"Is it beautiful?"

"Yeah" nakatulala pa rin ako. "Can I ask?"

"What is it?" sagot niya. Tuloy ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

"Kapag nagkaroon ng digmaan... tutulungan mo ba 'ko?" matagal bago siya nakasagot.

"Of course, I don't want my mate to get hurt." what if? What if kailangan may magsakripisyo na naman?

I flinched when I felt his lips on my cheeks!! My freaking cheeks!! Gumagalaw ito hanggang marating ang gilid ng labi ko. Fuck!! 'Di na ako nakagalaw ng inatake niya ang labi ko.

Kahit nakaside ang mukha ko parang hindi man lang siya nahihirapan. Bumitaw siya salad ako tiningnan sa mata.

"Y-You!! First kiss ko 'yun!" tumawa lang siya. "Why are you laughing!"

Humigpit ang hawak niya sa bewang ko. "It's not your first kissed."

"It is!"

"It's not."

"Pa'no nasabi?!" hindi siya sumagot. Tanging pagtawa lang ng mahina habang kagat ang labi ang sinagot niya sa akin. Anong it's not! Naalala ko bigla no'ng natulog ako dito. Paggising ko masakit ang labi ko at parang namamaga. Unti-unti nagsink in sa utak ko ang lahat. "You! I-Ikaw 'yung ipis!!" tinanggal ko ang kamay niya sa bewang ko. Humarap ako saka siya dinuro. "Ikaw ang ipis!!" he freaking kiss me while I'm sleeping!

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now